Last Heart Beat
Chapter 1
Pao's PoV
(A/N:Wala ng prologue-prologue,chapter 1 agad.Tinatamad ang may gawa,eh.XD)
**
"Anak,handa ka na ba?"
Tiningnan ko lang si mama.Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya dahil ako man ay hindi alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa mga sandaling 'to.Magiging handa ba ako malaman ang oras ng kamatayan ko?Huwag na lang kaya nila sabihin diba?Para surprise na lang ang lahat.
Tumango na lang ako kay mama at hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.Ewan ko kung ano ba talaga ang nararamdaman ko ngayon.Kinakabahan ako pero nandoon din ang sense of relief?Ewan ko kung para saan 'yun.Ah,baka kasi natutuwa ako na hindi na ako mahihirapan pa at ang mga magulang ko kapag namatay na ako?
Nanginginig si mama sa tabi ko habang pigil na pigil ang iyak niya.Kahit hindi sabihin ni mama,alam kong ayaw niya ring marinig ang sasabihin ng doktor.Sa tabi ni mama si papa na hinahagod ang likod ng asawa niya habang nanginginig rin.Si Ate Pauline naman ang nasa kabilang gilid ko habang seryosong nakatingin sa kawalan pero kita ko ang pagpipigil niya.
Napabuntong-hininga ako at napayuko.Ayaw kong makita sila na nagkakaganito,eh.Nahihirapan lang ako lalo at nararamdaman ko nanaman ang paninikip ng dibdib ko.Sinubukan kong huminga ng malalim at pinakalma ang puso ko.I tried licking my lips baka sakaling mawala ang panunuyo 'nun kaso hindi rin nakatulong.Mas lalo lang akong kinabahan.Sabayan pa ng malamig na hangin na nagmumula sa aircon at ang katahimikan sa paligid ng apat na sulok ng silid na'to.
Sawang-sawa na akong makita ang kulay puting pintura ng silid na'to.Sana pininturahan nila ng sky blue o di kaya ay green para kahit papaano,matuwa ang mga pasyenteng maadmit dito diba?
Napatingin ang lahat sa pagbukas ng pinto at lumabas doon ang isang lalaking may katandaan na rin.Nakascrub suit at nakasabit sa leeg niya ang stethoscope.May salamin sa mata at marahang nakangiti ng magtama ang mga paningin namin pero kahit na gaano siya kagaling magtago,nakikita ko pa rin ang simpatya sa mga mata niya.
'I don't need your sympathy,doc.I need the results right now para matapos na'to.'
Gusto ko sanang sabihin kaso masyado namang bastos 'yun.After all,siya ang umalalay sa akin habang nandito ako sa ospital na pinagtatrabahuan niya.
"Mr and Mrs. Rodriguez?Pwede ko ba kayong makausap sandali?"
Tumango si papa at inalalayan si mama na halos hindi na makahinga sa pag-iyak.Binitawan muna sandali ni mama ang kamay ko kaya nakaramdam ako ng kakaibang lamig.Nanunuot sa kalamnan at parang bumaliktad ang sikmura ko.
Lumabas silang tatlo sa kwarto at nakikita ko ang anino nila sa labas ng pinto.Napabuntong-hininga naman si Ate Pau at nakita ko na ang ayaw kong makita mula sa kanya,ang mga luha niya.Ate Pau is a tough girl at hindi siya umiiyak dahil nagpapakita daw ng kahinaan ang mga patak ng luha,ayon na rin sa kanya.But right now,I can see my sister cry and break down like a shattered glass.
'Because of me.'
I tried to hug her and rest my head in the crook of her neck.Marahang yumuyogyog ang mga balikat niya na nagpapakitang umiiyak siya pero pilit niyang pinipigilan.I felt horrible for making my tough sister cry and make her vulnerable and also to make my parents shatter like a broken glass.
"I'm sorry,Ate Pau."
My chest tightens but I tried to calm myself.Hindi makakatulong kapag inatake pa ako ngayon.
"I'm the one who needs to say sorry,Pao-Pao.I'm sorry for breaking down in front of you,I should be the one standing up in this time of the day but here I am,crying like a kid."
Mas lalong umiyak si Ate Pau and I hated my self for making her cry.Simula ng mga bata kami,hindi ko kailan man nakita si ate na umiyak kahit na nga magkasugat-sugat pa siya.Sa aming dalawa,ako ang pinakamahina at iyakin at si ate ang parating nagpapatahan sa akin.Kaya nga idol ko siya,eh.Pero ngayon,ako na ang nagpapaiyak sa kanya.
"I'm sorry,I'm sorry."
'Yun lang parati ang sinasabi ni ate habang hinahagod ko ang likod niya.Hindi ko alam ang sasabihin ko.Napatingin ako sa itaas at lihim na nagdasal.
'Please God,if you want me to die,please don't make my family suffer for too long.Handa naman akong ibalik ang buhay ko sa'yo,eh,kung gusto Mo ngayon din mismo,eh.I just don't want to see my family crying over me.'
Sa kalagitnaan ng pagdadasal ko,narinig ko ang malakas na sigaw ni mama sa labas ng kwarto.Napakalas si ate sa yakap ko at agad na pinunas ang mga luha niya.Nagkatinginan kami at nagtatakang tumingin sa pinto.Patuloy pa rin ang sigaw ni mama at naririnig namin ang pagpapatahan ni papa.
"No!!Please doc,tell me you're lying!Please,hindi magandang biro 'yan!Hindi pa mamamatay ang anak ko!!"
'Yun lang ang kailangan ko para malaman na pinag-uusapan nila ang kalagayan ko.Nakakalungkot lang kasi nasanay akong makitang masaya ang pamilya ko pero biglang naging ganito.Umiiyak na sila at unti-unting nasisira dahil sa akin.
"Misis,maniwala ka,ayaw ko rin mangyari kay Pao ang lahat ng ito.Pero kailangan niyong malaman ang lahat ng possibilities kapag nagpatuloy pa 'to."
Alam ko ang mga 'possibilities' na sinasabi niya.Habang nandito ako sa kwarto'ng 'to,hindi ako pinatigil ng mga iniisip ko.I hate to say this but all of the 'possibilities'are just leading to one thing;death.Oo,I refuse to have a heart transplant para masalba pa ang buhay ko dahil sa isang dahilan;mamamatay din naman ako,napaaga nga lang.
"If she refuse to do the transplant,I hate to say this but she will not survive any longer,she have 4 months max to live if she refuses again."
'Yun lang at natahimik ang buong paligid.Bigla akong nabingi sa sinabi ng doktor.Nanlamig ang buong katawan ko at nakalimutan ko pang huminga.I can't feel my sister beside me,I can't hear my mother's scream nor my dad's angry voice booming in the four corner of the room.I'm just feeling my heart and how it tightens every second of a minute.I'm just hearing what my doctor just said awhile ago.
Tanggap ko ng mamamatay ako,pero bakit ganoon?Kahit anong gawin kong paghahanda,hindi ko pa rin matanggap na apat na buwan na lang ang natitira sa akin para mabuhay pa.I guess,paunahan lang siguro 'yan.Mawawala kaagad ang mabilis tumakbo at agad nakarating sa finish line ng buhay at ako ang taong 'maswerteng' nauna sa finish line.
'Ang saklap.'
BINABASA MO ANG
Last Heart Beat(GxG)
Romance"My wish is for you to live again,Pao." "But you know that I can't.I can't grant your wish Alice." "Of course you can,do you trust me?" I looked at her.Sobrang seryoso niya habang nakatingin sa akin. Tumango ako,pahiwatig na oo ang sagot ko.Niyakap...