v.i

2.8K 107 0
                                    

Dedications: princess_kyliex at RynPelayo_012! hihihi. thanks den po sa pagadd ng libro kong to sa inyong reading list. mwah! ❤


"Kievan, sabihin mo lang sa'kin kung gusto mong makipaglaro ng hide n' seek." natatawang sinabi pa ni Kievan. Di pa niya nakikita na may kasama ang binabantayan niyang dalaga.

She didn't answer him. Pinili na lamang ng dalaga na manahimik. Natataranta na kasi siya dahil nakita na naman siya ng baliw na bampira

"Tsk." napaltan ng galit at inis ang naramdaman ni Kanato. Why is that? Dahil kasama lang naman kasi ng dalaga si Subaru. Dahil mayroong kasama si Kievan na ibang lalaki.

Alangan, di makakapayag si Kanato na may umagaw sa manika niya. Ayaw niyang maagaw ang dalaga kahit na kapatid pa niya. No one can touch what is his.

Napahigpit ng yakap sa teddy bear niya ang baliw na bampira sa galit. Agad namang nagteleport si Kanato sa tabi ni Kievan. Sa gulat, nanlaki ang mga mata ng dalaga sa biglang pagsulpot ni Kanato na kanina ay may ilang hakbang pang layo sa kaniya.

Hinawakan ng mahigpit ni Kanato ang braso ni Kievan at hinila ito paalis kay Subaru. "K-kanato! Nasasaktan ako!" mangiyak ngiyak na sigaw ni Kievan na sapilitang hinihila ni Kanato.

Nang makarating sila sa hagdan, sinigawan ni Kanato si Kievan ng, "Anong ginagawa niyo?!" tumulo naman ang luha ni Kievan sa takot niya sa nagwawala sa galit na si Kanato.

"W-wala! Wala naman kaming gi--"

"No. You're mine. Mine alone." iba ang tono ng boses niya nang magsalita siya habang hawak ng sobrang higpit ang kaliwang braso ng dalaga. Nanlilisik ang mga mata niyang kulay lila na nakatitig sa mga matang kulay tsokolate ni Kievan.

Hindi na siyempre maiwasang manginig ang mga tuhod ng dalaga dahil sa takot. Sinubukan pa niyang makawala sa kaniya ang kaso ay nanigas na siya sa takot.

"Naiintindihan mo ba?" tanong niya pero hindi makasagot dahil nga si Kievan sa takot.

Kaya naman ay tumango tango na lamang ang dalaga. Baka kapag nagsalita pa kasi siya, nanginginig na boses lang ang lumabas sa bibig niya.

Buti na lang kamo ay nagiba rin agad ang itsura ni Kanato. Ngumiti rin siya sa kasama niyang dalaga. "I'm thirsty. Can I just have a sip?" Kanato drawled, leaning more closer to her, claiming the space between them.

Ano nga bang magagawa ng dalaga? Wala naman kung hindi ay pumayag na lang. Baka magwala na naman ang baliw na bampira.

"Okay." she answered as the darkness starts to devour her.

Psycho Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon