Trip 1

12 0 0
                                    

Zia's Point of View

"ANAAAK! BUMANGON KA NA D'YAN. FIRST DAY OF SCHOOL BAKA MALATE KA." Nagising ako dahil sa sigaw ng mama ko. Hays. I hate this. I wanna sleep more. Pero wala akong magagawa, it's first day of school.

"OPO MAAA. BABANGON NAAA." Sigaw ko din pabalik.

Tumayo na 'ko at pumasok sa CR. Naligo at nagbihis. Konting ayos lang then bumaba na 'ko para magbreakfast.

"Oh anak. Kumain ka na." Sabi ni Mama at sinandukan na 'ko ng kanin. Nagningning ang mata ko ng makita ko kung ano ang ulam.

"Corned beef. Oh my God. Sige Mama kakain na po ako."

Ewan ko kung bakit pero kapag corned beef ang ulam e tuwang tuwa ako. Idk why. Ang abnormal ko lang.

Pagkatapos kumain, tumayo na 'ko at nagsipilyo. Nakakahiya naman na baka may kumausap sakin doon tapos amoy corned beef ang hininga 'ko. Nakakahiya yo'n diba?

Pagkatapos magsipilyo, nag ayos muna ako ng konti saka pumasok sa school. Nag tricycle lang ako since wala naman kaming kotse. 'Di kami mayaman pero 'di din mahirap. Nakakakain naman kami 3 beses sa isang araw pero dahil medyo matakaw ako, minsan limang beses sa isang araw ako kumakain. Natutustusan din ng mga magulang ko ang ibang luho namin. For example, cellphone tapos nagpakabit ng wifi sa bahay. Mga ganun lang. We're not super rich.

Huminto ang tricycle saka ako bumaba. Nagbayad na 'ko saka humarap sa eskwelahan na papasukan ko ngayon.

Harper High

Transferee ako this year. Kung kelan 4th year na 'ko saka naman ako nagtransfer. Kasi naman, lumipat kami ng bahay kasi mas malapit ang tunitirhan namin ngayon sa pinagtatrabahuhan ni Mama saka Papa. Malayo naman dito yung dati kong school kaya nagtransfer nalang ako.

Pumasok na ako sa loob at dumeretso sa isang office para kunin yung ID at malaman ko na din kung anong section ako.

Kumatok muna ako. Nakakahiya naman kung bubuksan ko kaagad ang pinto. Maya maya lang may sumagot na na pumasok daw ako kaya pumasok na 'ko.

"Hi Ma'am. Good morning po. Ako po yung transferee. Kukunin ko lang po sana yung ID saka itatanong ko na din po kung anong section ako." Sabi ko sa teacher na nasa harapan ko.

"Good morning hija. You're Ms. Santos right? Here's your ID and yung section mo, you belong to 4A."

Nagpathank you ako at umalis na saka hinanap yung room ko. Nakakita naman ako ng nakapaskil sa pinto na nakalagay '4A' so I guess dito ang classroom ko.

Kumatok ako at pumasok. Holo. Nakatingin silang lahat saakin. Nekekeheye enebe. Pero seryoso, nakakahiya.

"Hi po. Good morning. Ito po ba ang 4A?" Tanong ko sa teacher.

Ngumiti naman sya at nagsalita.

"You're Ms. Santos, the trasferee, are'nt you?"

"Yes Ma'am. Ako po yun." Sagot ko naman.

Ngumiti nanaman sya. Palangiti naman 'tong si Ma'am. 'Di ba nangangawit ang panga nya? Pero mas okay na yan kesa terror. I hate terror teachers.

"Kindly introduce your self here. C'mon Ms. Santos."

So pumunta ako sa harap at inintroduce ang sarili ko.

"Good morning, everyone. I'm Zia Bianca Santos." Yun lang ang sinabi ko at ngumiti. Kinakabahan din kasi ako.

"Okay Ms. Santos. You can sit beside Mr. Reyes since alphabetically arrange ito and alternate ang boys and girls." Sabi ni Ma'am.

Hinanap ko naman kung sino man ang nagngangalang este nag aapelyidong - or may apelyidong Reyes. Sumigaw naman ang bakla sa may bandang likuran.

Relationtrip No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon