Yosi Break

489 1 1
                                    

Hello everyone! Kumusta naman ang araw nyo? Ako? Super pagod! Dayoff ko today pero parang mas matindi pa sa pumasok sa office ang pakiramdam ko. Dami kasing trabaho dito sa bahay and bangag pa ako sa happenings kagabi. Syempre pasyal-pasyal pag may time... :D

I was having a break (yosi and coffee) nang maalala ko ang kwento sakin ng friend ko when i was still working in a Call Center.

_______________________________________________________________________________

Si Grace ang tipo ng babae na hindi mapakali kapag hindi nagagawa ang gusto. Gagawa at gagawa talaga sya ng paraan para lang mapagbigayan ang luho nya. Kapag nga gusto nyang mamasyal, kukulitin ako nyan hanggang sa mainis nalang ako sa kanya at pumuyag nalang para matigil nalang sya.

Hindi mo rin naman sya masisisi kung bakit ganun ang attitude nya. Lumaki kasi sya sa may kayang pamilya. May-ari sila ng pinakamalaking Department Store sa lugar namin. Dahil dito, lahat ng gusto nya, nabibili nya. Siguro dahil narin sa busy parati ang parents nya kaya dinadaan nlang sya ng mga ito sa pera para tantanan sila.

Masasabi kong KSP(Kulang Sa Pansin) nga si Grace. Gusto nya laging nasa kanya ang attention naming magkakaibigan dahil hindi nya ito makuha sa parents nya. Medyo nag-rebelde din sya. Dahil dito, naging addicted sya sa paninigarilyo. Halos maubos niya ang isang kaha sa isang araw! Minsan nga kulang pa.

One time, nahuli sya sa loob ng School Campus namin na naninigarilyo. Ipinatawag agad sya sa Guidance Office at binigyan ng letter para papuntahin ang parents nya.

"Ma'am, sorry na po. Hindi na po talaga mauulit. Please give me another chance. Isang beses palang naman nangyari ito eh.", nagmamakaawang sabi ni Grace.

"I'm sorry Grace, pero kung hind ka namin didisiplinahin, lalong lalala iyang bisyo mo. "Maraming nakakita na students sa labas ng campus na naninigarilyo ko. Babae ka pa namang tao at sa isang Catholic School pa.", nanggagalaiting sabi nito.

Hindi nalang umimik si Grace. Kahit ano namang sabihin nito ay hindi naman ito nakikinig.

"Oh, ano nanamang sabi sa'yo?", tanong ko agad sa kanya paglabas na paglabas pa lang ng Guidance Office.

 "Pinapatawag nila ang parents ko. Sino naman kaya ang papupuntahin ko? Eh lagi namang wala sina Mommy at Daddy. Kapag minamalas ka nga naman oh!", asar na umupo at sumimangot.

Maya-maya lang ay napatingin ito sa akin at ngumiti ng makahulugan. Ayaw ko ang pagkakangiting yun at alam ako ang ibig sabihin nun. May naisip itong paraan at ako nanaman ang naisip nyang solusyon.

Pinakiusapan nya ako na kausapin ang tito ko at magpanggap na tito nya. Close kasi kami nito dahil lumaki ako na sya lagi ang nakakalaro. Pinsan ito ng Mommy ko at nakatira lamang malapit sa amin.

Pumayag naman ang Tito ko nang kausapin ko sya. Alam nya kasi kung paano magalit ang mga magulang ni Grace dahil nagtatrabaho ang Tito ko sa isa sa mga business ng pamilya nila. Pumayag ito pero sa isang kondisyon, ititigil na nito ang paninigarilyo.

Umoo nalang si Grace dahil wala naman syang choice. So, nag-meet nga sila Tito at ang Guidance Counselor namin sa school. Di naman ito naghinala sa ginawa namin. At least ngayon, walang choice si Grace kundi tuparin ang napagkasunduan namin.

Dalawang Linggo ang nakalipas, pumunta si Grace sa bahay.

"Tol, samahan mo naman ako saglit oh." nakanguso pa nitong sabi sa akin.

"San nanaman tayo pupunta?", nagtataka kong tanong sa kanya.

"Basta, tara na!", sabay hila nito sa akin.

Nagpunta kami sa bakanteng building malapit sa subdivision namin. Nasunog ito bago pa kami lumipat ng tirahan mula sa probinsya. Simula nang masunog ang lugar na iyon, wala nang nagtangka na magtayo pa muli ng ibang building at inabando na nila ito ng tuluyan.

"Tara, pasok tayo sa loob." Aya nito sa akin.

"Ha? Sira ka ba? Ayaw ko nga! Alam mo naman na ayaw ko pumasok sa mga ganyang klase ng lugar. Ano bang gagawin mo dyan?", nagtatakang tanong ko sa kanya.

Naglabas ito ng isang pakete ng sigarilyo.

"Magyo-yosi lang ako. Baka kasi may makakita sakin. At least dito, safe na safe na walang makakakita.", nakangiti pa ito ng ubod tamis.

"Nangako ka Grace na titigilan mo na yan di ba?", taas kilay kong paalala sa kanya.

"Come on! Isa lang naman eh. Promise." itinaas pa ang kanang kamay nito. "Ano, sasama ba ka o hindi?"

Hindi ako kumibo.

"Bahala ka.", sabay talikod at pasok sa loob ng building.

Nasa likod kami ng buiding at may entrance sa loob. Sa gilid nito ay may hagdan na paakyat na ng 2nd floor. Sa tabi naman ng pinto ang Garbage Room. 

Naintriga si Grace kung ano ang meron sa building kaya naman umakyat ito sa 2nd Floor. Naka-lock ang pinto kaya di na sya nagpilit pang pumasok. Naupo na lamang sya sa may hagdan at nagsindi ng yosi.

Maya-maya ay may narinig ito na mabilis na mga yabag pababa ng hagdan. May nakita siyang babae na nagmamadaling pumanaog ng hagdan. Dumaan pa ito sa gilid niya at mabilis na lumabas ng pinto.

Napakunot -noo si Grace. Naisip nya, "May tao pala dito? Ano naman kaya ang ginagawa nung babae dito at nagmamadali siyang lumabas?".

Di nya ito pinansin at nagsindi na lamang ulit sya ng sigarilyo. Nakaramdam sya ng malamig na hangin na dumampi sa braso nya. Napatingin sya sa tabi nya.

Andun ang babaeng nagmamadaling bumaba ng hagdan. Gulong-gulo ang buhok, gula-gulanit ang bestidang puti, dilat na dilat ang mapupulang mata at sunog ang kaliwang bahagi ng mukha at katawan nito.

Napako si Grace sa kinauupuan. Tinakpan nito ang mga mata habang sinisigaw ang pangalan ko.

"HHHHaaaaaaaaa!!!!! Tol, tulungan mo ako!!!"

Sinubukan nitong imulat ang mga mata pero andun parin ang babae na this time ay nakaharap na nang tuluyan sa kanya. Maya-maya ay narinig nitong nagsalita ang babae.

"Nangako ka! Sinungaling ka! Nangako ka!", sigaw nito sa kanya.

Nanatiling nakapikit si Grace at nagsisisigaw nang hinawakan ko sya sa mga balikat nya. Nagmulat naman ito ng mga mata at yumakap sa akin nang makilala nya ako. Nanginginig ito sa takot at walang tigil sa pag-iyak.

Inuwi ko muna sya sa amin at kwinento nya sa akin ang buong pangyayari. Umamin sya sa Tito ko na hindi sya tumupad sa kanyang pangako. Muli ay nangako sya na tutuparin na nya ang pangako, and this time, tinotoo na na nya ito. Nangako rin sya na hindi na babalik sa lumang building na yun kahit kailan.

>>>WAKAS<<<

Oh ayan mga mahal kong mambabasa, dapat ay lagi tayong tumutupad sa mga pangako natin. Kayo rin, baka iba pa ang magpaalala sa inyo nang sinumpaan nyo, and not in a very nice way...

I know nagtataka kayo kung ano ang story ng abandonadong building na iyon malapit sa nilipatan naming subdivision. I will tell you what happened on my next story.

So please do vote, share and comment on my stories. No violent reaction ok? Mwaaah! xoxo :)

Short Scary StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon