Prolouge

14 2 0
                                    

"I'll offer you something." Napairap ako ng marinig ko yan. Ano nanaman balak gawin ng taong 'to?

"What?! Siguraduhin mong matino yan kung hindi nakikita mo yang mga librong yan? Ipupokpok ko yan sayo." Napangisi naman s'ya sa sinabi ko. Problema ng isang 'to?

"Look. Wala na tayong magagawa. So, napag-isip-isip ko ba't 'di nalang natin totohanin?" Totohanin ang alin?

"What do you mean?" I asked him. Naguguluhan ako. Pinagsasabi ng lalaking 'to?

"Slow ka ba talaga o sadyang slow lang talaga? Totohanin natin yung sinabi ko kanina. Let's be a couple. Let's have a relationship."

Nagulat ako sa sinabi n'ya. Is he serious? 'Di ako makapagsalita pero maya maya lang ay humagalpak na ako ng tawa.

"HAHAHAHAHA. Are you insane? Nice joke. Ngayon ko lang nalaman na marunong ka palang magbiro." Sabi ko pa sakanya ng natatawa. Jusko. Ano pumasok sa isip nito?

"I'm damn serious." Napatigil ako sa pagtawa at napatingin sakanya. Seryoso nga ang mukha nya.

Lumapit s'ya sakin habang umaatras naman ako. Kinakabahan na 'ko. Mas lalo akong kinabahan ng maramdaman ko ang pader sa likod ko. Corner na 'ko. Shemay.

"Let's have a relationship. Argh mali. Let's have a relationtrip. Tutal nasabi ko naman na kanina at ang dami na ng nakawitness. Tingin mo ba maniniwala sila pag nag deny ka pa?" Ang lapit n'ya sakin. Pa'no ako makakapag isip ng matino nito? Sabagay may point sya. Nasabi na nya. At 'di din maniniwala ang mga tao kung idedeny ko pa.

"Fine. Let's have a relationtrip. Let's enjoy this nalang tutal nandito na din naman tayo."

Napangisi sya sa sinabi ko. Lumayo na din sya sakin at hinila ako sa isang lamesa dito saka hinila ang upuan at pinaupo ako. Pagkaupo ko ay umupo na din s'ya.

"Sooo, may rule ka bang ibibigay?" Tanong n'ya sakin. Nag isip naman ako sandali saka ako nagsalita.

"Konti lang sakin. No kiss. No hug. No akbay. No holding hands." Pagkasabi 'ko nyan ay tiningnan nya naman ako ng are-you-serious-look.

"Baliw ka ba? Sa'n ka nakakita ng couple na no kiss, no hug, no akbay at no holding hands?" Tanong nya saakin.

"But we're not a couple." Sagot ko naman sakanya.

"But we're going to pretend as if we're in a relationship." Napatahimik naman ako. Oo nga pala. Magpapanggap kami.

Ano ba kasi pumasok sa isip ko at pumayag ako dito? Pero tutal nandito na din naman kami, sabayan ko nalang trip nito.

"Fine. Okay na yung hug, akbay and holding hands. But yung kiss, pag kailangan lang. Pag kasama lang sa pagpapanggap natin."

"I can't promise that." Ngumisi s'ya at inirapan ko naman. Manyak neto.

"Oh ikaw? Anong rule mo?"

May nilabas naman syang papel at binigay saakin? Inabot ko yun at binasa.

Rule #1.

No one should know that we're just pretending. Let's act as if we're a real couple.

Rule #2.

You can't date anyone as long as we're in a relationtrip.

Rule #3.

Falling in love is allowed if that's what you feel.

Napataas ang kilay ko, ready-ng readu ata ang isang 'to? At napataas din ang kilay ko sa nabasa kong number three na rule.

"Falling in love is allowed?" Tanong ko sakanya.

"Nabasa mo naman ata d'yan ano?" Inirapan ko lang s'ya.

Wait. Ang gulo kasi. Unlike other couples that is pretending, bakit ito allowed ang mainlove?

"'Di ba parang kakaiba naman 'tong rule mo? Yung iba kasing nagpepretend, bawal ang mainlove."

"Iba naman sila sa'tin. Saka, kung ma inlove ka man, ba't mo pipigilan? At ba't parang curious ka? Is there a possibility that you'll fall for me?" Nakangisi nanaman 'to. Ba't ba ngisi 'to ng ngisi?

"Asa ka naman. Okay then. Payag ako sa rule mo. Pero parang nawalan ata ng silbi yung rule ko? Babaguhin ko nalang."

"Okay. Ano na ipapalit mo?"

"We're going to have a call sign." Nagtaas baba naman ako ng kilay ko.

"Are you serious? Isn't it cheesy?" Tanong nya sakin na parang nandidiri.

"Grabe naman 'to. Syempre as a couple, dapat may endearment tayo 'no."

"K fine. Ano namang tawagan yan? Just make sure hindi nakakasuka."

"Simple lang naman," sabi ko at ngumiti sakanya ng pagkatamis tamis. Nag aantay lang sya ng kasunod kong sasabihin. "I'll call you pillows and you'll call me mallows."

"What?! You're joking right?!"

"I'm not." Sabi ko sakanya at ngumisi. Oh God! I'm loving this. I know that he hates cheesy or corny or what. Hahaha. Ang saya saya! Nang mapansin na hindi pa rin sya nagsasalita, nagsalita na ako.

"Ayaw mo? K fine. 'Wag na natin ituloy 'to." Akmang tatayo na sana ako ng marinig ko s'yang magsalita na nagpangiti sakin.

"Fine mallows. Let's go. Malelate pa tayo sa klase natin." Hahahahaha. Halatang naiirita sya pero natutuwa ako e. Sorna :D

"Okay pillows. Let's go." Umirap nalang sya pero tumigil sa paglalakad.

"What?" Tanong ko sakanya.

"Let's make it official." Sabi n'ya sakin while looking straight to my eyes.

"Huh?" Naguguluhan kong tanong sakanya.

"I mean, let's make it official that we're just pretending. I'll start it," nag pause muna s'ya sandali at nagsalita din agad. "I, Seth Cameron Reyes, will going to be your fake boyfriend for - wait. Ga'no tayo katagal magpapanggap?" Tanong n'ya sakin. Hahaha. Panira e. Masyado na sana s'yang seryoso.

"I don't know. You decide it nalang." Sabi ko naman sakanya.

"Okay then," he paused. "I, Seth Cameron Reyes, will going to be your fake boyfriend as long as you want me to."

Naguluhan man ako sa 'as long as you want me to' n'ya, sinakyan ko nalang yung sinabi n'ya.

"I, Zia Bianca Santos, will going to be your fake girlfriend as long as you want me to, too."

Ngumiti naman s'ya sakin, wait, ngumiti sya? Himala. Puro ngisi lang naman ya'n e.

"Okay then, let's go mallows." Hila nya sakin palabas.

"Let's go pillows." At lumabas na kami para bumalik sa classroom namin.

Relationtrip No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon