Days passed by. Medyo nasasanay at nakakapag adjust na ako sa bago kong school. Nagiging super close na din kami nila Charlie at Joana to the point na yung pagkain nila, naaagaw ko na. Ganun naman pag magkaibigan na kayo diba? Wala ng hiya hiya. Hahaha. Gaya ngayon, nagpapasama si Charlie saamin ni Joana sa cafeteria. 'Di daw kasi sya nagbreakfast at nagwawala na daw ang dragon sa sinapupunan n'ya.
"Pilitin mo muna kooo~" Natatawang sabi ni Joana kay Charlie.
"Ay echoserang palaka. Kailangan gano'n? Wag kang choosy, 'di ka naman yummy." Inirapan ni Charlie si Joana. Natawa nalang kami.
"Tara na nga at baka lumabas na yang mga alaga mong dragon." Natatawa kong sabi kay Charlie. Pumunta kaming cafeteria at saka siya bumili ng makakain nya.
Pagbalik namin sa room, nagsisilabasan na ang mga kaklase namin. Luh? San pupunta ang mga 'to?
"Uy. Hi. San kayo pupunta?" Tanong ko kay Mr. Reyes na napag alaman kong Seth Cameron ang name. Ba't kaya ayaw nyang sabihin no'n? Maganda naman ang pangalan nya.
"Auditorium." Yun lang ang sinagot nya at lumakad na palayo. Tatanungin ko pa sana kung anong gagawin do'n kaso ayon na e, umalis na. Yung lalaking yun, parang laging meron. Init ng ulo parati.
"Oy mga bebe, doon daw tayo sa auditorium. May film showing na magaganap."
"Para san daw ang film showing na yan Joana?" Ano ba naman kasi ang konek ng film sa pag aaral namin?
"May form daw na ididistribute then sasagutan yung mga questions doon kaya dapat, manood tayo ng maigi."
"Ahhh. Eh anong movie naman daw? Live bang ipeperform o CD lang?" Tanong naman ni Charlie.
"Beauty and The Bestie daw."
"BEAUTY AND THE BESTIE?!" Sabay kaming napasigaw ni Charlie. Weh? Totoo? Seryoso? Yun talaga?
"Hahahaha. Joke lang. Ewan ko. 'Di ko alam. At para malaman natin. Halina kayo."
Hinila n'ya kami papuntang auditorium. Pag dating do'n, alphabetically arrange pa rin. Woah. By section pala 'to.
At dahil alphabetically nga, magkakatabi nanaman kami ng mga bruha.
Sinimulan na yung film showing. Story pala 'to ng mag jowa na nangakong forever na sila. Hanggang sa andaming naging trials at hindi nakayanan kaya sumuko yung lalaki. Dahil sa ayaw bitawan ng girl yung promise nya, naghintay pa din sya at after 10 yrs, nagpakita ulit yung boy at humingi ng tawad sa lahat. Nagawa nya lang pala yun dahil sobrang stress nya na sa pag-aaral kasi mataas ang expectations sakanya ng parents nya pero ginawa nya din yun para sa future nila ni girl. Naging sila ulit at saka kinasal. Nung papunta na sila sa new house nila, naaksidente yung sinasakyan nilang kotse at sabay silang namatay. Eternal love kumbaga kasi sabay silang namatay kaya parang natupad pa din yung promise nilang forever.
'Di ko namalayan na umiiyak na pala ako. Ba't ba, nakakaiyak e.
"Tss. Boring." Napatingin ako sa katabi ko. Sino pa ba ang katabi kong ganyan? Alangan naman si Charlito. Of course, Seth Cameron the mighty. Mwahaha.
"Hoy! Ano bang problema mo?!" Napatingin naman sya sakin. Halatang nagtataka.
"Baka ikaw ang may problema? Anong problema mo?" Tanong nya naman saakin.
"Problema ko yang problema mo. Pwede ba wag mo na yan problemahin para wala ng mamroblema? Kasi pag prinoblema mo yan,mamomroblema ka talaga."
"What?!" Iritang tanong nya.
"Ay jusko. Sa hinaba haba ng sinabi ko, ayan lang sasabihin mo? What-what-in kita dyan e."
"You know what? 'Di kita maintindihan. Bahala ka nga dyan." Aba. Ako pa? Ako pa ang hindi maintindihan? May sapak talaga sa ulo ang lalaking 'to.
BINABASA MO ANG
Relationtrip No More
RomanceA story about having a relationship. I mean, RELATIONTRIP.