Dinala ako ni Reyes dito sa tahimik na lugar. Sobrang peaceful. Medyo dim yung paligid at yung ilaw galing sa lungsod sa baba at ang ilaw na nagmumula sa buwan ang tanging nagbibigay liwanag. Nasa medyo mataas na part din kasi 'to.
"Hoy Reyes. Ang ganda naman dito. Ba't mo nga pala ako dinala dito?"
"Because I want to."
Bwisit talaga 'tong lalaking 'to e. Napaka argh!
Umupo lang kami sa ilalim ng puno. Walang nagsasalita. Nakakabinging katahimikan jusko.
"Ahm, Reyes?" Pambabasag ko sa katahimikan. Bakit ba? Kating kati na ang dila kong dumaldal e.
Tumingin lang siya sakin kaya nagsalita ako ulit.
"Kanino ka nagmana? Kasi, you know. Ang babait ng parents mo tapos ikaw ano, hehe, alam mo na."
"Am I that bad?" Tanong nya. Hala. Is he that bad nga ba? OO EH! YES YES! YOU'RE THAT BAD HAHAHAHA.
"Huh? Ahm, ata?" Unsure ko namang sagot pero sure akong you're that bad talaga e.
"I'm not a bad person. I just hate talking to someone. Especially when they're so loud. I feel irritated." Tungunu. Tagalog please.
"Then why are you talking to me? I know I'm loud so supposedly, you'll be irritated to me," Pati tuloy ako napapaenglish na. Bago pa siya makasagot, inunahan ko na siya. "Tagalog please." Pano ba naman kasi. English ng english. My bleeding is nose. Hahahaha.
He chuckled. HE CHUCKLED. OH LORD! He chuckled.
"Oo nga. Naiirita ako sa'yo. Ang ingay ingay mo," Nanlalait ba 'to? "But... I find you interesting." Sabi niya sabay kindat. Holy mother of frog, mother of horse and mother of pig. Kenekeleg eke enebe. Hahahaha joke lang.
Tumayo na siya tapos nilahad niya yung kamay niya para makatayo na din ako. Inabot ko yun.
"Let's go. Uwi na tayo. Nakauwi na din siguro ang parents mo. Ihahatid na kita."
Sumakay kami sa kotse niya tapos nagdrive na siya pauwi. Hmm? Anong lugar ba 'to? Malayo pa ba 'to sa bahay? Matutulog muna ako. Eym sleepy ye know. Ipinikit ko ang mata ko.
~
"Hey, are you sleeping?" Kinakausap ba ko ni Reyes? Tanga ba sya? Pano kung tulog nga ako? Tingin nya sasagot ako? Teka, nasan na ba kami? Nakahinto na tong kotse. Siguro nasa tapat na kami ng bahay. Pero dahil bet kong pagtripan 'tong si Reyes, mag tutulog-tulugan muna ako.
"You know what?," 'Di ko pa alam. Wala ka pa ngang sinasabi e. Bobo talaga neto. Hahaha. "I- I- tsk. Damn!" Bulong nya tapos nafeel ko siyang umiiling. Ilang minuto lang nakalipas, nagsalita siya ulit. "You're such a sleep oil." Sleep oil? Ano yun? SLEEP OIL? SLEEP OIL? TULOG MANTIKA?
"HAHAHAHAHAHAHA." Nasira plano kong magtulog-tulugan. Kasi naman, saang lupalop nya nakuha ang sleep oil?
"Tss. I knew it. You're acting as if you're still asleep but I know you're not so I decided to make you laugh. Oh God, I'm so genius." Woooh. Hangin. Kapit lang, Zia. Baka matangay ka.
"Defensive mo masyado Reyes. Napaghahalataan ka."
"Will you please stop calling me with my surname? Too formal."
"Okay. Anong gusto mong tawag ko sayo? Babe, Baby, Bebe Ko, Sweety pie, Apple pie, Pineapple pie, Mango Pie, Cheese cake, Chocolate cake, Milk cake?" Teka may milk cake ba? Hahahaha. Wala naman akong balak tawagin sya ng mga yan. Duh? Alam ko lang na he hates cheesy things so I decided to tease him. Mwahahaha.
"The fvck? What are you talking about?! Kilabutan ka please." Sabi niya sabay irap. Duh? Ayoko din ng mga ganyang tawagan 'no. Saka kinikilabutan ako Reyes, kung alam mo lang. Nakakatuwa lang talaga na asarin ka. Mwahahaha.
"Arte mo. Sige na, bababa na ako. Good night, Cameron.
Bumaba na ako sa kotse niya tapos pumasok sa bahay. Naghalf bath ako saka binura ko yung make up ko. Ayokong matulog ng may make up. Nakakasira ng feslalu. Pagkatapos kong mag half bath, nagbihis na ako ng pantulog. Nagpray na ako at pinikit ang mga mata ko.
~
Weekends had passed.
-MONDAY-
Umaga nanaman. Hays. Ginawa ko na ang mga routine ko saka pumasok na
Habang naglalakad sa hall way ng Harper High, nakatingin saakin ang mga tao with a smile on their faces. Ano pong nangyayari?
"BAKLAAAA!" Napalingon ako sa tumawag saakin.
"Oy, hello Charlie. Hi Joana. Good morning." Bati ko sakanila. Naglakad na kami papunta sa room.
"Hoy Zia. Magkwento ka naman about sa date niyo ni Seth last saturday night." Masiglang sabi ni Joana. Huh? Pano nila nalaman yun? Saka date? 'Di yun date ano.
"Hay nako girl. Tingnan mo 'to," inabot niya yung phone niya saakin saka ko tiningnan yung picture. Oh? Anong meron dito? Ito yung nakakapit ako kay Reyes habang pababa kami ng hagdan do'n sa venue nung party.
"Oh? Anong meron dito? Umattend lang kami ng party kasi nagtatrabaho parents ko sa company nila. May partyng naganap kaya nandyan ako." Sagot ko naman.
"Kalat yan girl sa campus. Ang dami nyo na ngang shippers e. Basta ako official BianCamer fan na ako. OMG." Sabi ni Charlito na may pakilig kilig effect pa.
"Akala mo ikaw lang? Ako din kaya. Woohoo! We're BianCamer Babies." Sinabayan pa ng super energetic, Joana Tan everyone.
"Hay. Kung ano ano pinagsasabi niyo. Tara na nga." Naglakad kami papunta sa room. Ang awkward kasi, ba't nakangiti sila? Huehue. Di ko sinabing umiyak sila pero ayoko ng ngiti nila e. May halong malisya. Big deal ba talaga yun? Di naman yun date e.
Napahinto kami sa paglalakad ng makita namin ang nagkukumpulang tao. Anong meron?
"SO ANO PO KUYA SETH? ANO NIYO PO SI ATE ZIA?" Tanong ng babae na siguro mga 2nd year palang.
Narinig ko ang maganda kong pangalan. Hahahaha. Tinulak naman ako nila Charlie na parang kinikilig kaya napatumba ako.
"ARAY!" Sigaw ko. Uh-oh. Nakatingin na sila sakin. What? Wala akong ginagawang masama. Tulog ako ng mangyari ang krimen.
"OMG! BianCamer!" Sigaw ng isang babae.
"Bagay talaga sila. Ghaaad!" Sigaw naman ng isa.
Hala? What's happening? Lumapit saakin si Reyes este si Cameron tapos inalalayan akong tumayo. Inakbayan nya ako saka nagsalita.
"Zia Bianca Santos is my...
Girlfriend." And with that hinila nya na ako. Naiwan yung mga tao dun na nagtitilian. Di ako makapagreact. Ano daw? Girlfriend?
Hinila nya ako papasok sa isang classroom na walang tao.
"Cameron naman. Ano ba yung pinagsasabi mo? Pano pag nalaman yun ng parents ko? Magagalit sila saakin alam mo ba yun?" Sabi ko ng maiiyak na. Kasi naman e!
"Don't worry. I'll explain it to Tita and Tito."
"Explain explain. Bwisit ka! Sinira mo ang tahimik kong buhay. Nakita mo yung ginawa mo? Bwisit. Kung ano ano kasi pinagsasabi mong butiki ka!"
Tumayo siya sa kinauupuan niya saka nagsalita.
"I'll offer you something."
BINABASA MO ANG
Relationtrip No More
RomanceA story about having a relationship. I mean, RELATIONTRIP.