Tumakbo ako palayo kay Kyle. Iniwasan kong mapalapit sa kanya dahil alam kong kikilitiin niya ako. Alam pa naman niya kung saan yung weakness ko. Pero nakalimutan kong athlete nga pala siya. Ilang segundo lang ay naabutan niya ako.
"You can't get away from me Kim."
"Oh my... Hahaha. S-Stop it Kyle!"
Ipinulupot niya ang mga kamay sa bewang ko at binuhat ako. Kiniliti niya ako sa bandang bewang at leeg. Hindi ko napigilang tumawa ng malakas at sinubukang pigilan ang mga kamay niya.
"Okay... Haha. I-Im sorry! I'm sorry na Kyle!"
Bahagyang lumuwag ang pagkakahawak niya.
"Hindi na mauulit. I swear."
Pinilit kong magseryoso kahit na natatawa parin ako. He send me death glare. I chuckled.
"I don't trust you words Kim. Your eyes contradicts."
Tinaasan ko siya ng kilay. Aba! Ayaw maniwala.
"Hindi nga! Seryoso na ako sa lagay na to."
Tumawa siya ng mahina at isinandal ako sa punong nasa likuran ko.
"Masisi mo ba ako, first time kitang nakitang naka-pink-with-flowers na slippers Kyle. Sinong hindi matatawa dun?"
Pagtatanggol ko sa sarili. Kinagat ko ang pang-ibabang labi dahil naaalala ko nanaman ang mukha niya kanina. Hindi ko kayang idescribe kasi, nakakatawa talaga. Hahaha.
"Really?... Let me think about that first."
Basi sa tono niya, hindi siya naniniwala. Pinanliitan ko siya ng mga mata at lumabi.
"Bakit ba kasi yun ang ginamit mo?"
"Yun ang gustong ipasuot ng lola mo kaya wala akong nagawa."
Nag-iwas siya ng tingin. Namumula ang mga pisngi niya and I can't help but smirked.
"Hmm. Bagay naman kaya wala kang dapat ikahiya."
Humagikhik ako. Itinuptop ko ang mga kamay sa aking bibig upang hindi makagawa ng ingay. Ibinalik niya ang mga tingin saakin. Umayos ako ng tayo at mahinang kinagat ang pang-ibabang labi.
"I saw that Kimmy... You're teasing me!"
Seryoso ang bawat tingin niya. Ngunit hindi ko makita ang mga emosyon sa mga mata niya. Pero base sa tono ng pananalita niya, natutuwa siya. May dapat bang ikatuwa? Gusto kong mahiya siya! Ewan ko kung bakit, ang cute niya kasing tingnan. There, I said it.
"Hindi ah! Assuming ka talaga Kyle."
Natigilan siya. Nag-iba ang ekspresyon sa mukha niya. Ilang sandali ang lumipas bago siya nagsalita.
"I don't care if I assume too much. That's me Kim. I assume something that will never happen and it hurts."
Natulala ako. I never expect him to say that. He looked serious and at the same time pained. Ilang segundo kaming nagtitigan. Hindi ako umiimik. Ang lakas ng tibok ng puso ko, dinagdagan pa na ang lapit-lapit niya.
Napalunok ako nang bumaba ang mga mata niya sa mga labi ko. I feel the tension and burning of my nerves. Goosebumps were running all over my body and it adds the nervous I'm feeling right now! Shit. Tumikhim ako at umayos ng tayo.
"Ba-"
Bigla nadulas ang mga paa ko sa natapakan kong ugat. Kaya hindi ko namalayang napadausdos ako sa katawan ni Kyle. Nakahawak ang mga kamay ko sa dibdib niya. Ang mukha ko sa bandang leeg niya at ang mga braso niya nakapulupot na ngayon sa katawan ko. I curse all the curses in my mind.
BINABASA MO ANG
Breakdown
RomanceRANKINGS: #1 - Montefalco #58 - Playboy "I love you. And no one can take you away from me." He wants her. She hated him. Story of Kyle Antony Montefalco and Irish Kim Pineda. This story is based on the events happened in my mind only. You may read...