vi.i

2.6K 84 5
                                    




Iniunat niya ang kaniyang katawan nang siya ay magising sa kaniyang kama. Nakaramdam siya ng isang malambot na bagay. Sa pagkapa niya nito upang masuri kung ano, isa pala itong stuff toy. Isang pamilyar na stuff toy na lagi niyang nakikitang hawak ng baliw na bampirang iyon, si Teddy.

Sa pagpikit noyang muli, inalala niya ang nangyari bago siya makatulog. Nakatabi niya pala ang bampirang kinamumuhian niya sa lahat. Kumusot ang noo nito sa pandidiri. Namahinga ng kaunti saka naupo mula sa pagkakahiga niya sa malambot na kama. Hinanap niya ang baliw na bampira na wala na sa tabi niya.

Huminga siya ng malalim, bumuntong hininga saka kinuha si Teddy at niyakap ang malambot na stuff toy. Napansin niya na ang stuff toy ay napapalibutan ng pabango ng bampira. Napatulala at nagisip ang dalaga, hindi napansin ang mga oras na lumipas. Sa pagupo niya sa kama, nakarinig siya ng may bumukas na pintuan. Tumambad ang isang itim na nilalang sa kaniyang paningin. Pumikit pikit ang dalaga saka nalaman kung sino ang pumasok sa kaniyang kwarto.

"Breakfast's ready, Kievan!" sumalubong agad ng ngiti si Kanato. Napatitig nga lang ito sa nakita niyang ginagawa ng dalaga. "Hey! What are you doing to my Teddy?" paghablot ng baliw na bampira sa hawak ni Kievan na stuff toy.

"Wala." tumayo si Kievan saka ay inayos niya ang kama niya. "Let's go." mahinang sinabi nito pagkatapos niyang ayusin ang kama. Hindi man lang siya nagabalang paltan ang suot niyang pajamas.

Lumabas sila sa kwarto. Sumusunod naman sa kaniya si Kanato habang naglalakad patungo sa kung saan man nakahain ang kanilang umagahan. Isang lugar kung saan ang nagtataasang kisame ay may nakasabit na naggagandahang mga aranya. Tila halos matatanda na ang mga gamit sa kusina subalit ayos na ayos pa din ito at nagagamit ng maayos.

Pasimple namang lumingon si Kievan sa sumusunod sa kaniya. "Hindi pwedeng magstay ako ng ganito. Kailangan ko na talagang makaalis dito..." mahinang bulong nito sa kaniyang sarili.

"Ha? May sinasabi ka?" tanong sa kaniya ni Kanato na mukhang narinig siyang bumubulong.

Napailing iling ang dalaga at sinagot niya ito ng, "Wala." Kung mayroon nga lang siyang komunekasyon sa mga magulang niya, sa pulis o kay Raul man lang.

Huh?

"Tama." mahina na namang bulong ni Kievan. Napafist pump pa siya nang naalala niya. Stupid! Stupid! Stupid! "Ba't ba ngayon ko lang nalaman?" Ang bobo mo talaga, Kievan!

I need a cellphone!

Nakita mo iyung picture sa taas? Di akin iyun pero ang galing ng pagkakacosplay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakita mo iyung picture sa taas? Di akin iyun pero ang galing ng pagkakacosplay. Astig.

Psycho Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon