Trip 4

6 1 0
                                    

Hi guys. I'll change Seth's name. Seth Cameron Reyes na po ang name niya ngayon. :) Okay, enjoy reading! :) (Kung sakaling may nagbabasa neto :D)

--

Zia Bianca's Point of View

Nagising ako na nasa loob ng isang kwarto. Hala?! Anong nangyari?! Inalala ko ang mga pangyayari kanina at naalala kong kasama ko nga pala si Reyes. KASAMA KO SI REYES!

Tiningnan ko ang mga damit ko. Kompleto pa naman. 'Di naman ako nahubaran. Nasaan ba ako? Imposible namang hospital 'to. Duh? Wala namang nangyari sakin.

Napalingon ako sa pinto ng may narinig akong pag pihit nito.

"Oh. You're awake." Oh? Anyare dito? Ba't nakaformal attire 'to?

"Anyare? Sa'n lakad mo?" Tanong ko sakanya ng may pagtataka. Kasi naman, ba't ang gwapo niya ngayon? Este ba't napakaformal niya?

Napalingon nanaman ako sa pinto ng may dalawang babae at isang bakla ang pumasok dito sa kwarto.

"Hello sir. Siya po ba yung aayusan?" Tanong ng babae na may hawak na malaking box. Luh? Aayusan na ano? Ano nangyayari sa mundo?

"Yes. Yung simpleng ayos lang. Yung bagay sakanya. Kayo na ang bahala," sabi nito sa tatlo pagkatapos ay tumingin sakin, "Hey. Pupuntahan nalang kita dito mamaya. 'Wag ka ng magulo at magpaayos ka nalang sakanila. I'll see you later." Sabi nito pagkatapos ay lumabas na.

"Hello po Ma'am. Halina po kayo dito. Aayusan na po namin kayo." Napatingin ako kay ate girl na nagsalita.

"Ah, hehe. Hello po ate. Para sa'n po ba 'to?" Naguguluhan kong tanong.

"Basta po ma'am. Halika na dito. Baka mapagalitan kami ni sir pag hindi namin inayusan ang girlfriend nya." Sabi nung bakla. Girlfriend? Luh?

Wala na kong nagawa kaya sumunod nalang ako. Yung bakla ang nakatoka sa hair ko. Yung isang girl sa make up and yung isa naman ang nag pedicure at nagmamanicure saakin.

After an hour, natapos na din ang pag aayos saakin. Nakacurl ang hair ko, big curls. Light lang din naman ang make up ko. Yung color naman ng cutics ko is white lang pero ang fab tingnan.

"Ma'am, ito po yung earrings, bracelet and necklace nyo." Inabot naman sakin ni ate girl yung maliit na box. Kinuha ko yun at binuksan.

"Ate, para sa'n po ito?" Tanong ko kay ate kasi seriously, wala akong maintindihan sa mga nangyayari.

"Isuot nyo nalang po ma'am. Ito naman po yung dress na susuotin nyo and nandito din po yung shoes nyo." Turo naman ni ate sa malaking box na nakapatong sa kama. Tumango nalang ako. Lumabas na din sila para makapagbihis na daw ako.

Binuksan ko yung malaking box at kinuha yung dress na nandon. Sinuot ko na ito at tiningnan ang sarili ko sa salamin. Fitted and sleeve less itong red dress. Okay naman, hindi masyadong maiksi. Above the knee ito.

Kinuha ko naman yung red din na shoes na susuotin ko. Infairness, keri ko naman ang taas nito.

Tiningnan ko yung sarili ko sa salamin. Wow. Ako ba talaga 'to?

Napalingon ako sa pinto ng may kumatok dito. Pinuntahan ko ito at binuksan.

Oh. Si Reyes pala. Nakatingin lang ito saakin at 'di nagsasalita. Hays. Natulala sa beauty ko. Hahahaha joke lang.

"Oh. Anyare sayo? Nastroke ka?" Pabiro kong tanong sakanya.

"Infairness, nagmukha kang tao." Sagot naman nito saakin.

"Hoy! Kapal mo ah. Bakit? Mukha ba akong aso dati?"

"Hindi. Mukha kang unggoy." Argh! Inis. Inirapan ko nalang sya. 'Di naman ata ako mananalo sa isang 'to.

Relationtrip No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon