v.iii

2.6K 91 8
                                    



Paulit ulit na nagecho ang sinabi ni Laito sa isip ni Kievan. Ano namang pinagiisip ni Laito at nasabi niya na isang bagong sacrifice bride itong si Kievan? Hindi ba nga't kinidnap siya ni Kanato at nagpaplano pa nga itong tumakas?

Naguguluhan na naman siya sa mga nangyayari. Mas lalong nagpagulo itong si Laito.

"Bitch-chan?" iginalaw galaw ni Laito ang kamay niya sa mukha ng dalaga. Doon ay bumalik si Kievan sa sarili niya't nawala sa malalim niyang pagiisip. "Anong nangyari sayo?" tanong pa nito.

"Wala. Pwedeng pakilinawan mo sa akin kung bakit mo naman nasabi na isa kong sacrifice bride?" magkasalubong ang kilay ng dalaga habang nagtatakang tinanont ang bampirang kasama niya.

Umiling iling si Laito, "Look. Malay mo naman sadyang tadhana na nagdala dito sayo - sa amin, Bitch-chan."nakangising sagot nito na di pa din makapagpalinaw sa naguguluhang isip ni Kievan.

"Di ko pa din maintindihan, Laito..." medyo naiiritang wika ng dalaga.

"Paano naging tadhana? Kita mo namang kinidnap nga ko di ba? Laito naman oh! Pinagugulo mo lang ang isip ko." papalakas ng papalakas ang boses ni Kievan sa bawat salita na lumalabas sa bibig niya.

Nagulat si Laito dahil sa sinigawan siya ng kasama niya pero ngumisi rin naman. "Wag kang high blood. Pero kung totoo ang sinasabi, piliin mo ko ha, Bitch-chan?"

Inirapan na lang ni Kievan si Laito. "Andito na tayo sa room mo! Good bye na!" pagpapaalam nito sa dalaga.

Bumuntong hininga si Kievan at sinabi sa kaniyang sarili na, "Sacrifice bride? You've got to be kidding me."

~◆~

Nakatingin siya sa kaharap niyang salamin. Dahan dahan, hinawakan niya ang salaming nasa harapan niya. Kita niya dito ang nagrereflect na mukha niya.

Tumingin siya sa pintuan na nakalock sa kabilang side nito gawa ng sobrang pagbantay mg baliw na bampirang kumidnap sa kaniya na si Kanato nga.

Hindi lang malayo sa kwarto niya ang kwarto ni Kanato kaya bantay na bantay sarado talaga siya. Nakakainis lang na hindi siya makalabas ng kwarto niya tuwing gabi. Nakakainis lang na di siya makatakas sa kamay ng kumidnap sa kaniya.

"Kievan?" speaking of the devil, kumatok lang naman sa pintuan niya ang walang iba kung hindi si Kanato. "Buksan mo ang pinto."

"Ha? Di ba nakalock 'to sa labas?" iritado niyang sigaw kay Kanato na naghihintay pagbuksan siya ng pintuan sa labas ng kaniyang kwarto.

"Sorry. My bad." natatawang sabi ni Kanato habang binubuksan ang pintuan. Tumambad sa kaniya si Kievan na magkasalubong ang kilay at nakasuot ng kaniyang pantulog.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Kievan. "Gusto kong matulog. Lumabas ka kung wala kang kailangan."

Nginitian siya ng baliw na bampira. Hinigpitan niya ang hawak niya sa teddy bear niya. Sino ba namang di matutuwa sa manika niyang kyut na kyut sa galit niyang ekspresyon sa mukha.

"Sa totoo lang, gusto kong tumabi sayo sa pagtulog." nangliit ang kanang mata ni Kievan.

"Akala ko sa mga kabaong lang natutulog ang mga bampira? Saka, natutulog din pala ang mga katulad mo?" inis niyang tanong kay Kanato.

At dahil sa mga tanong niyang ito ay napanguso ang baliw na bampira, "Hmp. Tatabi lang naman kami ni Teddy."

Aksidente namang napatingin si Kievan sa mga mata ni Kanato. Ang lalim nito at parang napakamysterious na kulay lila. Tumaas tuloy ang balahibo ng dalaga sa batok niya. Natatakot man, nangingibabaw pa rin ang inis at galit niya sa bampira.

Psycho Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon