Kabanata 2 - NasaktanLumabas kaming dalawa ni Eliza sa mall. Hawak-hawak niya pa rin yung mga bulaklak. Pero wala akong mabasang emosyon sa mga mata niya. Nakakapagtaka.
Tumigil na kami sa isang parte ng labas ng mall kung saan wala masyadong tao. Hinarap niya ko. At gaya kanina,wala pa ring emosyong mabasa sa mukha niya.
"Ano na namang kalokohan 'to Paul?"
Mas lalo lang akong nagtaka. Sa tingin niya ba,biro lang din 'to? Hindi niya ba 'to sineryoso? Shet! Bakit ganyan siya?
"Hindi 'to isa sa mga kalokohan ko Eliza. Mahal kita yun ang totoo. "
"Itigil mo na 'to."
Sa puntong to,literal na kong natigilan. At nasaktan. Ano bang pinagsasabi niya?
"Bakit naman ako titigil? Sa tingin mo,ganun lang kadali itigil ang naramdaman ko sa yo sa loob ng - "
"Itigil mo na 'to dahil masasaktan lang kita!" sigaw niya. Kasabay nito ang pagtulo ng mga luha niya.
"Eliza, ngayon pa lang sinasaktan mo na ko alam mo yun? Kasi gusto mong limutin ko ang nararamdaman ko sa'yo. Gusto mo bang pigilan ko ang sarili ko na mahalin ka? Ganun ba?!"
Hindi ko na kayang kontrolin ang sarili ko. Unti-unti nang lumabas ang inis ko. Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako dahil hindi ko na kayang kontrolin ang emosyon ko.
"Oo! Oo gusto kong tumigil ka na! Wag mo kong mahalin! Wag ako Paul! Iba na lang! Wag ako!"
"Ikaw ang mahal ko Eliza. Hindi mo ba ko narinig kanina? Mahal kita. Pero bakit pinipigilan mo kong mahalin ka? Ano bang ginawa kong masama?"
"Wala kang ginagawa Paul. Ayaw ko lang kasing masaktan ka. Gusto kong maging masaya ka at alam kong hindi ako ang babaeng para sa'yo. Hindi ako ang babaeng makakapagpaligaya sa'yo. "
"Paulit-ulit na lang tayo Eliza. Baka siguro ayaw mong mahalin kita dahil may iba ka na! Ganyan ka naman diba? Pinapaasa mo lang ako!"
"Hindi sa ganun Paul - "
"Sa ganun yun! May iba ka na, yun ang totoo diba?"
Parehas kaming natahimik. Unti-unti nang bumuhos ang mga luha kong kanina pa gustong kumawala.
"Ayoko na. Kung yan ang gusto mo sige, bahala ka na." sabi ko tsaka ko siya tinalikuran.
Sinisigaw niya pa rin ang pangalan ko pero hindi ko siya nilingon. Ayaw ko na siyang lingunin kasi baka kapag ginawa ko yun,bawiin ko ang mga sinabi ko kanina. Baka bumalik uli ako sakanya.
Naglakad ako papuntang parking lot at tinawagan si Terrence, nang makarating siya hiniram ko agad ang susi niya sa kotse at hindi na sinagot pa ang mga tanong niya. Pinaandar ko na yung kotse at pinaharurot yun. Wala sakin kung mabangga man ako. Mas gugustuhin ko pa nga yun para mawala na yung bigat ng loob na nararamdaman ko. Mas lalo pang bumuhos ang luha ko.
Masakit. Masakit na masakit. Hindi ko maintindihan si Eliza. Bakit kailangan niya kong ipagtabuyan? Wala ba akong halaga para sakanya? At hindi man lang niya inisip ang nararamdaman ko.
Naramdaman ko na lang na nagvi-vibrate ang cellphone ko sa bulsa ko. Kinuha ko yun at pagkakita ko sa screen,pangalan agad ni Eliza ang nakita ko. Hindi ko siya sinagot at pinatay na lang ang cellphone ko. Hindi pa ko handang makipagusap sakanya. Masyadong akong naapektuhan sa mga sinabi niya kanina. Masyado niya kong nasaktan.
Tinigil ko yung kotse sa may burol. Kung saan ako madalas pumunta kapag may sama ako ng loob. Bumaba ako ng kotse at pumunta sa tuktok ng burol. Kita ko dito ang dagat. Inipon ko ang lahat ng lakas ko pati ang sakit na nararamdaman ko.
