iii.i

3.8K 118 5
                                    

Dedications: YokaiKwaii24, nicadeguzman77, KhristelleOlaybar, mhanah, pamela0916 maraming maraming salamat po sa mga nabanggit na accounts ditey. ❤ salamat po sa pagadd ng libro ko sa inyong reading list. mwah! 💋



Nang buksan ni Kievan ang nakuha niyang libro, dito niya napagtantong isa pala itong diary.

"Wrong one." sinarado ni Kievan ang diary at ibabalik na sana sa bookshelf nang may mahulog na litrato.

Hindi kasi gusto ni Kievan na magbasa ng diary ng iba dahil ang diary ay hindi dapat binabasa ng kung sino sino lang. Isa pa, ayaw din niyang may makababasa ang diary niya. Sino ba naman ang may gust di ba? Tanging ang may-ari lang nito dapat.

Dinapot naman ng dalaga ang nahulog na litrato. Nakita niya na may isang pareng may hawak ng isang batang sanggol-

"What are you doing?" tanong ng hindi niya makilalang boses. Boses kasi ito ng babae.

Dali dali niyang itinago ang litrato sa kaniyang likuran at sinagot ang babae, "Wala." pagsisinungaling niya.

"Paano ka nakapasok at sino ka?" tanong ulit ng babaeng kausap ni Kievan.

Hindi naman niya masagot na kinidnap siya ng isa sa mga nakatira sa mansyon. Baka nanay nila ang kausap niya o kung ano. Subalit kung ina nga ni Kanato ito, bakit mukha siyang bata? Bampira rin siguro 'to.

"Ah..." umiwas ng tingin si Kievan sa babae.

Ilang segundo ring nakatitig ang babae kay Kievan. Hindi nga kumportable ang dalaga kapag may nakatitig sa kaniya. Sinuri lang naman siya ng babae.

Maganda si Kievan, nakapajamas lang siya na bakat ba ang kulay ng bra niya. Napansin naman ng babae na may bandage ito sa balikat ang dalaga. Kay Kievan pala itong naaamoy niya dugo kanina pa.

"I'm so sorry for being rude. You're a guest, right? Siguro dala ka ng isa sa mga nakatira rito." nakangiting sinabi ng babae at naglakad siya palapit kay Kievan. "My name is Komori Yui." iniabot nito ang kanang kamay niya para makipaghandshake.

Ibinalik ni Kievan ang tingin niya sa nagpakilalang Komori Yui. Nagdalawang isip pa siya pero sa huli ay nakipaghandshake rin naman siya. Di naman alam ng dalaga na nahulog na 'yung picture na agad namang dinampot ni Yui.

"San mo 'to nakuha?" tanong ni Yui.

"Sa isang diary." sagot naman ni Keivan.

Ibinalik ni Yui kung saan ito nakasingit. "May nabasa ka ba?" tanong na naman ni Yui.

"Wala." pagsabi ng totoo ni Kievan, "So.. Ako nga pala si Kievan Cheshire... "

...

Sa dulo, naging vampira po si Yui Komori. (Feeling ko kasi sinabi ni Subaru sa last ep. ng 1st season?)

(edited: 10.23.17)

Psycho Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon