Abandoned Building

453 3 2
                                    

Hello sa lahat! Kumusta naman ang araw nyo? Ako heto as usual, pagod ulit sa work but hey! I can't let you down my readers! Alam ko naman na gusto nyong malaman kung ano ang story ng abandonadong building sa previous story natin.

Nangyari ang story na ito 4 years before kami lumipat sa bagong bahay namin sa isang subdivision. Ito ay base sa kwento sakin ng aming mga kapit-bahay at Tito.

_______________________________________________________________________________

Wala pang isang taon nang maitayo ang isang residential building malapit sa subdivision. Meron itong tatlong palapag at bawat palapag ay may sampung apartment. Kumpleto ito sa facilities. May gym na kumpleto sa gamit at may indoor pool pa. Pwedeng mamili ang mga uupa ng apartment kung furnished o unfurnished ang room, depende syempre sa budget.

Kahit na wala pang isang-taon na naitatayo ang gusaling yun, marami na ang umuupa dito. Kung tutuusin nga ay under construction pa ang kaliwang bahagi ng ikatlong palapag nito. Pero kahit ganun, nag-uunahan parin ang mga gustong umupa rito. Kabilang na ang matalik na magkaibigan na sina Lyn at Rose.

They are unseparable! Mula Elementary, High School, at maging sa College ay magkasama na ang mga ito. Pati kuro ng mga itong Computer Science ay pareho rin sila.

Maagang naulila si Lyn. Empleyado ng mga magulang ni Rose ang parents ni Lyn sa kanilang bakeshop. Naaksidente ang mga ito nang minsang mag-deliver ng tinapay ang kanyang mga magulang sa kabilang bayan. Nabangga ang kanilang sasakyan ng isang delivery truck ng gulay malapit lamang sa subdivision kung saan kami ngayon nakatira. Naitakbo pa ang mga magulang ni Lyn sa ospital ngunit dead on arrival na ang mga ito. Simula nun ay inampon na ng mga magulang ni Rose si Lyn. 

Naging malapit sa isa't isa sina Rose at Lyn. Kung nasaan ang isa, andun rin ang isa. Kapag may activity na sinalihan si Rose ay sumasali rin si Lyn. Dahil sa likas na matalino si Lyn, lagi itong nananalo sa mga paligsahang sinasalihan nila. Di naman pahuhuli si Rose dahil sya naman ang pangalawa sa mga ito.

Lingid sa kaalaman ni Lyn na may namumuong inggit sa kanya ang kaibigang si Rose. Parati na lamang kasi itong una sa lahat. Pati sa atensyon ng kanyang mga magulang. Pakiramdam nya ay mas napapansin ng mga ito ang mga achievements ni Lyn kesa sa kanya.

"Ma, tignan mo ang report card ko, matataas ang grades ko this Sem," pagbibida ni Rose, isang araw habang nag-aagahan ang pamilya kasama si Lyn.

"Aba, ang galing ng anak ko ah! Oo nga matataas nga ang mga grado mo. Keep it up!", papuri naman ng ina ni Rose. "Ikaw Lyn? Kumusta naman ang grades mo?" baling nito kay Lyn.

"Ok lang naman po." nahihiyang sagot nito. Napayuko ito at hinarap ang pagkain.

"Talaga? Patingin nga ng report card mo, iha?" sabi nito.

Iniabot naman ni Lyn ang kanyang card sa ina ni Rose.

"Aba! Ang tataas ng grades mo ah! Halos perfect and mga Major subjects mo! Malamang ay ikaw na ang Valedictorian ng batch nyo nyan.", tuwang-tuwa na sabi nito. Nakisilip narin sa report card ni Lyn ang ama ni Rose.

"Good job, iha!". Tinapik pa sya sa balikat ng ama ni Rose.

Palihim namang nakatingin si Rose kay Lyn. Masama ang tingin nito sa kaibigan at halatang hindi nito nagustuhan ang papuri na ginawa ng mga magulang nito kay Lyn.

"Ano bang meron ang babaeng ito at ganun nalang kung purihin sya nila Mommy? Halos hindi naman kami nagkakalayo ng achievements, pero kung purihin sya ng mga ito ganun nalang. Samantalang ako na sarili nilang anak, hindi nakakatanggap ng ganung papuri mula sa kanila." sa isip-isip ni Rose.

Kahit ganun, nanatili lamang na tahimik si Rose. Bumabawi na lamang sya sa pamamagitan ng paguutos ng kung ano-ano kay Lyn. Ito ang pinaglalaba nya ng mga damit nya, pinagluluto ng kanyang kakainin, pati paglilinis ng kanyang kwarto ay ito ang gumagawa. Tingin nya ay dapat lamang na gawin ni iyon dahil nakikitira ito sa kanila.

Short Scary StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon