Kabanata 1

27 2 0
                                        


Kabanata 1 - Tulad Mo






"Ugh! Bwisit!" napasigaw na lang ako sa sobrang inis. Kanina pa kasi ako papalit-palit ng damit. Wala akong matinong desisyon kung anong magandang isuot. Kulang na lang isuot ko na rin yung barong na ginamit ng lolo ko nung kinasal siya.

Kung tinatanong niyo,hindi lang kasi basta-basta ang araw na 'to. Ngayon ang araw na aaminin ako ng nararamdaman ko para kay Eliza. Korni na ko, sige na. Pero anong magagawa ko? Tinamaan ako sakanya eh.

At mahalaga ang araw na 'to dahil ngayong araw lang ako makakaipon ng lakas ng loob matapos ang tatlong taong pagkatorpe ko sakanya. Matagal ko talaga 'tong pinag-isipan . Sa tatlong taong hinintay ko,hindi ko dapat sayangin ang araw na 'to. Kaya nga hindi ako magkumandayaw sa pagpili ng  isusuot.

Kasi ang gusto ko kapag nakita niya ko,nasakin lang ang atensyon at tingin niya dahil ako ang pinakaguwapong lalaking makikita niya.

Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama na punong-puno ng mga damit na nire-reject at hinahagis ko dito.

Buntong-hininga.

Nakakapanic pala ang ganito!  Shet!

"Anak." may biglang tumawag sakin sa labas ng pintuan na malamang ang Mama ko.

"Bakit Ma?" sabi ko ng may pagkamalakas para marinig niya.

"Andito si Terrence. Aalis daw kayo,hindi mo sinasabi sa'kin."

Patay. Bakit nga ba nakalimutan kong sabihin kay Mama?

Tumayo ako at magmadaling buksan ang pintuan. Naabutan ko naman si Mama na nakasalubong ang dalawang kilay habang binibigyan ako ng tingin na kailangan-mong-magpaliwanag-ngayon-din.

Binigyan ko naman siya ng matamis na ngiti.

"Teka,bakit hindi ka pa nakabihis?" tanong sakin ni Mama. Ang totoo niyan,naka-topless ako. Naka-boxer shorts pa lang ako eh. Pero si Mama naman yun kaya okay lang.

"Paul! Loko ka! Bakit ang tagal mo?" biglang sumulpot si Terrence sa tabi ni Mama. Si Terrence,kababata ko.

"Ang ganda ng bungad mo sakin ha. Pero.. ano kasi.. wala pa kong mapiling isuot." sagot ko.

"Loko ka talaga. Hindi naman mapili si Eliza eh. Tsaka panigurado nandun na siya."

Napansin ko namang biglang nanlaki ang mga mata ni Mama.

"Teka,may date ba kayo ni Eliza anak?" mabilis na sabi ni Mama. Kita mo din ang glow sa mga mata niya. Palibhasa,naging saksi siya sa pagkatorpe ko kay Eliza.

"Ma,hindi po - "

"Naku! Tara na! Bibihisan kita dali!"

Hindi man lang ako pinatuloy ni Mama sa pagsasalita dahil hinila niya ko agad papasok sa kwarto ko. Sumunod naman sa'min si Terrence. Mas excited pa ang Mama ko kaysa sakin. Akala pa niya may date kaming dalawa.

Nagsimula nang maghalungkat ng damit ko si Mama sa kama ko at sa closet ko. Talaga bang bibihisan pa ko ng sarili kong nanay? Para naman akong bata!

"Ano bang dapat isusuot mo?" tanong ni Mama habang nangingialam pa rin.

"Ito po." sabi ko sabay kuha nung white polo shirt sa ibabaw ng couch ko. Napakunot naman ang noo nina Mama at Terrence nang makita yun. Parang nandidiring ewan.

"Seryoso ka bro?" tanong ni Rence.

"Oo,bakit masama ba?"

"Oo anak,masamang masama. Para kang makikipaglamay kung yan ang isusuot mo. O baka magmukha ka lang body guard o chimay ni Eliza. " sabi ni Mama.

Isang Harana ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon