True Friend

288 4 0
                                    

Hi all! Kumusta naman ang mga readers ko? I hope everything's good. On Off ako for 5 days but i was working at home for 3 days so hindi talaga ako makapag-online.. Good thing tapos na ang project ko so heto ako ngayon.

I would like to share this story na kinwento sa akin ng friend ko. She said it happened at her Aunt's house a long time ago. Hindi pa nga daw sya tao nun.

I also would like to dedicate this story to Mackylove. Thanks for the wonderful comment. I hope you and your daughter will also love this one.

_______________________________________________________________________________

Ako si Patricia, Patty for short. 20 na ako pero kasama ko paring namumuhay ang parents ko samantalang ang mga kaibigan ko ay nakatira sa Dorm kung saan ay nararanasan nila ang mamuhay mag-isa at magawa ang kanilang mga gusto. Mag-isang anak lang kasi ako kaya protective sila sa akin na minsan ay kinaiinis ko na dahil sa nawawalan na ako ng privacy.

Simula nang mag-aral ako, piling-pili lang ang mga naging kaibigan ko. Hindi kasi ako gaanong pinapalabas ng mga magulang ko. Baka daw masugatan lang ako sa paglalaro. Kaya naman, imbes na ako ang lumabas ng bahay, ang mga kalaro ko ang pumupunta sa bahay namin. Maging ngayon na College na ako, ni minsan ay hindi ko naranasan ang maki-sleepover manlang sa bahay ng kaibigan ko.

Antique Collectors and parents ko. They buy and sell stuff mula sa kung saan-saan. Minsan pa nga ay naga-out of the country din kami just to buy old things na ibebenta naman nila pag-uwi namin. Ito ang ikinabubuhay namin at dahil dito ay napag-tapos ako ng parents ko sa pag-aaral.

Isang araw, dumating ang parents ko galing sa ibang bansa. As usual, may mga dala nanaman silang mga lumang gamit na for sure ay pagkakaguluhan nanaman ng mga collectors na walang magawa sa mga pera nila.

"Patty, kumusta ka naman dito?", tanong n Mommy ko.

"Ayos lang naman po. Heto bored na bored na ako. Hindi na ako pwede mag-mall kasama ng friends ko?", nakanguso pa ako nang sabihin yun sa kanya.

"Wala si Aling Ising na pwede mong makasama. Pero mamaya darating yung pamangkin nya. Pansamantala ay dito muna sya habang nasa probinsya si Aling Ising. May anak syang dalaga na pwede mong kaibiganin.", pinapa-excite pa ako ni Mommy.

"Bakit ba kas kailangan ko pa ng chaperone? Look Ma, malaki na ako, kaya ko na ang sarili ko. You don't even have to tell me who to be friends with. Kung gusto ko sya, maging kaibigan, edi kakaibiganin ko sya." , inis kong sabi kay Mommy.

"Ang sa akin lang naman eh pwede ka namang makipag-kaibigan pero ayaw ko ng mga kaibigan na ipapahamak ka. Kaya nga dapat ay kilatisin mo muna sila bago ka tuluyang makipag-kaibigan." lintaya nito.

Ano pa nga ba ang magagawa ko? Kahit naman anong sabihin ko ay hindi naman makikinig sa akin ang Mommy ko. Magaaway lang kami at sa bandang huli, sya parin ang mananalo.

Kinahapunan, bumaba ako sa dirty kitchen namin para tignan kung andun na si Aling Ising. Pero hindi si Aling Ising ang nadatnan ko doon. Nakaputing damit at blue na t-shit sya.

"Excuse me, ikaw ba yung apo ni Aling Ising? I'm Patty.", inilahad ko ang kamay ko para kamayan sya.

Ngumiti lang sya sa akin at inabot ang kamay ko. 

"Anlamig naman ng kamay mo!", nagulat kong sabi sa kanya. Maya-maya ay nakita kong nagkakayod pala ito ng yelo kaya malamig ang kamay.

"Naku, sorry ha. Gagawa kasi ako ng halo-halo. Gusto mo bang tikman?", nakangiti itong ng pagkatamis-tamis sa akin.

"Teka, di mo pa sinasabi ang pangalan mo.", sabay kuha at tikim sa halo-halong gawa niya.

"Aurora", nangingiming sabi nito sa akin.

Short Scary StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon