Chapter 4: "Are you insane?!"

25.4K 501 44
                                    

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sparks' POV

"Hindi iih! Nakita ko talaga! Yung sa may eyelids nya, may balat syang crown dun!" pilit na sinasabi samin ni Scintille

Hanggang ngayon kasi hindi padin sya makagetover sa nakita kuno nyang balat sa eyelid ni Empress.

But come to think of it, kung si Empress man ang nawawalang anak nila Aunt Princess edi sana kilala padin nya kami, okaya naman kahit yung kambal lang tsaka si Blind.

"You know what Scintille, imagination mo lang yan!" Scarlet

"Oo nga baka tattoo lang nya yun!" Sapphire

"Alam nyung alam ko ang kinaibahan ng tattoo sa real birthmark! Hers is like a real one, katulad at kamukhang kamukha sya nung balat ni Empress, Empress as in yung anak nila Aunt Princess huh.."Scintille

Alam namin lahat na marunong sa mga observations si Scintille, lalo na sa mga marka, kaya hindi ko alam kung sino o anu ang papaniwalaan ko.

Kasi hanggat hindi namin nakikita ang sinasabi nya hindi naman namin paniniwalaan.

"Sabihin na natin kila Aunt Princess!" Scintille

"If I were you, wag muna. Come to think of it, you versus us! Ni hindi pa namin nakikita ang sinasabi mo. And besides, that topic is a serious topic Scintille, hindi dapat basta basta pinagsasabi yan ng walang maayos at tamang ebidensya." Alex

"I agree with her.." Sapphire

"Oh musta ang date?!" tanung ni Scarlet kay Varis.

Kakadating lang kasi nya. Lahat kami nasa tambayan ngayon, lahat ng babae I mean.

Kasi yung mga lalake may pupuntahana daw, ewan kung saan. 

Pero itong si Varis kakadating palang, malamang sa malamang hindi nanaman sumama si Frost kila Flame o di kaya naman he's late nanaman.

"Well I'd rather go to hell than to call that thing a date!" mukmok nya saka umupo sa tabi ni Sapphire.

"Aha, pasalamat ka nga nakasama mo yun, ee kami ni minsan hindi niyaya nun! Si Flame lang ang nagyaya samin." Sapphire

"Talaga lang?! Oh edi thank you!" Varis

"Highblood mo talaga no?! Meron kaba? Aha" 

"Tigilan mo ko Sparks! So anu pinaguusapan nyu?"Varis

Sa loob ng maikling panahon naging close namin si Varis, pero hindi padin talagang close.

May mga bagay na hindi pa namin alam tungkol sakanya.

May mga ugali na hindi pa nya nalalabas, halata naman ee.

She dont push her limits agad agad. Inuunti unti nya, yun ang nakikita ko o namin.

"Kasi naman Varis, ayaw nilang maniwala na si Empress siguro ang nawawalang anak nila Aunt Princess!" sumbong ni Scintille sakanya.

"SCINTILLE!!" bulyaw namin sakanya.

Talaga tong babaeng ito hindi marunong magpreno ng bibig.

"Nawawalang anak? Aunt Princess?" takang tanong ni Varis samin.

Nagkatinginan naman kaming lahat. Nagsesenyasan kung sasabihin ba namin kay Varis iyon.

Masyadong maselan kasi ang usapan na iyon. Ni hindi nga namin pinagsasabi iyon.

Kasi alam namin na kapag ni isang salita man ang sabihin namin about that thing, kami malalagot.

Specially kay Aunt Princess, ay hindi, kay Uncle Dark pala. 

The Black HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon