Last Heart Beat
Chapter 6
Pao
Nagising ako sa mahigpit na yakap ni Alice.Napangiti ako dahil ramdam kong ayaw niya akong mawala.Bakit kasi ang bilis kong panghinaan ng loob?Napaiyak ko pa tuloy ang babaeng mahal ko.
Hinalikan ko ang namamaga niyang mga mata at ang ilong niyang bahagya pang namumula.Napangiti ulit ka ng gumalaw siya ng bahagya at humigpit pa ang yakap sa akin.Okay na ako sa ganito..
Naalala ko ang usapan namin 'nung madaling araw,napabuntong-hininga ako.Napahawak ako sa dibdib ko kung saan nakalagay ang tumitibok kong puso.
'Unti-unti ko ng nararamdaman ang panghihina ng katawan ko,magawa ko pa kayang lumaban?'
Napatingin ulit ako kay Alice na bahagyang nakanganga at naghihilik ng mahina.
'Salamat,Alice at binigyan mo ako ng lakas ng loob na lumaban.Pero hindi ko alam kung hanggang kailan ko kaya.Pero susubukan ko,susubukan ko ang lahat para maniwala na gagaling pa ako kahit na lokohin ko ang sarili ko basta makita lang kitang masaya.'
Dahan-dahan kong tinatanggal ang kamay ni Alice mula sa bewang ko at lumabas ng kwarto.Nagluluto na ng almusal si Ate Pau at pagkakita ko sa kanya ay niyakap ko siya mula sa likod.Nagulat siya at agad na tumalikod at ng makita niya ako ay niyakap niya rin ako pabalik.
"Buti naman at maayos na ang lagay mo,Pao.Wala na bang masakit sa'yo?"
"Wala na,ate.Salamat ha?"
Double meaning ang pagkakasabi ko,ngumiti lang si ate at niyakap ako ng mahigpit.Humiwalay na ako sa kanya at nagpatuloy na siya sa pagluluto at ako naman ay pinapanood ko lang siya.Sabay na lumabas sina mama't papa at katulad ng ginawa ko kay ate,niyakap ko rin sila na kinagulat nila.Nagpasalamat rin ako at masaya dahil nakita kong nakahinga ng maluwag sina mama.
Nagkuwentuhan ang lahat at naghain na si ate.Saktong paglabas ni Alice na nagkukusot pa ng mata niya.Nakangiti namin siyang sinalubong at sabay-sabay na kumain na kami.Para kaming isang malaking pamilya.Napakaaliwalas ng buong bahay ng mga sandaling 'yun.
Nakatingin lang ako sa buong pamilya ko at nagsisisi.Nagsisisi dahil ang bilis ko lang sumuko gayong lumalaban pa sila.Kung hindi ko siguro nakausap si Alice kagabi,hindi na magbabago ang nasa isip ko.
'Mamimiss ko silang lahat.'
Masayang nakangiti lang ako habang kuntentong kumakain kasabay ang mga mahal ko sa buhay.
'Maraming salamat po dahil binigyan Niyo po ulit ako ng isa pang araw para makasama sila.'
**
Ilang araw naging maayos ang pakiramdam ko.Hindi na ulit ako inatake na pinapapasalamat ko.Kahit ayaw nina mama,pinilit kong huwag magpaconfine sa kama ko.Lumalabas kami ni Alice at minsan namang lalabas kami kasama ang buong pamilya naming dalawa.Masaya ang lahat kaso natatakot ako na matapos ang lahat ng ito.
Kasalukuyang nandito kami ngayon sa bangin kung saan ako dinala ni Alice noong nagpicnic kami.Nag-aya lang akong pumunta dito para magrelax at lumayo lang sa realidad.
Nakaupo kami sa may ilalim ng puno at parehong nakasandal sa puno.Nakaakbay sa akin si Alice at marahang nagha-hum ng kantang parati niyang kinakanta sa akin.
(Insert lyrics ng You're My Sunshine)
Napapangiti ako habang nakapikit at nakasandal sa balikat niya.
"Mahal na mahal kita,Pao."
"I love you too,Lice.Till my last heart beat.."
"Hmm.."
BINABASA MO ANG
Last Heart Beat(GxG)
Romance"My wish is for you to live again,Pao." "But you know that I can't.I can't grant your wish Alice." "Of course you can,do you trust me?" I looked at her.Sobrang seryoso niya habang nakatingin sa akin. Tumango ako,pahiwatig na oo ang sagot ko.Niyakap...