A/N YOOOOOH. Updating since ngayun ang flight ng AD!!!! Wbut sadly, with Jho,Kiwi and the Manager. looool. So yeah, here we gooo.
third person POV
Weeks have gone by after the announcement of the final lineup for the upcoming RP Youth Asian girls volleyball tournament. Nagsimula na magteam buidling at magundergo sa mas intense sa training sessions ang 14 girls na napili at so far, maganda na ang gelling ng team. Halos lahat ay magkakaclose na din, lalong lalo na si Alyssa at Dennise. Buong summer ay lagi silang magkatelebabad, o di kaya naman ay magkatext. Minsan ding isinama ni Alyssa sa Batangas si Dennse at ipinakilala nya ang kaibigan sa pamilya niya. Tuwing training naman nila ay laging hindi sila mapaghiwalay, at dahil don, sila ang laging tampulan ng tuksuhan, na madalas pinamumunuan ni Kim at Mela, na siyempre ginagatungan pa ni Ara at Mika., Pasukan na ulit, at dahil parehas nang nasa 4th year highschool ay sobrang subsob ang anim sa pagaaral. Si Ara ay nasa Pampanga na paminsan minsan ay lumuluwas pa para lang makipagkita kay Mika, at sympre sa barkada nila. Si Kim at Mela, going strong, dahil sa wakas bago magtapos ang bakasyon ay sinagot nadn ni Mela si Kim. Si Alyssa at Dennise ayun..... bestfriends daw. Madalas padn naman silang nagtatawagan at magkatext, kung minsan nga ay muntik nang mapapagalitan si Alyssa sa klase dahil nahuli itong ngiti ng ngiti habang katext si Dennise.
"Alam mo bang nahuli ako habang katext kita, tapos ayun pinagalitan ako.Langya Den, math pa naman subject nun, kaya ayun nung nagpapasolve sa board ako tinawag.Mabuti na lang, kahit paano alam ko yung formula para masolve yung sequence, kundi patay talga ako. hahaha"
"Tuwang tuwa ka pa talaga eh no! paano kung di mo nasolve yun? edi baka naDetention ka pa! siraulo ka kasi sabi ko na sayo wag mo na ako itext pag may klase ka eh. Pasaway ka Valdez!"
"Eh paano kasi nagrereply ka padin kahit sa simpleng goodmorning text ko! kaya humahaba convo!"
"Ako pa ngayon nasisi huh! sige na, maliligo na ako nanlalagkit na ako sa pawis ko eh, bye!"
Pagkababa ni Alyssa ng cellphone nya ay may isang nagsalita sa likod nya na sya naman nitong ikinagulat.
"Hindi na nga dapat ginawa, pinagmamalaki pa. Hay nako,Ly. Iba na talga yan." si Kim. Nagbabasa ito ng Looking for alaska ni John Green, at saka iiling iling habang maya't mayang tinitingnan si Alyssa ng nakakaloko.
BINABASA MO ANG
ONE SHOTS ft.AD
FanfictionCompilation of one shot stories I've made out of songs I listen randomly...