The Prank

345 2 3
                                    

Hello guys! Kumusta naman kayo? Sorry i was very busy sa office, i was working on a project and super ngarag na pag-uwi so no time to even open my account...hehehe.

So since I was able to go online, better i post a new story for you. 

_____________________________________________________________________________

Simple lang si Ivy pero masasabi kong isa sya sa mga kakilala ko na napakaganda. Sa kasimplehang iyon kasi ay lumalabas na iyon talaga ang itsura nya. Napaka-kinis ng mukha nya na hindi ata nakaranas ng kahit isang pimple and meron pa syang biloy sa magkabilang pisngi. Masayahin di siya kaya naman marami syang kaibigan at isa nga ako sa mga masasabing malapit sa kanya. Pero sa ka-simplehang yun ay may itinatago itong kapilyahan.

Bata pa lang kami ay magkasama na kami. Lahat ng sikreto ko ay alam nya at ganun din ako sa kanya. Pati sa kalokohan ay kami parin ang magkasama. Pareho kasi kaming walang kapatid kaya siguro ganun nalang kami ka-close. 

Noong mag-graduate kami ng high school ay saglit kaming nagkahiwalay. Nadestino kasi sa Visayas ang Daddy nya kaya naman kailangan din nyang sumama dahil ang pag-aaral nya ay suportado ng company nito. Ngunit makalipas lamang ang isang taon, bumalik sya upang sa Manila na mag-aral. Hindi na ako nag-usisa kung bakit biglaan ang pagbalik nya to think na naiwan ang parents nya sa Visayas. Nakikitira sya ngayon sa Tita nya na isang guro sa paaralan na pinapasukan din namin.

Isang araw...

"Ivy, malapit na ang birthday mo ah. Anong balak?", tanong ko sa kanya.

"Ayaw ko i-celebrate ang birthday ko. Gastos lang yan at isa pa, bakit kailangan pang i-celebrate eh tumatanda na nga ako. Maraming happenings ang hindi ko na mapuntahan dahil lalong naghihigpit sila Tita sakin. Dalaga na raw kasi ako.", litanya nito sakin.

"Hay naku! Dapat nga matuwa ka at binigyan ka pa ng isa pang taon na healthy ka at mas lalong magagawa mo pa ang mga gusto mong gawin.", nakangusong sabi ko sa kanya sabay yakap.

Natigilan naman ito sa sinabi ko. Ewan ko pero parang nagtaka ito bakit ganun ang sinabi ko sa kanya. Pero maya-maya pa ay bumalik na ang sigla nito at balik nanaman kami sa kulitan.

Dalawang araw bago ang birthday ni Ivy, dumalaw ako sa bahay nila. Pagka-katok ko sa pinto ng bahay ng tita ni Ivy, nasorpresa ako nang pagbuksan ako ng pinto ng Mommy nito.

"Hi tita! Kelan pa po kayo nakabalik?" sabay mano kay Tita Eliza.

Napansin kong nakakunot ng noo si tita nang pagbuksan ako pero namutawi naman ang ngiti sa labi nito nang makita ako.

"Kagabi lang ako dumating anak. Pasok ka, nasa kusina si Ivy." at sinamahan na nya ako sa kusina.

Sa kusina naman ay maririnig na nagsasalita si Ivy.

"Ano ba kasing meron at kailangan pang i-celebrate and birthday ko? Magsasayang lang tayo ng pera at pagod. Hindi ba pwedeng gawin na normal day nalang?" nakaupo ito sa high chair, nakade-kwatro at nakahalukipkip. Halatang naiinis ito sa kung ano man ang pinaguusapan nilang mag-ama.

"Bakit ba kasi ayaw mong i-celebrate? Maganda nga na dito ka mag-party kesa sa labas pa. Baka maulit nanaman ang nangyari." sabi ng daddy nito.

"Ivy, andito si Tina.", singit ng mommy ni Ivy sa usapan nila.

Biglang ngumiti ang Daddy ni Ivy sa akin na kanina lamang ay mukhang galit. Nagmano ako sa kanya tsaka ako tumabi kay Ivy.

Tumayo naman si ivy at hinawakan ang kamay ko.

"Sa kwarto po muna kami ni Tina." sabay hila nito sa akin papunta sa kwarto nya.

"Excuse me po." pahabol ko sa parents nya.

Sa kwarto nito, nagtataka ako sa ikinikilos ni Ivy. Balisa kasi ito.

"Umupo ka nga dito Ivy. Para kang di maanak na pusa dyan sa ginagawa mo. Nahihilo ako sayo." reklamo ko sa kanya. Pero ang totoo nagaalala ako sa ikinikilos nya.

Naupo naman ito sa tabi ko sabay nagbuka ng bibig na parang may sasabihin. Pero itiikom nya ang bibig at bagkos ay nagpakawala ng malalim na bunting hininga.

"Wow tol lalim nun ha. Di ko ma-dig." pagbibiro ko dito. "May gusto ka bang sabihin sakin?" di ko na napigilan at tinanong ko na sya.

"May sasabihin sana ako sayo eh. Pero ipangako mo na walang ibang makakaalam nito ok?" hinawakan pa nito ang mga kamay ko habang sinasabi yun. Napaka-seryoso nito kaya alam kong may kinakaharap itong problema.

"Sige promise. Ano ba yun?", naiintrig narin ako kung ano man ang sasabihin nya.

"Di ba sabi ko sayo na ang reason ko kung bakit ako bumalik dito is because ayaw ko nang pamamalakad sa school ko dati?", titig na titig ito sa akin nang sabihin iyon.

Napatango lang ako sa sinabi nya. Nahihiwagaan ako sa sinasabi at ikinikilos nya.

"Nagsinungaling ako sa'yo." Napayuko ito.

"Ano bang nangyari? Ano ba ang totoo. Pwede mo naman sabihin sakin. Makikinig ako." Hinawakan ko ang kamay nya. Ngumit naman ito sa akin.

"Noong nasa Visayas kasi ako, may nakilala akong isang babae, si Marie. Actually, classmate ko sya at kapit-bahay. Napaka-bait nya sakin, siguro kasi ala din naman syang ibang kaibigan kundi ako lang. Napaka-nerd naman kasi nya kaya pinagtatawanan din sya ng ibang classmates namin." sabi nito sakin.

"Isang araw, may isang sorority member na lumapit sakin at inalok ako kung gusto kong sumali sa frat nila. Dahil nga sa wala naman akong ibang kaibigan doon, umoo ako.", pagpapatuloy ni Ivy.

"Syempre may initiation sa mga sororities di ba?," napatango naman ako sa kanya. "Naisipan nilang pagkatuwaan si Marie. Itinaon nila sa birthday ko gawin ang balak nila at ginawa nila akong accomplice sa gusto nilang mangyari. Dinala ko sya sa sementeryo kung saan naghihintay ang mga Sorority Sisters ko. Nagkunwari silang mga multo at gumamit pa sila ng totoong bungo ng tao para takutin si Marie. Hindi namin alam na may sakit pala sya sa puso. Inatake sya sa ginawa namin at ako ang sinisisi ng mga magulang nya sa nangyari. Kaya, naisipan nila Mommy na bumalik nalang ako dito." nangingilid ang luha na kwento sakin ni Ivy.

Kaya pala ayaw niyang i-celebrate and birthday nya. Naaalala nya si Marie. Ngayon naiintindihan ko na sya.

Pero mapilit ang parents nya. Itinuloy ng mga ito ang celebration. Pumayag narin si Ivy dahil wala narin naman syang magagawa. Simpleng selebrasyon nalang ang ginawa nila. 

Time to blow the candles. Napansin ko na nanlalaki ang mata ni Ivy habang nakatingin sa kawalan. Maya-maya pa ay nagsisisigaw ito.

"Wala akong kasalanan! Hindi ko alam! Layuan mo ako!", naghi-hysterical na si Ivy. Niyakap ito ng ama at unti-unti naman itong kumalma.

Nang maalimpungatan ito, kwinento niya ang nakita. Si Marie, nakatayo sa labas at nakahawak pa sa may gate nila. Maputlang maputla ito, magulo ang buhok at nanlilisik ang mga mata sa galit habang nakatitig sa kanya.

Maya-maya pa ay nanlaki nanaman ang mga mata nito at nagsisisigaw ulit. May itinuturo ito sa may pinto ng kanyang kwarto. Andun si Marie, nakatayo at tulad kanina ay nanlilisik ang mga mata nito sa galit. 

Biglang nahirapang huminga si Ivy. Parang may sumasakal sa kanya na kung ano na hindi nya nakikita.

"Sorry Ma-rie... Hin-di ko a-a-lam...", nahihirang huminga ito. Hindi naman alam ng mga magulang nya kung anong gagawin.

Maya-maya pa ay nakahinga nang muli si Ivy. Nagiiiyak ito sa nangyari. Kwinento nya sa mga maagulang nya ang buong pangyayari at nangako sya na hinding hindi na nya uulitin ang ganoong klase ng biro.

>>>WAKAS<<<

Sana nagustuhan nyo yung story natin. Please do vote, share and comment! I will post a new one real soon!

Mwaaahhh!!! xoxo

Short Scary StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon