Im baaack! hehe sino nakawitness ng Livestream kagabi with Den,Amy and Ly? Grabe feels. I missed Dennise's voice ugh. btw... feeling ko may part IV/ baka V pa nga to... but im not yet sure... sure siguro na part III hahahaha
Aly's
Today is the day. Ngayon na iaAnnounce kung sino ang makakasama sa official line up. Sa totoo nyan, halo halong emosyon nadadama ko ngayon. Kinakabahan ako na naeExcite at the same time. Pag nagkataon kasi na matanggap ako, eto ang pinaunang beses na makakapaglaro ako internationally...at marerepresent ko pa ang Pilipinas! Pangarap ko yun, pangarap yun ng halos lahat ng athletes, tbh.
"Ly,tara na? tigilan mo na kakaikot ikot mo dyan, panigurado namang matatanggap ka eh. " sigaw ni Kim sakin. Kita mo to. Mas tiwala pa kaysa sakin.
nasa taxi kami ngayon ni Kim at Mela. Nasa shotgun seat ako at yung dalawa ayun naglalandian sa likod. hayop na Kim to ginawa pa akong thirdwheel walanghiya. Nakatingin lang ako sa bintana nung biglang tumunog yung cellphone ko. Dali dali ko naman tinignan kung sino yung tumatawag, si Dennise.
"Den,napatawag ka?"
"San ka na,Ly?"
"Otw. ikaw?"
"likewise...uhm Ly may kasabay ka ba?"
"Meron.. si Kim and Mela. Why? gusto mo bang sabay tayo mamaya?"
"Oo sana...eh kaso may kasam-"
"Hephep. Kasama ko sila pero di naman ako papayag na magpakaThirdwheel no. Text me if nandun ka na, then wait for me sa entrance,I'll meet you there and sabay tayo ok?"
"Yes! see you,Ly! im so nervous"
"Dont be, Dennise. Sige na end ko na, di ako nakaUnli eh. Haha see you"
BINABASA MO ANG
ONE SHOTS ft.AD
FanfictionCompilation of one shot stories I've made out of songs I listen randomly...