vii.ii

2.1K 70 2
                                    

Takot na agad ang naramdaman ni Kievan nang tangkaing siyang sakalin ni Kanato. Hindi naman niya intensyon na galitin ang kaniyang kasama ngunit iyun nga kase iyung gusto niyang sabihin dati pa. Gusto niyang sabihin na hirap na hirap na talaga siya sa sitwasyon niya at gusto na niyang bumalik sa dati niyang buhay.

Sa piling siguro ng mga mahal niya sa buhay...

Tinulak niya ang nilalang na nasa kaniyang harapan. Iyung nilalang na aakmaing sasakalin siya. Sandali lang subalit para bang pinasilip ni Kanato ang kung ano mang nararamdaman niya. Mabilis mang nawala, nakita ni Kievan ang pagkunot ng noo nito kahit sandali lang kasabay ang mata niyang puno ng pagsisisi at kalungkutan.

Nanaig ang pagiisip niya na makatakas. Mukha naman hinahayaan na siya ng dalawa na makatakas sa kanilang mansyon. Ito na kase yun, ang chance niya na makatakas.

Kaya...

She run.

Takbo lang hanggang sa makarating siya sa labas ng mansyon.

Nasa labas na ito saka siya napatigil at napatingin sa mansyon. Ilang hakbang na lamang ay makakalabas na siya ng gate. Ilang hakbang nalang mawawalay na siya't makakatakas na muli sa wakas. Ilang hakbang nalang mawawala na ang lahat.

"Bakit ka ganyan? Di ba halimaw kayo? Wala dapat kayong nararamdaman!" malakas niyang untag. Nakahawak sa dibdib niya't hingal na hingal.

Napaupo siya sa sahig dahil sa pagod at para magpahinga. Itinaas niya ang kaniyang ulo, nakatingala at nakita ang gate na unti unting bumubukas ng sarili niya.

"Wala na kong pakielam."

♤♡◇♧


Bukas po ulit! Namiss ko ung Watty a. Sorry naging inactive. Active na muli 'tong book at iyung iba pa.

Psycho Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon