My Eerie Weekend

728 7 0
                                    

Hello guys! Kumusta naman ang weekend nyo? I hope you had fun.

Since i was on off too (unfortunately I'm back for work tomorrow), i remembered this story about a friend of mine who experienced something eerie while spending her weekend sa boarding house nila.

_____________________________________________________________________________

Hay salamat! After a busy week, dumating din ang Sabado. Pero kahit Sabado, busy parin ako. Kailangan kong maglaba at maglinis ng room dahil hindi ko ito nagawa ng nakaraang Linggo. Imagine a graduating student like me na laging puyat nang dahil sa Thesis, assignments and projects. May exam parati sa math na ewan ko ba kung anong kinalaman ng Calculus pagka-grad ko ng kurso kong ComSci.

Maaga akong nagising nang araw na yun para maaga rin akong matapos at nang makagala manlang ako sa mall for a while. I really need a break kasi napaka-stressful ng thesis na ginagawa ko. So i started my day by having breakfast. Lumabas ako para pumunta ng tindahan para bumili ng tinapay at sabong panlaba. Nakasalubong ko paglabas ang landlady ko.

"Oh Lisa, ang aga mo yatang nagising.", sabi nito habang nakangiti. 

"Kailangan po TIta kasi gusto ko pong makapagpahinga mamaya. Maglalaba pa po kasi ako at naipon na po yung marurumi kong damit.", paliwanag ko rito.

"Ah ganun ba? Nga pala, aalis kami ng mga bata mamaya. May church gathering kasi si Tito mo kaya baka medyo gabihin kami ng balik.".

Pastor ang asawa ni Tita Cristy. Minsan akong sumama dito sa church nila pero dahil sa hindi ko rin naman sila gaanong ka-close, hindi narin ako bumalik muli dun. Mas sanay kasi ako ng magpunta ng simbahan mag-isa para makinig ng sermon ng pari.

"Sige po Tita. Ila-lock ko nalang po ba yung gate?" sabi ko dito. Madalas kasing nakabukas ito during weekdays. Pero dahil nga end of the week, nagsisiuwian ang mga boarders ni Tita. Ako lang ata ang border ni Tita na di gaanong umuuwi. 

"Ako nalang ang magla-lock. Iiwan ko nalang sa may flower pot sa may pinto namin yung susi kung sakaling gusto mong lumabas.".

"Ok po Tita. Ingat nalang po kayo mamaya." sabi ko dito.

"Ingat ka rin dito at mag-isa ka lang." Pumasok na ito sa loob ng bahay nila at ako naman ay tumuloy na sa tindahan para bumili ng agahan.

All girls lang ang pwede dito sa boarding house, ni hindi nga pwedeng umakyat o pumasok sa room nyo ang kahit sinong lalake, kahit pa sabihin mong kamag-anak o bakla man ang papapasukin mo. 

May kasama ako sa room, si Cynthia. Madalas na umuwi ito sa Tito nya na nakatira malapit lang din sa boarding house. Ayaw nito tumira dun dahil sa feeling daw nya inaalila sya nito kaya naisipan nalang nya mag-board. 

Sanay naman na akong laging mag-isa sa room. Pero ito yata ang first time ko na maiwan mag-isa sa buong boarding house. Actually, isang building ito na may tatlong palapag. merong 4 rooms sa bawat floor at ang pinaka-ground floor nito ang bahay nila Tita Cristy.

Pagbalik ko galing tindahan, kumain na ako agad ng agahan para masimulan ko na ang mga dapat kong gawin. Pagkatapos, binabad ko muna ang uniform ko at naglinis ako ng room. Nang nililinisan ko na ang banyo, biglang may pumasok sa room. Si Cynthia pala.

"Oh tol, ang aga mo naman yatang bumalik galing kay Tito mo?", tanong ko rito. Usually kasi nago-overnight ito sa bahay ng tito nya at babalik na lamang sa boarding house ng Sunday night.

Hindi ito kumibo. Bagkos ay ibinagsak nito ang katawan sa higaan nya. Hindi ko na lamang ito pinansin. Baka wala sa mood, kakausapin ko nalang sya mamaya.

Pagkatapos kong maglinis ng banyo, babalikan ko na sana yung ibinabad kong uniform sa ibaba,(i mean sa ground floor dahil doon lang kami pwede maglaba. Nasa second floor ang room namin.) napansin kong wala na si Cynthia sa bed nya. Nagtaka ako dahil wala manlang ako narinig na kaluskos o yabag manlang dahil kapag naglakad ito ay parang laging may mabigat sa mga paa kaya imposible na hindi ko manlang marinig yun.

I ignored it nalang kasi baka hindi ko lang napansin na lumabas sya. Pagbaba ko, inumpisahan ko na ang labahin ko. Maya-maya...

"Lisa, nakita mo ba yung pocketbook na binabasa ko kahapon?", si Cynthia yun na out of nowhere eh nasa likuran ko na. Nakakunot-noo ito nang tanungin ako.

"Wala akong napansin. Baka nasa side table mo lang yun. Dun ko naman laging nakikita yun eh." Wala nga yata ito sa mood. Unang beses yun na nakita ko syang galit nang dahil lang sa pocketbook.

Tumalikod ito at galit na umakyat sa second floor. Mabigat ang mga paa nito. Bawat hakbang paakyat ay lumalangit-ngit ang hagdan. Napaisip tuloy ako, bakit wala yata akong narinig na bumaba ng hagdan eh tapat lang ng hagdan yung labahan? At dahil alam kong galit ito, imposible na hindi ko ito maririnig.

Maya-maya pa ay narinig ko itong tumili ang pagkalakas-lakas mula sa itaas. Dali-dali akong umakyat para tignan kung ano ang nangyari sa kanya. Pero wala ito sa room namin. Hinanap ko sya sa balcony pero wala din doon. Nagsimula narin akong hanapin ito sa iba pang floor pero wala talaga ito. 

Nagsimula na akong kabahan dahil naririnig ko parin itong sumisigaw at sa pagkakataong ito ay may kasama nang iyak. 

"Cynch, asan ka ba? Ano bang problema?" nanginginig ang boses ko sa sobrang kaba at naiiyak narin ako dahil hindi ko alam kung saan sya hahanapin.

Naisipan kong tawagan ang cellphone nya. Baka sakaling hawak niya ito. 

"Hello?", si Cynthia ang sumagot.

HIndi ako nakapagsalita. Naririnig ko parin ang iyak at sigaw nya, pero sinagot nya ang tawag ko.

"Tol, bakit ka napatawag. May problema ba? Hello?" tuloy-tuloy nitong sabi dahil hindi ako sumasagot sa kabilang linya.

"Asan ka Cynch?", tanong ko dito. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at nagtayuan lahat ng balahibo ko sa katawan.

"Andito ako kanila Tito. Umalis ako ng maaga dyan kanina. Di na kita ginising kasi tulo laway ka pa. Anong meron at napatawag ka?"

Napasigaw ako ng sobrang lakas at patakbo kong kinuha ang susi ng gate. Patakbo akong pumunta sa boarding house ng classmate ko malapit lang din at umiiyak akong kin-wento ang nangyari sa boarding house. Nang padilim na, sinamahan ako nitong bumalik para kumuha ng gamit. Nadatnan ko si Tita at ang asawa nitong Pastor. Sinabi ko sa kanila ang nangyari at napagpasyahan nila na magpa-bless sa buong building.

Nag-graduate na ako sa college at nagta-trabaho na ngayon, pero hanggang sa ngayon, di ko parin alam kung sino yung nagpakita sakin at ginaya pa ang itsura ng kaibigan ko. Ni hindi ko nalaman kung ano ang dahilan kung bakit sya nagpapakita. Sana tahimik na sya ngayon

>>>Wakas<<<

_____________________________________________________________________________

I hope you liked this story. Please do share, vote and post a comment.

Short Scary StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon