The Parking Lot

399 3 0
                                    

Hey, hey, hey! Almost over 1000 reads na ang "Short Scary Stories"! Thanks sa lahat ng nagbasa, nag-vote at nag-comment sa mga stories ko. Please do continue reading and voting!

Anyway,here's my next story. Base ito sa karanasan ng pinsan ko.

_____________________________________________________________________________

Isa si Peter sa mga kinatatakutan sa school. Sya na yata ang maituturing na No.1 bully sa school nila. Dahil sa pagiging matangkad at matipunong katawan, pati na sa pagiging pilyo nito ay kinatatakutan sya ng mga estudyante. Sabi nga ng marami tatangkad pa sya. Dahil sa edad nyang 17, 5'11 na sya. Nag-start na rin syang mag-gym kaya developed na ang muscles nya.

Kahit na ganitong pinangingilagan sya ng ibang estudyante, meron naman syang masasabing tunay na mga kaibigan, si Ramon at Johnny. Dati rin nyang binu-bully ang mga ito. Pero dahil sa marunong lumaban ang mga ito sa kanya, namangha sya sa mga ito at sinimulan nyang kaibiganin sila. Oo, bully sya, ayaw nya kasi ng mahina. Ang mga mahina, hindi tumatagal. Kapag mahina ka, kinakaya-kaya ka lang.

Isang araw, nakatambay sya sa school grounds nang may makita syang isang babae. Mukhang bago lang ito sa paaralan dahil ngayon lang nya ito nakita. 

Maganda ito. Maputi, itim na itim ang hanggang balikat na buhok, balingkinitan ang katawan, mapupungay na mata at pulang-pula ang mga labi. Dahil dito, naisipan nyang magpakilala sa dalaga.

"Miss, may hinahanap ka?," preskong sabi nya sa dalaga.

"Uhm, hinahanap ko kasi ang Science Lab.", napayukong sabi nito.

"Ahhh...Hindi mo talaga mahahanap yun dito kasi sa kabilang building yun. Gusto mo bang samahan kita?", nakangising sabi nito. Tinitigan pa nya ito plus flashing his pamatay smile.

"Ah, wag na. Ako nalang ang maghahanap. Salamat.", tanggi nito. Tinignan sya nito straight sa mata nya sabay talikod sa kanya pabalik sa pinanggalingan nito. Dumaan ito sa parking lot dahil short cut ito papunta sa kabilang building.

Ang bilis nitong nawala sa kanyang paningin, habang sya naman ay napako sa kinatatayuan nya. Hindi sya makapaniwala! Hindi umubra sa kanya ang charms nya samantalang ang ibang babae ay sya na mismo ang nilalapitan at nanliligaw. Ngunit iba ang babaeng ito. Ni wala manlang itong nakita kahit na konting paghanga sa kanya. Yung tipong, may makikita kang ningning sa mga mata, bagkos ay blangko ang ekspresyon nito. Para ngang walang mga buhay ito.

"Pare, andito ka lang pala eh.", tapik sa kanya ni Johnny. "Kanina ka pa namin hinahanap. Nalibot na yata namin ang buong school nandito ka lang pala." sabi pa nito.

"Panong hindi nyo ako makikita eh sa ibang lugar naman kayo naghahanap. Alam nyo naman na dito ang tambayan ko.At isa pa, sa iba kasi napa-padpad yang mata mo." sagot nya. Napatingin kasi sa isang babaeng estudyante si Johnny.

"Hindi pare noh. Napatingin lang ako sa kanya kasi tumingin sya sayo. Nagpa-cute pa nga eh." sabay turo sa babaeng dumaan.

Tama ito. Nakatitig ito sa kanya habang nakangiti. Pero hindi nya ito pansin. Nakita nito ang paghanga sa mga mata ng dalaga, malayong-malayo sa mata ng babae kanina. Binawi naman nya ang tingin sa dalaga. Napansin yata ng dalaga na hindi sya type ni Peter kaya tumalikod na lamang ito at nagtuloy na sa pagpasok sa building.

"Tol, napansin mo ba yung babaeng kausap ko kanina?", tanong nito sa kaibigan.

Napakunot ito ng noo. "Wala naman akong napansin, pre. Bakit?", nagtatakang tanong nito.

"Nevermind. Pumasok na nga tayo", sabay lakad papunta sa building. Napakamot naman ng ulo si Johnny. Takang-taka kung ano ang nangyayari sa kaibigan.

Short Scary StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon