Chapter 12:

18K 556 180
                                    

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Varis' POV

Nung isang araw ko pa hindi gaanong nakakasama sila Alex, may importante daw silang nilalakad pero itong si Frost walang patawad. Kita at ramdam ko na nagkakagulo na ang mga barkada nila dahil may naghint na daw sakanila kung saan ang nawawalang anak ng Imperial pero hanggang ngayon ay wala pa silang lead kung nasan ito.

Hindi din daw kasi nila mahanap si Ess, yung taong nagsabi kay Alex ng about sa nawawalang empresit. Simula din ng araw na iyon ilang beses na may nagtangka sa buhay ng magbabarkada. Ang matindi ay yung kay Flames, sinunog ang buong condo unit nya. Kung sa iba panghihinayangan iyon pero ang g*go tinawanan lang ang nangyari.

Nagpapasalamat pa daw sya dahil mapapadali ang paglipat nya sawa na daw kasi sya sa condo na iyon at balak na daw nyang palitan. 

Mula sa malayo kita ko ang isang hunk na lalake na papalapit sakin. At ngayon alam ko ng baliw nako dahil first time kong idescribe ang isang lalake using 'hunk' word. Napairap nalang ako sa hangin ng makitang malapit na sya sakin at may dalang pagkain.

Tulad ng sabi ko kanina parang wala lang kay Frost ang mga nangyayari, dahil sa kabila ng mga kaguluhan at mga threat na nagyayari sa barkada nagpapatuloy padin sya sa panliligaw nya. 

Yes nanliligaw padin sya, kita ko naman ang efforts nya kahit laging nakasimangot pero may hinihintay akong tamang time.

"Gawa mo dito?" masungit na tanong ko sakanya, Ang sabi kasi nya kanina hindi nya ko masasamahan maglunch pero heto sya ngayon nasa tapat ko na.

"Lunch" sagot lang nya saka inilapag ang mga pagkain sa table. 

Napabuga ako ng hangin saka tinignan sya ng diretso. Tumingin lang din sya sakin na para bang nagtatanong kung anong problema ko.

"Sabi mo hindi ka makakasabay sakin ngayon, bakit nandito ka?" supladang tanong ko sakanya. Wag na kayong magtaka kung ganyan ako makipagusap sakanya. May dalaw kasi putek yan! Nagkibit balikat lang sya saka pinagpatuloy ang pagaayos ng pagkain.

"I'll be gone for a month." sabi ko sakanya saka kinain ang inihain nya sa harap ko, napakunot naman sya ng noo na tumingin sakin saka inilapag ang hawak nya.

"Why?" tanong nya sakin. Hindi padin matanggal ang pagkakakunot ng noo nya. Bilang ganti sakanya nagshrugged lang din ako. 

Uuwi kasi ako ngayon, well hindi naman talaga ako uuwi may pupuntahan lang akong importanteng tao sa buhay ko. Matagaltagal nadin kasi simula ng umuwi ako doon sakanya at simula ng huling tawag ko sakanya. Namimiss ko na din naman sya dahil isa sya sa mga tumulong sakin simula noong walang wala ako.

You see, hindi naman talaga ako palaboylaboy lang sa daan, may pamilya din ako, humiwalay lang kaya naman naging ganun. 

The Black HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon