iii.ii

3.6K 120 0
                                    

Dedications: cinxin, at MsixTINE, thanks po ng marami sa pagvote! 😍 napaka angas niyo plamis.

Walang magawa kung hindi ay tanggapin na lamang ni Kievan ang alok ni Yui na manghiram sa ilan sa mga damit niya. Kahit ba sinabi na nitong aalis na siya at uuwi na sa kanila, hindi nagpatinag si Yui.

Tama rin naman kasi si Yui. Pagtitinginan siya dahil sa kulay ng bra niyang bakat sa manipis niyang suot na pajamas. Baka ang ilan pa ay may tangkang gawin pa sa dalaga.

"Here." inabot ni Yui ang pares ng underwear na hindi pa naman nagagamit ni Yui, short na maong, at blue and black striped t-shirt.

"Salamat." ang tanging sinabi ni Kievan at nagdamit, "Pano ko naman 'to maibabalik sayo kung aalis na ko?"

"Sayo na lang 'yan." nakangiting sagot ni Yui.

Nanlaki ang mga mata ni Kievan sa bait na pinakita ni Yui pero agad din naman itong bumalik sa dati. Tignan mo nga naman. Nakalibre pa siya ng pares na underwear. Mabuti na lang kamo na may size para kay Kievan.

"Thanks, Yui." pagpapasalamat nito sa kasama niya. "O siya, alis na ko." nagpaalam naman siya rito.

"Samahan na kita hanggang makalabas ka ng mansyon." ang sabi ni Yui kay Kievan. Tumango lang naman si Kievan.

Kasama niyang naglakad si Yui palabas ng mansyon. Mabuti na lang kamo at walang bampirang nagngangalang Kanato siyang nakasalubong sa paglabas niya sa mansyon. Ngunit, pano naman kaya sa daan niya pauwi?

"Salamat ulit, Yui." nagbow siya ng kaunti sa dalagang tinuro sa kaniya ang daan palabas ng mansyon. Ngiti naman ang ibinigay ni Yui kay Kievan.

Sa paglakad ni Kievan palayo ng mansyon, napansin niyang sa gilid ng dinadaanan niya ay may mga nakatanim na rosas. Nagandahan siya kaya napatigil at pinagmasdan niya ang mga rosas na magandang naalagaan.

"Hi, Kievan." then, he appeared out of nowhere.

...

(edited: 10.23.2017)

Psycho Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon