Kabanata 30

100 10 0
                                    

Pitong araw ang lumipas mula ng nagkasagutan kami ni Kyle. Hindi na rin siya nagttxt o nag-abalang tumawag man lang but it's okay with me. All I wanted, is for him to reflect on his actions. Alam kong may mali ako dahil hindi ko inisip ang mararamdaman niya, pero ginagawa ko lang kung ano yung makabubuti para saming dalawa and I never asked him to break up with me. So what is his problem?

"Nag-away kayo ni Anton?"

Isinantabi ko muna ang pag-iisip ko sa kanya at binigay ang atensyon kay mama.

"Hindi po ma."

Ilang minuto niya akong tinitigan at tinitimbang kung nagsasabi ba ako ng totoo.

"Nag-away kayo dahil sa problema natin? Ilang araw na mula nung huling bisita niya."

Hindi ako sumagot. Walang saysay kahit pa na magsinungaling ako, malalaman din naman ni mama ang totoo.

"Ysha, malaki ka na kaya gawan mo ng paraan yang away niyo. Ayaw kong madamay ang kondisyon ng papa mo dahil lang sa hindi kayo magkaintindihan. Ano nalang ang iisipin ng papa mo? Kung pwedi lang wag na sanang umabot to sa papa mo."

Pagkabalik ko ng ospital pagkatapos ng away namin ni kyle, nagising si papa. Gusto pa sana ni mama na manatili kami ng ilang oras doon ngunit nagpimilit si papa na umuwi dahil maayos na ang pakiramdam niya.

"Wala pong kinalaman si papa sa away namin. Hindi lang talaga kami nagkaintindihan. Kakausapin ko naman siya kapag may bakanteng oras ako."

"Siguraduhin mo iyan. Kapag nagkaayos na kayo, sabihin mo sa kanyang bumisita rito."

Agad akong umangal.

"Ma naman."

"Gawin mo nalang ang sinabi ko. Matagal na natin silang kilala kaya hindi na bago kung bumisita man sila dito sa bahay paminsan-minsan."

Napayuko ako. Nahihiya sa inakto ko. Nakalimutan kong magkakilala pala ang pamilya namin.

"Opo."

Sa pitong araw na hindi kami nagkita, I keep myself busy. Yes, I'm hurt. But I know it will help us grow. At hinihiling ko na sana malaman niya ang ibig kong sabihin.

Nakausap ko na din si papa. Sobra ang paghingi niya ng tawad na ikinagulat namin. Ayaw niyang mag-alala kami ng husto sa kalagayan niya. Humingi rin siya ng pabor saamin na babalik sa pagttrabaho pero hindi kami sumang-ayon. Gusto naming magleave muna siya at magpahinga. Mabuti nalang at hindi na siya nagpumilit pa.

"Kapag nakausap mo na si Anton, bumalik ka rito dahil may sasabihin ako. Siguraduhin mo munang maayos na kayo."

"Anong pag-uusapan natin ma?"

Kunot-noong tanong ko. Tumayo siya at nilagay sa sink ang pinagkainan.

"Mamaya ko na sasabihin kapag nag-kausap na kayo."

Hindi parin nawala ang patataka ko kahit kahit na nasa university na ako. Ano bang dapat pag-usapan namin na kailangan pang kausapin si Kyle. Nagdadalawang-isip nga ako kung kakausapin ako ni Kyle dahil baka galit pa siya sa nangyari.

Pero walang mangyayari kung wala akong gagawin. I need to talk to him now. Pagkatapos ng klase namin, dumeretso ako sa room nila kung saan kasalukuyan silang may review.  Thirty-minutes pa bago matapos ang klase niya kaya nag-antay ako sa bakanteng room sa harap. Anong sasabihin ko sa kanya kapag nagkaharap kami? Bahala na.

Hindi paman natapos ang time nila ay narinig ko ng ang ingay ng mga nagsilabasang estudyante hudyat na tapos na ang klase nila. Agad akong napatayo sa pagkakaupo at inayos ang sarili. Lumabas ako agad at hinintay siya. Ilang pamilyar na mukha ang nakita kong lumabas pero walang kyle na nagpakita. Huling lumabas ay iyong may apelyedong Tan na kasama ni Kyle sa basketball. Tinawag ko siya at agad naman siyang lumingon na may pagtataka sa mukha ngunit ngumiti din kalaunan.

BreakdownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon