Kabanata 4

6 1 0
                                    

Kabanata 4 - Thank you

A/n: Third Person's POV ang chapter na to guys, meaning ako ang magnanarrate.. wohoo! At magaling na po ako so early update ngayon.



Slowly.. Carefully.. Gently.. Maingat na ginagamot ni Eliza ang mga natamong sugat ni Paul. Napakaingat na ayaw niyang magising si Paul mula sa mahimbing na pagkakatulog. Dahil pag nagising siya,magkakaroon na naman ng ilangan battle sa pagitan nilang dalawa.

Habang ginagamot niya ang mga sugat nito,hindi niya mapigilang umiyak.

Naiiyak siya kasi naawa siya kay Paul. Naiiyak siya, nalulungkot siya. At sinisisi niya ang sarili niya.

Kung hindi sana nagpatangatanga siya sa kalsada,edi sana hindi na nangyari ang bagay na to kay Paul.

Sinisi niya ang sarili niya dahil sa ikalawang pagkakataon,nasaktan niya na naman si Paul.

Nang gabing iyon, nang mangyari ang pagligtas sakanya ni Paul, pupunta dapat si Eliza sa bahay nina Paul para muling humingi ng tawad. Hindi niya na nadala ang kotse niya dahil ginamit iyon ng ate niya.

Habang naglalakad siya papuntang subdivision nila, bigla na lang may bumungad sakanya na isang grupo ng mga kalalakihan na nasa mga edad niya rin. At laking gulat niya nang makitang sina Mike yun.

Mula first year,palaging nagpapansin sakanya si Mike. Filengero ito na parang boyfriend siya ni Eliza. Ilang ulit mang bastedin ni Eliza ang binata, wala pa ring tigil ang pangungulit niya.

Kaya nang mangayaring bastusin niya si Eliza, namuo ang takot sa dalaga. Hindi niya akalain na magagawa niya iyon.

Hanggang sa dumating si Paul. Malaki ang pasasalamat niya sa mga oras na iyon. Kung hindi siya dumating malamang kung ano na ang nangyari sakanya. Pero hindi niya pa rin maiwasang sisihin ang sarili niya.

Wala man lang siyang nagawa nung harap-harapan nang binubugbog si Paul. Wala man lang siyang nagawa nung mga oras na iyon. At sising-sisi siya sa nangyari. Puro sakit na lang sa damdamin at katawan ang binibigay niya sakanya. Nakakahiya siya.

Kaya ngayon, kahit na nasa ospital sila,siya pa rin ang nagprisintang alagaan si Paul. Nagmakaawa pa siya sa nurse para ipaubaya sakanya ang trabaho niya.

Halos mapatalon si Eliza mula sa kinauupuan niya nang dumilat si Paul at diretso ang tingin niya sakanya. Muling kumabog ng malakas ang dibdib niya.

Habang si Paul sa kabilang banda ay takang-taka kung bakit naroroon si Eliza at kung bakit basa ang mukha niya. Pero ramdam niya rin ang sakit sa katawan niya.

"P-paul.. g-gising ka na pala." nauutal na sinabi ni Eliza saka pinunasan ang mga luha niya.

"Eliza.. bakit.. anong.. " hindi maituloy ni Paul ang sinasabi niya dahil gaya ng dati,naiilang siya. Marami siyang gustong itanong dahil nagtataka siya kung bakit kasama niya si Eliza, kung nasan sila at kung anong ginagawa nila doon.

"Um.. dinala ka namin dito sa hospital pagkatapos nung nangyari kagabi. Buti na nga lang talaga may mga dumating na mga tanod at agad hinuli sina Mike." pagpapaliwanag ni Eliza. Ninenerbyos siya sa totoo lang, pero pilit niyang magsalita ng maayos.

"Ah. " maikling sagot ni Paul. Hanggang maya-maya kumirot uli ang braso niya. May benda iyon dahil nagkaroon ng slight  fracture ang braso niya. Dahil iyon sa pagtapak sakanya nina Mike. Napaaray siya sa sakit.

"Ayos ka lang? Gusto mo bang tumawag ako ng nurse? " nagpapanic na tanong ni Eliza.

"Hindi. Ayos lang ako. Kumirot lang ng kaunti." sagot ni Paul.

"Okay. Um.. hindi ko pa tapos gamutin yung sugat mo dito. " sabay turo sa gilid ng sarili niyang labi.

Nakikita niya kasing dumudugo na naman uli iyon.

"Ako na lang. " prisinta ni Paul.

"Hindi. Ako na. Kanan ka kaya mahihirapan ka lang gamutin ang sugat mo. Mahihirapan ka lang din dahil paniguradong masakit ang katawan mo." sabi ni Eliza.

"S-sige. " nauutal na sagot ni Paul. At sa puntong yun, nagsimula na naman ang 'ilangan battle' sa kanilang dalawa. Pero hindi naman pwedeng pabayaan ni Eliza si Paul kaya nagsimula na siyang gamutin ang sugat niya.

Lumapit siya ng kaunti sa binata at dahan-dahang nilalagay ang betadine sa sugat niya gamit ang bulak.

Sandaling napatitig si Eliza sa labi ni Paul.

Hindi niya alam kung bakit pero parang hinihila siya nito palapit. Hindi mapaliwanag ang nararamdaman niya. Kakaiba mula sa saya. Parang temptasyon.

Hanggang sa isang matinding kabog sa dibdib ang naramdaman ng dalaga kaya nahirapan siyang huminga.

Napansin naman iyon ni Paul kaya agad niyang hinawakan sa braso ang dalaga.

"Okay ka lang?" Natatarantang tanong ni Paul.

Kinuha ni Eliza ang inhaler sa bulsa ng palda at agad suminghap ng hangin.

"Anong nangyari sa'yo?" nagpapanic pa rin si Paul.

"Wala 'to, parang nakaamoy lang uli ako ng lavender. " pagsisinungaling ni Eliza.

Umayos na uli ng higa si Paul pero nakatingin pa rin siya kay Eliza. Nagtataka siya at nagaalala.

"Okay ka lang talaga?" tanong niya uli kay Eliza.

Tumango na lang ang dalaga. "Itutuloy ko na yung paggamot sa sugat mo." sabi niya at sinimulan na uling gamutin ang sugat ni Paul ng hindi man lang hinihintay ang sagot nito.

Lumunok si Eliza ng laway. Pinilit niyang kalimutan ang weirdong nararamdaman niya at maingat na ginamot na lamang ang sugat ni Paul.

Nang matapos,ay ibinalik na uli ni Eliza ang mga ginamit niya sa kit box at itinapon ang mga ginamit na bulak sa trash can. At matapos nun,bumalik na sya sa tabi ni Paul.

Nagkakailangan pa rin sila. Parehas kasi silang may gustong sabihin sa isa't-isa.

Isang napakaikling salita, consisting of seven words.

Salamat.

Pero hindi nila masabi yun pareho dahil nahihiya sila. At nanatiling tahimik ang paligid nilang dalawa.

"Salamat/Salamat"

Nagulat sila pareho dahil sabay silang nagsalita. Okay.. AWKWARD

"Sige ikaw muna. " sabi ni Paul.

"Hindi ikaw na. Ano ba yun? " sabi naman ni Eliza.

Nag-ipon ng lakas ng loob si Paul. Alam niyang siya 'tong gagong panay iwas kay Eliza tapos ngayon para siyang ewan na nagpapasalamat dahil may ginawa para sakanya si Eliza.

"Salamat sa pag-aalaga mo sakin ngayon dito. Naabala ka pa tuloy. " sabi ni Paul habang hindi tinitingnan si Eliza.

"Hindi. Hindi mo ko inabala Paul. Dapat ko lang talaga gawin 'to dahil niligtas mo ko. Dapat lang na gawin ko 'to kasi nagsakripisyo ka at halos ibuwis ang buhay mo para lang maligtas ako. At kulang na kulang pa ang ginawa ko.

Nagagalit ako sa sarili ko kasi nasaktan na naman kita. Galit na galit ako sa sarili ko Paul. Ayaw ko nang makita pa kitang masaktan. Ayaw ko nang makita kang nahihirapan. At ayaw ko na ding ganito ang sitwasyon nating dalawa. (tuluyan ng bumuhos ang mga luha niya)

Kaya ko lang naman nasabi yung mga sinabi ko sayo noon. Nung umamin ka ng nararamdaman mo ay dahil natatakot akong masaktan kita. Pero hindi ko alam na dahil din pala sa pag-reject ko sayo masasaktan din kita. Ang tanga ko. Ang tanga tanga ko.

Kaya Paul.. para sa ikaliligaya mo.. sige pumapayag na ko." lakas-loob na sinabi ni Eliza. Alam niyang ito ang tama,kaya ito ang gagawin niya.

Ngunit bakas sa mukha ni Paul ang pagtataka. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ni Eliza.

"Pumapayag ka na sa alin?" nakatingin na siya kay Eliza ngayon.

"Paul.. " hinawakan niya ang kamay nito. "Pumapayag na kong ligawan mo ko."





Itutuloy...

Isang Harana ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon