Last Heart Beat
Chapter 8
Alice
"Paula!!"
Malakas kong sigaw.Wala na akong pake kung magising sina tita dahil ang mahalaga lang ngayon sa akin ay ang babaeng pinakamamahal ko.
"Paula,please gumising ka.It's not a good joke,mahal ko."
Bumuhos na ang matagal kong pinipigilang mga luha.Yakap ko lang si Pao habang umiiyak ako.Kung nakikita niya siguro ako ngayon,pagtatawanan ako 'nun.
"Mahal ko,please hang on.Huwag mo akong iiwan.."
Naalimpungatan sina tita sa sigaw ko at sa malalakas na pagtunog ng mga machines na nakakabit kay Pao.Nakita nila akong nakasampa sa kama habang umiiyak at yakap ang walang malay na si Paula.
"Patrick,tawagin mo ang doktor!!"
Nanghihina ako,hindi ko na makita ang paligid dahil sa mga luhang nag-uunahang tumutulo.Narinig kong humagulgol sina tita at ate pero hindi ko binitawan si Pao.Yakap ko lang siya habang nasa kabilang gilid ng higaan sina tita.
"Anak,lumaban ka.Anak,labanan mo 'yan.."
"Pao,please huwag mong iiwan si ate.Kapag nagising ka,pangako ko sa'yo!!Magsa-skydiving tayong dalawa at kahit gusto mo,mountain climbing pa sa Mt. Everest,eh.Lahat para sa'yo baby girl.."
Iyakan lang ang maririnig sa buong kwarto.Napatingin ako kay Pao na walang malay na nasa bisig ko.Inaalala ang mukha niya,kinakabisado sa huling pagkakataon.At hinalikan ko siya sa labi,wala na akong pake kung makita man nina tita,as long as I can feel her lips against mine,magkakaroon na ako ng lakas ng loob.
"I love you,mahal ko.Patawad.."
Dahan-dahan kong ibinaba si Pao sa higaan niya.Umalis ako sa pagkakasampa sa higaan at saktong pagbaba ko ang pagbukas ng pinto at nagsipasok ang mga doktor at nurse.Agad na nag-utos ang doktor na i-revive si Pao pero wala na akong masyadong maintindihan,naghalo-halo na ang lahat ng tunog at ingay na nasa kwarto.
Napahawak ako sa ulo ko at napalunok,iniinda ang sakit.Nakita ko pa ang doktor na nire-revive si Pao bago ako mawalan ng malay.
**
Pagmulat pa lang ng mga mata ko,nakita ko na kaagad ang puting kisame.Napabuntong-hininga ako at pilit iniinda ang sakit ng ulo ko.I looked at my side and saw my mom sleeping with her arms as a pillow.Napangiti ako,siguradong mamimiss ko silang lahat.
Umayos ako ng higa,not minding the throbbing pain in my head and get a piece of paper and pen.Sa nanginginig na kamay at nanlalabong mga mata,nagsulat ako.Nagpaalam kay Paula at humingi ng patawad dahil hindi ko na magagawa ang gusto niya.
'Pero siguradong magagawa niya ang gusto ko.'
Isipin ko pa lang na mabubuhay si Pao ay nagbibigay sa akin ng kakaibang lakas.Maisip pa lang ang maaliwalas niyang mga ngiti at ang mapupungay na mga mata,napapangiti na rin ako at napapagaan ang mabigat kong loob.
Saktong pagkatapos kong magsulat ng gumalaw si mama at magulat na makitang nakaupo na ako.
"Anak,kanina ka pa bang gising?"
"Hindi naman,Ma."
"May masakit ba sa'yo?Anong nararamdaman mo?"
Ngumiti lang ako dahil hindi ko kaya sabihing okay lang ako dahil grabeng sakit na ang nararamdaman ko.
"Ma,tara na?"
Nanlaki ang mga mata ni mama sa sinabi ko.Napaluha siya at napatakip sa bibig niya.
"Anak,sigurado ka na ba?"
"Opo,Ma.Tsaka may hihilingin sana ako sa'yo.."
"A-ano 'yun?Anak,kahit ano gagawin ko."
Malungkot na napatingin ako sa papel na hawak ko.Inabot ko 'yun sa kanya at nagtataka naman siyang inabot 'yun.
"Anak,ano 'to?"
"Ma,pwede bang pakibigay 'to kay Pao kapag may nangyari sa akin?Gusto kong makita niya 'to pagkagising niya."
"A-anak.."
Naglandas ang luha ni mama sa mga mata niya.Ilang sandali pa,tumango siya at niyakap ako.Mahigpit na mahigpit na parang nagsasabing huwag akong sumuko.
"Ma,gusto kong ibigay ang puso ko kay Pao kapag hindi naging successful ang operasyon."
"Anak,huwag mo namang sabihin 'yan,oh.Mabubuhay ka okay?Diba magsasama pa kayo ni Pao?"
Ngumiti lang ako kay mama at hindi na nagsalita.Pinikit ko na lang ang mata ko at hinayaang lamunin ng dilim.
**
Nalaman kong narevive si Pao pero hindi pa rin nagigising.Dinadalaw-dalaw ko siya sa kwarto niya sa hospital kapag wala si mama at kapag nakikita ako ni ate ay umaalis na ako.She tried to ask me kung anong ginagawa ko sa ospital at nakahospital gown pa ako,ngiti lang ang sinusukli ko sa kanya.
Bumabalik kaagad ako sa kwarto ko sa hospital para magpahinga kapag hindi ko na kaya ang sakit ng ulo ko.Palagi naman akong mahuhuli ni mama pero hindi naman na nagsasalita pa.Ngumingiti lang siya.
Isang linggo lang na ganoon ang routine ko at isang linggo na ring hindi nagigising si Pao.Dahil doon,naging desidido na ako sa desisyon ko.
'I will save you,Pao.'
"Tara na,anak?"
Tumango na ako at lumabas na ng kwarto.Ngayon ang araw ng operasyon ko at eto na rin ang huling araw na makikita ko si Pao.
Dumaan muna ako sa kwarto ni Pao at nagpaalam sa kanya pati na rin kina tita.
"Mahal na mahal kita,Pao.Mahal na mahal kita.."
Hinalikan ko siya sa huling pagkakataon at napapikit.Hinayaan ko na lang na tumulo ang luha ko sa pisngi niya.Hindi niya naman makikita,eh.
Ayaw na ayaw pa naman 'nun na makita akong umiiyak.
Lumabas na ako sa kwarto ni Pao at iniwasang mapatingin kina tita na malungkot ang mga mata.Nasabi na sa kanila ni mama ang lahat.
"Mag-iingat ka,Alice.Lumaban ka okay?"
Niyakap nila ako at napakagat labi ako,ayoko ng umiyak dahil mas nadadagdagan lang ang sakit ng ulo ko.
"Opo,maraming salamat,tita,tito,ate."
'Yun lang at naghiwalay na kami.Naglalakad na kami ni mama sa operation room ng bigla akong makaramdam ng pagkahilo,nasundan ng isang masakit na pakiramdam sa ulo ko at hindi ko napigilang mapahiyaw.Nasasabunutan ko na ang ulo ko habang napapaupo sa sahig dahil sa sakit.
"Anak!!Tulong!!Tulungan niyo kami!!"
Different footsteps was all I heared and my mom's crying face.The noises began to fade as my vision beguns to blurry before I closed my eyes and drifted to my last destination.
My Paula's smiling face viewed itself in my mind and I smiled,knowing she'll have that smile again.
BINABASA MO ANG
Last Heart Beat(GxG)
Romance"My wish is for you to live again,Pao." "But you know that I can't.I can't grant your wish Alice." "Of course you can,do you trust me?" I looked at her.Sobrang seryoso niya habang nakatingin sa akin. Tumango ako,pahiwatig na oo ang sagot ko.Niyakap...