Unedited
"I'm so sorry guys!"
Hingi ko ng tawad sa kanila. Dahil alam kong nahirapan talaga sila kagabi.
"Wag ka na ulit uminom. Ako na talaga aagaw ng bote para sayo."
Puyat ang mga mata ni Chan. Si Mina naman ay pinatawad na ako.
Ang huli kong natatandaan ay nang lumabas ako ng bar at kasama si Chan at Mina. The rest hindi ko na natandaan kahit na noong nakarating ako ng bahay.
"Napansin ko nitong mga nakaraang araw, laging dumadalaw ang CEO sa department natin."
Kwento ni Mina. Agad akong nag-iwas ng tingin. Anong bang balak niya?
"Yeah.. Napansin ko ring ang sama ng tingin niya sa akin! Binabati ko siya sa hallway pero hindi man lang kumikibo."
Sabi ni Chan na nakabusangot pa.
"Maybe that's how he treat his employee?"
Umiling naman agad silang dalawa sa sinabi ko.
"Kahit ganyan siya may puso rin yan. Binibigyan kami ng bunos, nagbibigay ng break kapag talagang pagod na ang mga employees sa OT pero isa sa hinahanggan ko kay Sir, tumutulong siya financially kapag may nagkasakit sa family members ng kanyang employees."
Nagulat ako sa huling sinabi niya. Dapat ba akong maniwala sa sinabi niya? Dahil kung maniniwala ako, natatakot ako na baka mabuhay ulit ang munting pag-asa sa puso ko.
"Pero talagang may mali sa kanya nitong nakaraang mga araw eh tumatango kapag binabati ng iba pero noong ako na, hindi ako pinapansin. May nagawa siguro akong mali noong meeting? Nakinig naman ako ah."
I heard all their stories. But I dont know whether to believe or not. Kahit sa sarili ko hindi ko na alam kung anong iniisip niya ngayon, ilang taon na rin noong huli kaming nag-kita. At sa apat na taong yun, alam kong may nagbago.
Patapos na ang trabaho ko ng nagka-aberya ang photocopy machine namin kaya naman kailangan kong pumunta sa ibabang floor. Wala na masyadong tao dahil tanging kami lang ang may overtime ngayon.
Tapos na ako at pabalik na ng office nang biglang bumungad sa harap ko ang secretary ng CEO. Babatiin ko sana siya ngunit napansin ko sa mukha niya ang pagkabalisa.
"Isabelle? Okay ka lang?"
Agad ko siyang pinuntahan. Umangat ang mukha niya at malungkot na ngumiti.
"O-Oo. Miss, can I have a favor?" Balik niyang tanong. Tumango ako at hinintay ang sasabihin niya.
"Pakibigay naman to kay Engr. Montefalco. N-Naaksidente ang asawa ko at kailangan kong pumunta ng ospital."
Nagulat ako sa sinabi niya. Agad kong kinuha ang mga dala niyang papeles.
"I will! You can go now. Mag-ingat ka."
"S-Salamat." May butil na ng luha sa gilid ng mga mata niya kaya agad ko siyang niyakap.
"Everything will be alright. Hurry now. Kailangan ka na ng asawa mo." Umalis siya pagkatapos kong sabihin iyon.
I've been through that pain, and sadness. Kaya masakit makita sa ibang tao na nahihirapan sila dahil alam ko ang pakiramdam.Napatingin ako sa mga hawak and I sigh. Kailangan ko pa pala siyang puntahan. Bumalik muna ako sa office at nagpaalam sa head. Ikinuwento ko na rin sa kanya ang nangyari kaya pinayagan naman niya ako.
Dahil close ang opisina ni Kyle. Ginamit ko ang intercom para malaman niyang papasok ako.
"Give me the papers now."
BINABASA MO ANG
Breakdown
RomanceRANKINGS: #1 - Montefalco #58 - Playboy "I love you. And no one can take you away from me." He wants her. She hated him. Story of Kyle Antony Montefalco and Irish Kim Pineda. This story is based on the events happened in my mind only. You may read...