Tsaka ako sumigaw.
"MAHAL NA MAHAL KITA ELIZA! PERO SA TINAGAL-TAGAL NG PANAHON NA TINAGO KO ANG NARARAMDAMAN KO PARA SA'YO ,SASABIHIN MO SAKIN NGAYON NA TIGILAN KITA? ANONG KAGAGUHAN 'YON? HINDI MO MAN LANG BA NAISIP NA NASASAKTAN AKO SA GINAGAWA MO? IPINAGTATABUYAN MO KO PALAYO! MAHAL KITA PERO BAKIT GANYAN KA?.. (huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko)
..WALA MAN LANG BA TALAGA AKONG PAGASA? GUSTO MO NA BA TALAGANG KALIMUTAN KITA? (muling bumuhos ang luha ko)
..SIGE,DAHIL MAHAL KITA MAGPAPARAYA AKO. KUNG ANONG GUSTO MO,GAGAWIN KO."
Napaupo na lang ako at pinatong ang ulo ko sa mga balikat ko. Nag-isip.
Ang akala ko,kapag nagawa ko nang makapagtapat sakanya, okay na. Gagaan na din sa wakas ang nararamdaman ko. Pero mukhang mas lalo pang bumigat ang naramdaman ko.
Para akong sinampal ng katotohanang hanggang magkaibigan lang kami. Na hindi kami para sa isa't-isa. Para akong pinukpok ng martilyo sa puso. Wasak na wasak ako ngayon. Wasak na wasak.
***
Nagising na lang ako sa sarili kong kama. Tiningnan ko ang oras sa alarm clock ko. 10 PM na.
Pero ang pinagtataka ko,paano ako nakabalik dito sa bahay?
Tumayo ako mula sa kama ko.Ganun pa rin yung suot ko,red polo shirt at pants. Nagpalit ako ng damit. Shorts at sando tapos lumabas ako ng kwarto ko. Pumunta naman ako sa labas ng bahay. Sa terrace namin.
Umupo ako sa upuan dun at nag-isip.Buong hapon ko na 'to ginagawa pero hanggang ngayon,hindi pa rin malinaw sakin kung bakit ako pinagtatabuyan ni Eliza.
At hanggang ngayon,sariwang-sariwa pa rin ang sakit na nararamdaman ko.
Hanggang sa may biglang nag-doorbell. Tumayo ako at pumunta sa gate tsaka ko yun binuksan. Pero laking gulat ko nang makita ko kung sino yung nasa labas.
"Paul - "
"Gabi na, hindi ka na dapat lumalabas sa ganitong oras."
Aminin man o hindi, nagaalala pa rin ako sakanya. Isipin niyong gabi na tapos pumunta pa siya dito sa subdivision namin. Pero dala niya naman yung kotse niya.
Ganun pa man,ngayong nakita ko na naman siya. Parang bumalik lahat ng sakit. Yung katotohonang ni-reject niya ko sobrang sakit na.
"Paul kasi - "
"Umuwi ka na. Gabi na." sabi ko at sinarado yung gate. Labag man sa kalooban ko,sa tingin ko makakabuti din sakin to. Ang mabigyan ako ng space.
Hindi pa rin ako umaalis sa gate. Hinihintay ko na makaalis siya. Hanggang sa may bigla na lang siyang binulong.
"Patawad."
Tapos ngayon humigingi siya ng tawad? Bakit ba ang gulo niya?
Hindi ko siya maintindihan.
Tumalikod na lang ako at naglakad pabalik dahil ayaw ko nang makarinig pa ng kung ano na mas makakapagpalito lang sakin.
Pero,nag-aaway ang isip at puso ko.
Parang gusto ng puso kong balikan ko siya
Pero sa isip ko..
Sinasabi na wag ko siyang balikan.
Kaya iyon ang sinunod ko.
Wag kang babalik Paul. Wag mo siyang balikan.
Itutuloy...
***
A/n: Next update: Not sure but I'll update as early as,I can. :))
-Joy
![](https://img.wattpad.com/cover/71622642-288-k369830.jpg)
BINABASA MO ANG
Isang Harana ON HOLD
ChickLitIsa na yata sa pinakamasakit na pangyayaring naganap sa buhay ni Paul,ay nang sumakabilang buhay ang kanyang nobyang si Eliza. Labis-labis ang naramdamang kalungkutan niya noon. At iisang tao lang ang naging sandalan niya sa mga panahong iyon. Si Da...