The Agent

1.6K 7 6
                                    

Nagta-trabaho ako sa isang call center sa Baguio City. Kadalasan ay Graveyard shift ako which usually starts from 12mn til 10am.

I really enjoyed working on a shift like this kasi may insomia ako. But something happened that made me beg my supervisor to transfer me to morning shift.

Malapit lang ang tinutuluyan kong bahay sa site namin so nilalakad ko lang talaga sya. Kahit mahirap at para kang umaakyat ng bundok everytime na papasok sa work eh kailangan mong tiisin, wala din naman akong choice.

Mahamog ng mga oras na yun. Sa sobrang kapal, hindi mo maaninag manlang ang mukha ng makakasalubong mo. Dahil nga sa mahamog, madalas na naka-jacket ang mga agents ng may hood,iwas sakit nga naman.

Naglalakad ako papasok ng trabaho nun. Kung tama ang pagkakaalala ko, mga around 11pm yun. Maaga-aga kasi akong pumapasok para kumain at mag-yosi bago mag-start ng calls ko.

Sa kasamaang palad, pundido ang ilaw sa poste sa may labasan which is gilid na ng kalsada. Buti nalang at iniwang bukas ng may-ari ng bahay ang ilaw sa labas nila.

Habang naglalakad, may nakasalubong ako na agent. Alam kong agent sya dahil sa porma at lanyard na suot nito. Naka-jacket din ito ng may hood tulad ko.

"Good Morning!".bati ko sa kanya.(Good Morning ang greetings namin kahit na gabi na to show positive attitude to others and since basically it is the start of the day for me.)

Di ako nito pinansin. So deadma nalang at iniwasan ko nalang na magkabanggan kami so i just walk passed through him. Sa hindi ko malaman na kadahilanan, lumingon ako pabalik para tignan ang nakasalubong ko.Hindi ko ito nakita. Inisip ko nalang na mahamog kaya di ko na sya maaninag at isa pa madilim.

Sa isa pang pagkakataon,lumingon akong muli. This time,there he is. Tutok na tutok ang mukha sa mukha ko, naka-hood parin, nanlilisik ang mapupulang mata at umaagos ang dugo mula rito at akmang sasakalin ako.

Sa sobrang takot, napatili ako at nagtatakbo papunta sa site. Nakita ko ang team mate ko na nagyo-yosi sa labas ng gate. Napayakap ako sa kanya habang umiiyak at nanginginig sa sobrang takot.

Sa trabaho, kwinento ko sa team mates ko ang nangyari. Napagalaman ko na may nadulas na agent 2 years ago sa parteng iyon dahil hindi pa ito nalalagyan ng sementong pang-harang which is very dangerous dahil bangin ang gilid nito.

Simula nun ay nagpalipat na ako ng morning shift. Hindi narin ako lumabas ng gabi nang walang kasama. Takot ko lang na makita uli SYA...

-->>this is based on a true story. i hope you like it :-)

Short Scary StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon