Kabanata X

195 5 0
                                    

Ang daming paper works na kailangang gawin at hindi ko alam kung ano ang uunahin. Palapit narin ang Finals kaya kailangan kung mga-focus. In-organize ko ang mga gagawin sa gabi na ito at uunahin ko munang gawin yung mga mahihirap.

In-on ko ang laptop at nilapag ito sa study table. Kinuha ko ang eye glasses ko at isinuot ito. Nag-research ako ng mga ideas para sa research presentation namin sa monday. Nang makuntento na ako sa mga ideas na nakuha ay nagsimula na ako sa iba.

Sa kalagitnaan ng mga ginagawa ko biglang tumunog ang cellphone ko sa gilid. Dumungaw ako dito at nakita ang pangalan ni Denny sa screen. Tumigil ako sa pagttype. Kinuha ko ito at in-accept. Marahan kong hinilot ang aking sentido.

"Hello.. Denny napatawag ka?"

Narinig ko ang maingay na tugtog sa background niya at unti-unting nawala.

"Irish! Where are you now?"

Pasigaw niyang sabi. Inilayo ko kaagad sa tenga ko ang phone.

"Ang lakas ng boses mo. Nasan ka ba ngayon?"

Humingi siya ng sorry at humagikhik.

"Nasa Hybrid kami ngayon. Sagot ni AC lahat ng drinks! Asan ka ba? Punta ka dito bilis!"

Excited na sabi niya. Nagusot naman ang mukha ko sa paanyaya niya.

"No I can't Den. Tambak paper works ko ngayon, at kailangan ng ipasa before Friday."

Nahimigan ko ang pagtatampo sa bawat hininga niya sa kabilang linya.

"Can't you do it tomorrow? Besides weekends naman na bukas."

Nagtatampong sabi niya. May mga boses na nagtatawanan sa background at may isa na parang kinakausap si Denny.

"Hindi pwedi... May lakad kami ni mama bukas. I'm sorry Denny. Hindi talaga ako pwedi ngayon."

Narinig ko ang mga buntong-hininga niya.

"Kung hindi lang talaga dahil diyan sa mga projects mo, nag-tampo na ako ngayon... Basta next time hindi ka na pweding umayaw, Okay?"

Gumaan ang loob ko sa sinabi niya. Alam kong maiintindihan niya ako. Basta tungkol sa studies ko hindi ako pweding ipagliban. Tumawa ako.

"Okay... Tipsy ka na kaya mag-ingat ka... Sumama ka kina Ellei at Yssa pauwi."

Paalala ko sa kanya. Minsan kasi hindi niya makontrol ang sarili pag-nakainum.

"Alright. Alright mom! Stay safe rin. Ibaba ko na. Ciao!"

Sabi niya na ikinatawa ko. Narinig ko pa ang pagalit na tanong ng isang tao sa kabilang linya bago ito naputol. Binalewala ko nalang iyon at nilapag uli sa ilalim ng lampshade ang phone.

Tiningnan ko ang oras at nakitang eleven na. Kaya pala medyo inaantok na ako. Hinubad ko ang eyeglasses ko at inilapag ito sa mesa. Tumayo ako at nag-unat ng katawan.

Bumaba ako at naglakad patungong kusina. Binuksan ko ang refrigerator at nakitang may natira pang chicken adobo. Natakam ako at tsaka ko pa naalala na nakalimutan kong kumain kanina. Nilabas ko ito at nilagay sa microwave para uminit. Nagtimpla rin ako ng gatas. Nang matapos ay nilagay ko ang mga ito sa tray bago bumalik ng kwarto.

Nagttype ako at paminsan-minsan sumusubo ng pagkain. Nang pakiramdam ko babagsak na talaga ang mga mata ko, tumigil ako, tumayo at pabagsak na humiga sa kama. Hindi ko napansin na kanina pa pala nagriring ang phone ko. Nang kukunin ko na ay biglang tumigil sa pag-ring. Padapa ko itong kinuha at tinignan kung sino ang tumawag.

3 Missed Calls.

10 New messages received.

Kumunot ang noo ko at dahan-dahang umupo sa kama. Kinusot ko ang mga mata bago binuksan isa-isa ang mga iyon.

BreakdownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon