i.iii

4.6K 170 1
                                    

Dedication: rlyblues thank you for adding my work to your account's reading list ☆彡

Habang mahimbing na natutulog ang dalagang si Kievan sa kaniyang kwarto ay nagteleport ang isang lalaki. Nasa harap na niya ang babaeng sinusundan niya ng mga ilang araw na. Ngayon lang kasi niyang ito nalapitan.

"Kievan? My name's Kanato and this is Teddy." pagpapakilala nito sa kaniya at sa kaniyang teddy bear sa tulog namang si Kievan.

Natigilan siya nang may maamoy siyang mabango. Naaamoy niya ang dugo sa pagkakakagat ng labi nitong dalagang tulog. Sinusubukan niya na labanan ang kaniyang sarili sa naaamoy niya ngunit nang makita niya ang labi ng dalaga, hindi na siya nakapagpigil.

Sumandal siya ng kaunti. Inilapit niya ang mukha niya sa leeg ng tulog na dalaga. "Konti lang, Teddy..." bulong nito na nakapagpagising sa natutulog na si Kievan.

Subalit, bago pa man malaman ni Kievan ang gumising sa kaniya, nakaramdam siya ng kung anong sakit sa kaniyang leeg at napapikit siya. Kinagat na pala kasi siya ni Kanato sa leeg nang mahahaba at matutulis niyang pangil. Unti unting sumipsip si Kanato ng dugo habang ramdam naman ni Kievan ang pagakyat ng dugo niya mula sa leeg niya.

"Stop... Sino ka ba?" mahinang wika ni Kievan. "Ah." lang naman na sabi niya nang makita niya ang lalaking nakasalubong niya kanina.

Paano siya nakapunta dito? Paano siya nahanap ng lalaking 'to? 'Yan ang mga tanong ng dalaga sa isip niya.

Nandidilim na ang paningin ni Kievan nang tumigil si Kanato sa pagsipsip ng dugo niya. "Gaya ng sinabi ko kanina. Ako si Kanato at ito si Teddy. Magiging manika kita sa ayaw at sa gusto mo." sabi ni Kanato. Narinig naman ito ni Keivan bago pa man siya mawalan ng malay.

...

(edited: 10/10/2017)

Psycho Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon