Last Heart Beat
Chapter 3
Pao
Nagpatuloy ang araw at pinayagan na akong pumasok sa school after kong matengga sa bahay ng isang linggo.Nagpumilit talaga ako dahil hindi ko na kayang maburyo sa loob ng bahay dahil nasu-suffocate ako sa katahimikan.
Kinausap muna nina mama ang principal at ang mga teachers ko about sa kalagayan ko na thankfully,naintindihan naman nila.Hindi sana ako papayagan nina mama kaso sinabi kong ayaw ko na doon sa bahay kaya wala na silang nagawa kundi kausapin ang mga teachers ko.
At ngayon nga ay lunch na at kasama ko si Alice sa garden,dito kami parating kumakain dahil sariwa ang hangin at hindi maingay.Maganda rin ang ambiance ng lugar at feeling ko,nagde-date na kaming dalawa.
"Ahm,nga pala Pao may sasabihin ako sa'yo.."
Napatingin ako sa kanya at naibaba ang hawak kong kutsara.Seryoso ang mukha niya at parang nag-iisip ng malalim kaya napalunok ako.
"A-ano 'yun?"
"Pwede ba kitang ilabas sa sabado?"
Nagulat ako.Pinilit kong huwag ngumiti dahil ang seryoso niya.Napatikhim ako at tumango.Kinikilig ako but I keep it at mininum level,mahirap na.
"Talaga?Then susunduin kita sa inyo,ha?"
Masaya akong tumango at masaya ring tinapos ang pagkain ko.Parang gumaan na ang pakiramdam ni Alice kaya ngumiti na rin siya.Ganoon lang ang nangyari at nagulat na lang ako ng matapos na ang araw.Uwian na at nag-aayos na ako ng mga gamit ko ng kunin 'yun ni Alice at siya ang nagbuhat,nagulat ako.
"Akin na 'yan,'Lice.Kaya ko namang buhatin,eh."
"Hindi pwede,baka mapagod ka."
"Ieehh—"
"Huwag ng makulit,tara na?"
Wala na akong nagawa kundi kunin ang kamay niya at lihim na napangiti.Magkahawak-kamay na lumabas kami ng school at hinatid ako ni Alice sa amin,niyaya ko muna siya magmeryenda sa amin bago siya umuwi.
Mabilis na lumipad ang oras at nagising na lang ako na sabado na pala.Maaga akong nagising at nag-ayos,hindi ko naitanong ang oras kay Alice.Naligo kaagad ako at nagbihis ng pinakamagandang damit na nakita ko sa cabinet ko,syempre hindi naman 'yung oa.Nagmake-up ng kaunti at suklay,nagsuot ng doll shoes at ready to go na.
Lumingon ako sa pinto ng may kumatok.Hinintay kong magbukas 'yun at bumungad sa akin si ate na nakangiti ng makita ako.
"Nandyan na si Alice sa labas,sis.Goodluck sa date niyo.."
Napahagikhik ako at ngumiti kay ate.Alam ni ate na gusto ko si Alice dahil nangako kaming walang sekreto sa isa't-isa.Nagpaalam na ako sa kanya at lumabas ng bahay.Nakita ko kaagad si Alice na nakatayo sa gilid ng kotse niya.Kahit nakat-shirt at jeans at simpleng chucks lang ay ang ganda niya pa ring tingnan.
"AH,Goodmorning,Alice."
Bahagya siyang napanganga ng makita ako.Hindi ko tuloy maiwasang mailang at tinignan ang suot ko.
"Ahm,masyado bang formal ang damit ko?"
"No—I mean,you just look gorgeous with the dress."
Namula ako at napangiti,ayos naman at nagustuhan ni Alice ang damit ko.
BINABASA MO ANG
Last Heart Beat(GxG)
Romance"My wish is for you to live again,Pao." "But you know that I can't.I can't grant your wish Alice." "Of course you can,do you trust me?" I looked at her.Sobrang seryoso niya habang nakatingin sa akin. Tumango ako,pahiwatig na oo ang sagot ko.Niyakap...