Kabanata XXVIII

92 7 0
                                    

Hindi ko na napansing alas tres na pala ng umaga nang nakarating ako sa address ng ospital na sinabi ni kuya.

Hindi na ako nag-abala pang magbihis dahil sa sobrang pag-aalala. Tinanong ko ang room ng papa ko ngunit walang nakalagay sa listahan. Agad akong napatakbo sa Emergency room baka doon ko sila makita at tama nga ang hinala ko. Nakita ko si mama na nakaupo sa labas ng emergency room.

"M-Ma."

Umangat ang mga tingin ni mama at puyat akong tiningnan. Tumayo siya nang mapagtantong nandito ako.

"Ysha?"

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Marahan kong hinaplos ang likod niya para mapawi kahit konti ang pag-aalala niya.

"Kumusta si papa?"

Tanong ko kahit sobrang hirap para saking sabihin iyon.

"I-Inatake siya sa puso kanina habang may meeting sila kaya dinala agad siya ng mga kaopisina rito. Kanina  pa kami naghihintay pero hindi parin lumalabas ang doktor."

Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Magiging maayos din ang lahat ma. Malalampasan ni papa to."

Ilang sandali kaming ganun nang tinulak niya ako ng bahagya.

"Nasan ang mga gamit?"

Tinignan niya ang mga kamay ko. Mapakla akong ngumiti. Pinalo niya ako sa pwet ng dalawang beses.

"Di ba sinabi ng kuya mo na magdala ka ng gamit ng papa mo!"

"Mama naman."

Tumingin ako sa paligid baka may mga tao. Mabuti nalang at wala.

"Nakakahiya, wag niyo akong paluin dito."

"Aba!"

Pinalo niya ako ng isang beses.

"Walang magagamit ang papa mo pagmacconfine. Bumalik ka ng bahay, dali."

"Mamaya na ma. Paglabas ng doktor."

Hindi na nagsalita pa si mama at bumalik sa pagkakaupo. Lumapit ako at umupo sa tabi niya.

"Magpahinga ka muna ma. Gigisingin kita kapag lumabas na ang doktor."

Umiling siya at sinabing maghihintay siya. Ilang sandali lang ay nandito na si kuya na may dalang kape.

"O nasan ang mga gamit?"

Tanong niya agad nang makaupo sa gilid ni mama.

"Nakalimutan ko sa sobrang pagmamadali."

Mahinang kong sabi. Agad namang napangisi si kuya.

"I knew it. Sabi ko kasi sayong wag magmadali."

Inabot ni kuya ang kape kay mama na kinuha naman agad nito.

"May balita na ba?"

Umiling si mama.

"Bakit ang tagal naman?!"

Tanong ulit ni kuya na hindi magkapaghintay ngunit ilang sandali lang ay bumukas ang pintuan na hinihintay namin. Lumabas ang doktor at agad kaming hinarap. Tumayo agad kaming tatlo at sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

"Mrs. Pineda?"

Agad tumango si mama sa doktor.

"Maayos na ang asawa mo."

Bahagyang nawala ang kaba ko sa unang sinabi ng doktor.

"Pero sa ngayon lang yan. Kapag hindi naagapan agad baka mas komplikado pa ang mangyayari. Umpisa palang to misis kaya dapat gawan agad ng aksyon. Mahina na ang tibok ng puso niya compare sa normal beating. I suggest na mag-undergo siya ng surgery as soon as possible. If you ask me when, I would say now, kaya pag-isipan niyong maigi."

BreakdownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon