10

710 20 1
                                    

Last Heart Beat

Chapter 10

Finale

Pao




One year later..

"Isang taon na rin pala ano?"

Nakatayo ako sa harap niya.Ngayon ang death anniversary niya ngayon at ako na lang mag-isa ang naiwan sa harap niya.Kanina pa nakaalis ang mga pamilya namin at hinayaan nila akong makasama si Alice ng matagal.

Umupo ako sa harap niya.Wala akong pakialam kung madumihan man ang damit ko,basta gusto kong makita siya ng maayos.

"Sinunod ko ang gusto mo,ha?"

Pinagpag ko 'yung mga dahon na napupunta sa kanya.Hinaplos ko pa ang picture niya na masayang nakangiti sa akin.Napangiti na rin ako kahit na nagbabadyang tumulo ang mga luha ko.

"Ano ba 'yan,parati mo na lang akong pinapaiyak."

Natawa pa ako at pabiro siyang hinampas.Kainis kasi,eh.Parati na lang akong umiiyak kapag napupunta ako dito.

Umihip ng malakas ang hangin at napayakap ako sa sarili ko.Inipit ko ang buhok ko sa tenga ko at ngumiti sa kanya.

"Kinuha ko 'yung course na pangarap nating dalawa,ha?Huwag ka ng magtampo,magiging doktor na rin ako at gusto kong maging masaya ka sa desisyon ko.Tsaka nga pala,si Ate Pau may boyfriend na.Mabait naman siya at magalang,boto nga sina mama't papa sa kanya,eh."

Napabuntong-hininga ako at napahawak sa lapida niya.Hinaplos-haplos ko 'yun at napalunok.

"Kung nandito ka sana,makikilatis mo 'yun,eh.Kung nandito ka sana,masaya rin sana ako.Pero hindi,eh."

Pumikit ako at huminga ng malalim.Pilit pinapasaya ang sarili,kinakalimutan ang sakit.

"Pero hayaan mo,Alice,magkikita rin tayo.Hintay ka lang diyan,ha?Huwag kang mainip sa paghihintay,"

Nagtuloy-tuloy ako sa pagsasalita at kinuwento ko ang nangyari sa akin sa buong taon na wala na siya.Parang kailan lang,kinakantahan niya pa ako,nasa bisig niya pa ako at hinahalikan.Ayoko ng umiyak dahil nangako ako sa sarili kong hindi na ako iiyak pero masisisi niyo ba ako?Nawala lang naman sa akin ang mahal ko at hindi na kailanman mababalik pa.

"Alice,please,guide me.Hindi ko na alam kung paanong panloloko sa sarili ang gagawin ko,kahit anong pigil kong huwag umiyak,hindi ko kaya,eh.Gabi-gabi umiiyak ako,hinihiling na sana ay panaginip na lang ang lahat.Hinihiling na mayakap ka at marinig ang boses mo,hindi ko pa rin kasi matanggap,eh."

Nagtuloy-tuloy na ang pagbagsak ng mga luha ko.Ang sakit,ang sakit-sakit.Nakakainis naman kasi si Alice,eh.Porket mahilig sa superheroes eh nagfeeling at niligtas ako.Nakakainis iya.

"Pero wala,eh.Kinuha ka Niya sa akin,kailangan ko na lang tanggapin.Pero huwag kang magagalit kung matatagalan ang pagmo-move on ko,ha?Biglaan kasi,eh.Nabigla ako,hindi ako handa.Parang pagpikit ko,nasa tabi pa kita tapos pagmulat ko,eto.Nakahiga ka na sa lupa,nasa tabi Niya at nakatanaw sa akin mula sa itaas."

Hingang-malalim.

"Alice,mahal na mahal kita."

Umalis na ako doon 'nung maggabi na,tumatawag na rin sina mama at pinapauwi na ako.Pagkalabas ko sa sementeryo ay lumingon muna ako sandali at bumuntong-hininga,pumikit ng mariin at nagmulat ng may ngiti sa labi.

Last Heart Beat(GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon