Trip 3

3 0 0
                                    

Zia Bianca's Point of View

Nag aayos ako ng sarili ko kasi pupunta akong mall ngayon. Nagyaya kasi si Charlito at Joana tutal sabado naman.

"Zandra, 'di ka ba talaga sasama? Wala kang kasama dito."

"Hindi na ate. Nagpaalam na din naman ako kay Mama na pupunta ako kanila Yna mamaya."

Tumango nalang ako sakanya saka pumunta sa sakayan ng cab. Habang naglalakad, naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko.

From: Dyosang Charlie (Wala na 'kong nagawa. Siya na nagsave ng number nya sa phonebook ko. 'Di ko nalang pinalitan. Haha.)

Girl, uso mag madali. Kanina pa nag aantay ang beauty ko ditey. Buti si Joana bebe walang beautyng masasayang. Bwahaha.

Baliw talaga tong si Charlito. Nireplyan ko nalang sya at sinabing papunta na 'ko.

Pag dating sa sakayan, sumakay na 'ko sa cab. Maya maya lang din, nakarating na ako sa mall.

Tinext ko si Charlito at tinanong kung nasa'n sila. Habang nag hihintay ng reply, nagpatuloy nalang ako sa paglalakad habang nakatingin sa cellphone ko.
Napahinto nalang ako ng tumama ang ulo ko sa poste. Anobayan. Tanga naman ng gumawa ng mall na 'to. Poste nasa gitna. Tiningala ko ang ulo ko at hindi poste ang nakita ko. Si forever este si Reyes.

"Uso tumingin sa dinadaanan." Sabi nito saakin.

"Duh? Kung nakatingin ka din sa dinadaanan mo edi sana nakita mong naglalakad ako at 'di tayo nagkabunggo." Sabi ko naman sakanya saka sya inirapan.

"Pasalamat ka nga hinarang kita. Kung hindi, nabangga ka na dyan." Tinuro n'ya naman yung stall sa mall.

Ah. So nakatingin pala talaga sya. Hays. Ako talaga ang hindi. My bad.

"Ah hehe, sorry." Sabi ko sakanya at nag peace sign. Akmang maglalakad na 'ko para hanapin sila Charlie nang magsalita sya ulit.

"Sa'n ka pupunta?"

"Ahm, ano. Hahanapin ko sila Char-"

"GIIIRRRLLL. TARA NA DITEY." Napalingon ako sa sumigaw. Si Charlie pala. Pero, sumigaw sya sa mall? As in sa MALL? Jusko, ilayo nyo po sakin yan. Di ko yan kilala. Hahaha.

Tumingin ako kay Reyes saka nagsalita, "Una na ko. Nando'n pala sila Bakla. Sorry ulit. Sige, babush eklavush."

Pumunta na 'ko kung san nandon sila Joana't Charlie.

"Oy girl, ano yon? Magkasama kayo ni fafa Seth?" Tanong sakin ni Charlie na kinikilig.

"Ikaw Zia ha. Infairness, bagay kayo." Tukso naman ni Joana habang tinutusok pa 'ko sa tagiliran ko.

"Ano ba kayo. Nabangga ko lang yung tao. 'Di kami magkasama 'no." Depensa ko sakanila.

"Uyyy. Nabangga nya. Pinagtagpo sila ng tadhana." Tukso nanaman ni Joana.

"Bagay talaga kayo bakla." Sabi naman ni Charlie.

So bakla na tawag nya sakin ngayon? Hindi na girl? Hahaha.

"Ano kaya magandang pangalan ng loveteam nyo?" Napahinto sandali si Joana saka nagsalita. "Alam ko na. ZiSeth or BianCamer."

ZiSeth? BianCamer? BWAHAHAHA. Ang baho. Anyways, ba't ko ba yan iniisip? Jeske.

"Gaga ka. Ang pangit naman. ZiMer nalang. Diba? First name ni bakla tapos second name ni fafa Seth." Sabi naman ni Charlie.

"Ah basta. Kahit ano. ZiSeth, BianCamer, ZiMer o SeIanca pa yan. Basta, shipper na nila 'ko." Sabi ni Joana with matching hampas kay Charlie.

Relationtrip No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon