Nightmare

843 12 2
                                    

Hi guys! Sorry ngayon lang ulit ako nakapag-post ng bagong story.. Super busy kasi ako sa work this days. But hey! Here's my new story. Kwento ito ng kaibigan ko sa akin. Sadyang binago ko ang pangalan para maprotekthan ang kanilang privacy.

_____________________________________________________________________________

Sobrang busy ko ng araw na yun sa trabaho. May bago kasi kaming empleyado at ako ang inatasang mag-train sa kanila. Isa kasi ako sa pioneer ng company namin kaya di ako makatanggi.

Dahil late na akong natapos sa office,tinawagan ko ang kaibigan ko para sunduin ako. Babayaran ko nalang ang pagsundo't hatid nya sakin, nakakahiya kasi lalo na at galing din sya sa trabaho at alam kong pagod din syang kagaya ko. Habang hinihintay ko sya, magi-internet muna ako.

After 30 minutes, dumating na ang sundo ko.

"Kumusta ka? Bakit late ka na yata nagpasundo?", tanong nya sakin.

"Sobrang busy kasi dito sa office. Katatapos ko nga lang i-file yung mnga documents na kailangan namin. Bukas may lalakarin nanamang papeles. Kaya nga plakda ako pag-uwi", kwento ko sa kanya habang dinadampot ko ang mga gamit ko at isara na ang office since ako nalang nga naman ang natitira ng mga oras na yun.

"Buti naisipan mo akong tawagan at within the area lang naman ako", sabi nito.

"Ganun ba?" Mabuti pala kung ganun at hindi naman pala kita gaanong naabala. Thank you ha!", pasasalamat ko dito sabay wala sa loob kong napahawak ako sa braso nya.

Matagal-tagal narin kaming magkakilala ni Samuel, Sam for short. Nakilala ko sya sa party ng common friend namin. Kakikilala palang namin pero parang matagal na kaming magkaibigan. Makwento kasi itong gaya ko kaya naman kampante ako sa kasama sya.

Pero iba ang araw na ito. May hindi ako maipaliwanag na aura mula sa kanya. Pati nang hawakan ko ang braso nya. Ang lamig ata nya.

"Bakit anlamig mo? Nilalamig ka ba?", tanong ko sa kanya. Di naman masyadong malamig ang bugso ng aircon sa sasakyan nya.

"Hindi, ok lang ako.", sabay ngiti sa akin.

Hindi ko nalang yun pinansin at inaliw ko nalang ang sarili ko. Natigilan ako dahil parang iba yata ang ruta namin.

Napaka-dilim ng paligid. Ni wala manlang liwanang mula sa buwan.

Napatingin ako kay Sam. "Sam, parang iba yata ang dinadaanan natin.",sabi ko sa kanya. Kinakabahan na ako pero di ako nagpahalata.

Hindi ito umimik bagkus tumingin lamang sakin at ngumiti. Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko.

"Hello?"

"Oh Terry, san ka na? Dinaanan kita sa office nyo ang sabi ng guard umalis ka na daw. SOrry na-late ako ng sundo. Traffic kasi.

Nanlamig ako at tumayo na yata ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Si Sam ang tumawag. Dumaan sya sa opisina at hindi na kami nagpang-abot. Kung ganun, sino itong kasama ko?

Nanigas ako sa kinauupuan ko. Gusto kong lingunin ang driver's seat pero natatakot ako sa makikita ko. Ngunit ng dahil sa sobrang curious ako na tao, napatingin ako sa kanya. Kamukhang-kamukha ito ni Sam pero dahil nga nakausap ko na sa kabilang linya si Sam, ibig sabihin nito na hindi ito ang kaibigan ko.

Hinawakan ko ng mahigpit ang bag ko. I made up my mind, kailangan kong gumawa ng paraan para makatakas dito.

"SIno ka? Itabi mo ang sasakyan.", nanginginig ang buong katawan ko sa takot pero kailangan kong maging matatag. Ngunit hindi ito sumagot, bagkus ay ngumiti lamang ito. Ibinaling nya ang mukha nya sa akin. Ganun nalang ang gulat at takot ko nang makita ang kalahati ng kanyang mukha. Naaagnas na ito at tumutulo ang dugo sa bibig nya. Naaagnas na pati ang kamay nito at luwa na ang mata sa kaliwang bahagi ng mukha. Gula-gulanit din ang damit nito na may bahid ng dugo.

Bigla itong tumawa ng malakas at akmang sasakalin ako. SInubukan kong buksan ang pinto ng sasakyan pero naka-lock ito. Nagwala na ako sa loob ng sasakyan ngunit hinawakan ako nito at sinakal.

Malapit na akong maubusan ng hininga ng bigalang...

"Terry, gising!", si Sam yun. Ginigising ako nito. Nakatulog na pala ako sa paghihintay sa kanya. "Nananaginip ka. Hindi pa sana kita gigisingin kaso umuungol ka.

Napabunting hininga ako. Natatawa ako sa sarili ko dahil panaginip lang pala ang lahat. Inayos ko na ang gamit ko para makauwi na ako.

"Terry.", tawag nito sakin.

Ganun nalang ang takot ko ng makita ko ang itsura nito. Naaagnas na ang mukha nito at malapit nang matanggal ang kaliwang mata. Gula-gulanit ang damit nito at naliligo sa dugo! Dinukot nito ang kanyang puso sa kanyang dibdib at inilahad sakin ang puso niya na tumitibok-tibok pa.

"Sayong-sayo ang puso ko.Sumama ka sakin!', sabay yakap sa akin. Bumuka ang lupa at nilamon kami nito. Hanggang sa...

"Ma'am gising po!", si manong guard pala. "Naku Ma'am, binabangungot po ata kayo.

"Naku salamat po manong. Kung hindi nyo ako ginising, malamang nabangungot na ako ng tuluyan.

Napag-alaman ko na nang gabing yun ay naaksidente si Sam on the way sa office. Binawian ito nang buhay nang gabing iyun.

-->>> WAKAS<<<--

I hope you like this story. If you did, please share and vote for it! Feel free to share your views. Salamat ng marami!

Short Scary StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon