5

592 20 0
                                    

Last Heart Beat

Chapter 5

Pao



Ang saya ko!!

Hindi pa rin ako makapaniwalang girlfriend ko na si Alice.Parang kailan lang,pinapantasya ko pa lang siya tapos ngayon akin na siya!Hindi ako makapaniwala,napaka-surreal ng feeling.Natatakot tuloy ako na baka nagi-imagine lang ako at hindi totoo ang lahat.

'Huwag naman sana.'

**

Nagising ako ngayong araw na nanghihina at hindi makagalaw.Kinabahan ako dahil ngayon na lang ulit nangyari sa akin ito.Naninikip na parang pinipisil ang puso ko at hindi ako makahinga.I tried to clutch my chest and breath but it's no use.

"Ma-mama.."

Nanghihina na ako,pilit kong inaabot ang gamot na nasa bedside table ko.Kaso hindi ko maabot.Nasagi ko pa ang alarm clock ko na nagbigay ng malakas na kalabog at nakarinig ako ng mabilis na mga yabag.Biglang bumukas ang pinto at nakita ko si ate na hinihingal pa at ng makita ang kalagayan ko ay agad siyang tumakbo papunta sa akin.

"Oh my god,Pao,what's happening?Can you breath evenly?"

I shook my head.Nanlaki ang mga mata ni ate at natatarantang kinuha ang bote ng gamot ko.Sa nanghihinang kamay ay inabot ko 'yun at ininom.Ate Pau frantically searched for her phone and called our mother and father.

Huminga ako ng malalim,makailang ulit hanggang sa umayos na ang paghinga ko.Hindi pa rin nagbabalik ang lakas ko at si ate naman ay nasa tabi ko lang.

"Oh Pao,please lumaban ka.Pao,labanan mo okay?"

I looked at her and didn't said anything.Ilang taon ko na ring nilalabanan ang sakit na'to kaso habang tumatagal,nanghihina ako at hindi ko na alam kung hanggang kailan ko kayang lumaban.Mahigpit na hinawakan ni ate ang kamay ko,takot na baka mawala ako bigla.

Nakahiga lang ako habang siya naman sa tabi ko ng makarinig kami ng sasakyan na tumigil sa tapat ng bahay namin at alam ko na ang mga magulang namin 'yun.Bumukas ng malakas ang pinto sa sala at sunod na bumukas ang pinto ng kwarto ko at nakita ko ang hinihingal na si papa at mama.Agad na lumapit sa akin si mama at niyakap ako.

"Anong nangyari,Pauline?"

Tanong ni papa.Hindi ko na narinig ang sinabi ni ate dahil mahigpit na nakayakap sa akin si mama,takot na mawala rin ako.

"Anak,pinakaba mo kami.Ano ng pakiramdam mo?Maayos na ba ang paghinga mo?Ano?May masakit ba sa'yo?"

Puro iling at tango lang ang ginawa ko.My body feels weak and I can barely move a muscle.Natatakot ako,kinakabahan.

Buong araw akong nakahiga lang at pinapakain nina mama.Bumalik si papa sa kumpanya na pinagtatrabahuan niya pero nagpaiwan si mama.Inalagaan nila akong dalawa ni ate at bandang hapon ay dumalaw si Alice.Gulat na gulat siya ng makita akong nakaratay lang sa kama at nanghihina.

Kahit halos wala akong lakas ay inassure ko siya na ayos lang ako.Nag-aalala siya pero hindi na pinahalata sa akin,siya na ang nag-alaga sa akin.Dito na rin siya natulog sa amin na pinayagan naman ni mama para may kasama naman ako.Sa kwarto ko natulog si Alice para madali ko daw siyang matawag kapag may kailangan ako.

'Ang swerte ko naman sa girlfriend ko.'

Gabing-gabi na at nakatingala pa rin ako sa kisame.Hindi ako makatulog dahil ayaw kong baka kapag nakatulog ako ay hindi na ako magising pa.Napatingin ako kay Alice na mahimbing na natutulog sa sahig,nakaakap siya sa unan na pinahiram ko sa kanya at nasa paanan niya na ang kumot.Napangiti ako dahil para siyang bata.

Last Heart Beat(GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon