Kabanata 3

12 1 0
                                    


Kabanata 3 - Fight




Kinabukasan...

Pagkagising ko,binuksan ko uli ang cellphone ko.

22 new messages
10 missed calls

At lahat ng 'yun,galing kay Eliza. Binasa ko ang mga text niya.

"Paul, mag-usap tayo please."

"Paul, hindi ko sinasadya."

"Paul, wag naman ganto."

Yan ang karamihan sa mga text niya sakin. Pero hindi ko na lang pinansin,hindi pa nga kasi ako handang kausapin siya. Masakit pa rin kasi.


Bumangon ako sa kama ko at naghanda para sa school. Nang makapagbihis na ko,bumaba na ko papuntang dining area. Sinalubungan naman ako ng good morning nina Mama at Papa.



"Anak,okay ka lang ba? Lutang ka masyado. " tanong ni Mama.


"Ayos lang po." sagot ko.


"Una na ko Hon, Paul. " sabi ni Papa tsaka umalis. Naiwan kami ni Mama.


"Gusto mo na ng kausap? " biglang nagsalita si Mama matapos ang ilang minutong katahimikan.


"Ayos lang po ako Ma." Kahit ang totoo, hindi naman. Alam kong maling magsinungaling pero ayaw ko namang mag-alala pa sakin si Mama.


"Wag mo sanang mamasamain anak,pero sa tingin ko may dahilan si Eliza kung bakit niya ginawa yun. "


Napahinto ako bigla sa pagkain. Naungkat na naman kasi si Eliza sa usapan. At twing naririnig ko ang pangalan niya,para bang bumabalik ang sakit.

"Pero Ma, hindi pa rin mawawala yung katotohanang nasaktan niya ko. Nagsisimula pa nga lang ako,pero nabasted na ko agad. Ni-reject niya na ko agad. At alam mo na Ma kung anong nalaman ko tungkol sakanya? May iba siya. Masakit kasi Ma eh. Hindi man lang niya ko inintindi. Hindi niya ko inisip. Nagkagusto lang naman kasi ako sa bestfriend ko.

At nung pinagtabuyan niya ko at sinabing tigilan ko siya, parang binalewala niya na rin ang pagkakaibigan namin. Hindi mo ko masisisi Ma kung bakit ang sama ng loob ko ngayon. At kung ano pa man ang dahilan ni Eliza, sana nung una pa lang naisip niya na kung anong puwede kong maramdaman."



Tumayo ako at naglakad palabas. Ewan! Pucha naiiyak na naman ako! Nakakabading na to shet!


Pumunta ako sa garahe at pinaandar ang kotse ko tsaka ako lumabas ng gate ng bahay. Nagmaneho ako papuntang school. Hanggang sa habang nagdi-drive, may bigla akong naisip.



Pucha! Nakakahiya ako! Pati sarili kong nanay nasigawan ko. Kaasar talaga! Nakakabwisit din talaga ang bibig ko minsan!




Nag-park na ko sa parking lot nang makarating ako sa school.



Pagkababa ko..


"Paul, nalaman naming nabasted ka ni Eliza. Pero don't worry, nandito naman kami."


"Yeah were here for you. Kaya wag ka na sanang malungkot. "



Ito namang mga babaeng 'to ang bumungad sakin pagkatapak ko pa lang sa lupa.



At talagang ipinaalala pa nila na nabasted ako. Nakakasakit ha.



"Hindi maganda ang umaga ko kaya please lang wag niyo muna akong istorbohin ngayon." sabi ko.



Isang Harana ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon