Chapter 9: Pull the trigger.

19K 453 41
                                    

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sparks' POV

Kanina pa ko nagtataka kung bakit parang good mood si Varis ngayon. Dati rati kasi hindi naman sya ganyan. Neutral lang kasi for me ang mood ni Varis. Expressionless kasi palagi ang pinapakita nya, pero ngayon talagang mahahalata mong parang ang saya nya.

Napatingin naman ako kay Pierce na tumabi sakin. Namula ako bigla nung naalala ko yung ginawa nya kahapon sakin. Nagpaalam kasi sya kila mama kung pede daw ba nya kong ligawan ulit. Oo ulit kasi ex ko si Pierce, nagbreak kami kasi g*go sya, hindi makapaghintay, nahuli ko syang may kasama sa kama sa condo nya.

Nung nalaman nga yun ni Papa, pinagawa nya kay Pierce yung Route13, wala syang pake kung anak din si Pierce ng Royals, basta galit na galit sya. Dahil kambal kami ni Scintille ayaw ni papa na may nasasaktan samin. Mga prinsesa daw nya kami.

Ok lang naman kasi kay papa na mag boyfriend na kami, lalo na anak pa ng Royals si Pierce so ok lang daw nun, kaya lang nung umuwi akong luhaan, galit na galit sya, tinanung kung napanu ako. Nung kinwento ko naman, agad nyang pinuntahan si Pierce, sakto naman umuwi sa bahay nila si Pierce kaya yung nung sinuntok ni papa si Pierce kitang kita ni Tito Locker.

Nung una nagalit si Auntie Alesa, pero nung nalaman yung ginawa ni Locker sakin sya pa yung nagsuggest kay papa na ipagawa kay Pierce yung Route13. 

Ang daming nagalit sakin na fans ni Pierce nun, kasi halos ilang buwan syang hindi pumasok dahil sa parusa nya. Ilang gabi ko din syang iniyakan, mahal ko ee, pero g*go sya.

Pero aaminin ko kahit dalawang taon na ang lumipas nang mangyari yun, hanggang ngayon mahal ko padin sya. Kaya naman kahapon nagulat nalang ako nang makita ko sya sa tapat ng pinto namin, tuloy tuloy lang syang pumasok at nilagpasan ako, pero mas napanganga ako ng lapitan nya si papa at humihingi ng second chance. Sinuntok lang sya ulit ni papa nun at sinabeng nasakin ang desisyon kung bibigyan ko pa ba sya.

Pero hanggang ngayon hindi ko padin sinasagot kung pede pa ba. Natatakot padin kasi ako. Hindi pa ko handa.

"Ahmm Pierce----" kakausapin ko sana sya ng biglang pumasok si Empress na parang galit na galit. Ngayon ko lang sya nakitang haggard na haggard.

"B*tch!!" sigaw nya ng makapasok sa mismong tambayan. Nasa tambayan kasi kami sa school, wala kaming pasok lahat vacant namin. May meeting daw kasi lahat ng teachers, emergency meeting yata kaya naman nandito kami, pero di lahat, wala kasi si Scarlet, Dozer, Alexa, Dynamite tsaka si Blind.

"What happen Empress?" tanong ng kambal ko. Kung nagtataka kayo bakit nakakapasok si Empress sa tambayan ay dahil yan sa kambal ko. Ewan ba sakanya bakit sobrang close nyan si Empress. Ako nga kapag nakikita ko si Empress naiimbyerna nako, pero sya tuwang tuwa pa.

"What happen?! Well may nagpasabog lang naman ng kotse ko" iritang sagot nya saka umupo sa tabi ni Frost. Hindi naman gumalaw si Frost saka parang walang pakelam na pinagpapatuloy lang ang paglilinis ng baril nya. 

The Black HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon