Trip 7

3 0 0
                                    

Zia Bianca's Point of View

Pagkabalik namin ni Pillows (eww) sa room, kinulit na ako nung dalawa.

"Ano ngaaa Ziaaaa. Sabi mo wala lang yooon." Sabi ni Joana with matching papadyak padyak pa ng paa.

"Oo nga baklaaaa. Denial ka pala e." Sabi naman ni Charlie.

"A-ano, ahm, narealize ko kasi na mahal na mahal ko pala ang Pillows ko." Sabi ko sabay tingin kay Cameron. Sa totoo lang, nandidiri ako sa endearment namin. Although ako ang nagrequest. Malay ko bang papayag yan saka para mas thrill na din ang relationtrip namin 'no. Mwehehe.

"PILLOWS?" Sabay na tanong nung dalawa. Pati sila 'di makapaniwala e.

Sasagot na sana ako kaya lang naunahan ako ni Cameron. "Yes, I'm his Pillows, and she's my Mallows."

Pagkasabing pagkasabi nun ni Cameron, tumili yung dalawa. Tsk tsk. Ang ingay nila. Pati tuloy mga kaklase namin nakatingin na, buti nalang wala si Ma'am.

"OMG. Iaupdate ko 'tong endearment nila sa fansclub natin."

"Tama ka Joana bebe. Panigurado, magwawala ang mga BianCamer babies."

Napailing nalang ako sa dalawa. Napatingin naman ako sa katabi ko.

"Stop staring. I know I'm handsome Mallows."

"Yuck." Sabi ko sakanya saka ko sya inirapan. Lakas ng hangin sa katawan neto e. Ilang aircon ba nilunok neto?

"Ihahatid kita mamaya. Para masabi na din natin kila Tito at Tita." OMG. Nagtagalog syaaa.

"Huh? Dapat lang! Ikaw na butiki ka ang magpapaliwanag kay Papa ng lahat ng 'to."

"I know. Kaya nga ihahatid kita diba? Unggoy!" Aba?! Anong unggoy?!

"Kabayo!" Sagot ko sakanya.

"Crocodile!" Abaaa! Bwiset! Anong crocodile?!

"Mukha kang tipaklong!" Ganti ko sakanya.

"You look like an ant!"

"Duh?! Ano namang itsura ng langgam?!" Ang ganda naman pala ng langgam kung kamukha ko jusko.

"OH MY GOD! OUR OTP IS REAAAL!" Napatakip ako sa tenga ko at nakita ang nagkukumpulang tao sa gilid namin. Oh God. Ano 'to?

"Oh, bakla at fafa Seth. Naririto ang mga fans nyo."

"Fans?!" Sabay na tanong namin ni Cameron.

"Opo. Ano po kasi, sobrang kinikilig kami sainyong dalawa. BianCamer Babies po kami." Sabi nung isang babae.

"So Mallows, we already have a babies here." Napatingin naman ako kay Cameron saka ko siya hinampas.

"Magtigil ka nga dyan Pillows."

"What? They said that they're BianCamer Babies. They're our babies."

"Nyenye!" Makatwiran ang lalaking 'to. May pinaglalaban.

"OMG. Na BianCamerZoned tayooo." Sigaw ni Charlie.

"Hoy Charlito. Pinagsasabi mo?" Tanong ko sakanya. Ano naman kasing BianCamerZoned?

"Ano ka ba bakla! BianCamerZoned. Yung tipong, akala nyong dalawa kayo lang ang nasa mundo kaya 'di nyo namalayang nag eexist kami. Parang na-out of place kami pero huhu kakilig!" Jusko. Pauso ni Charlito.

"Ahhh. Ganun ba yun?" Sabi ko sabay kamot sa batok, "Sorry." Patuloy ko saka nag peace sign. Naout of place pala sila.

"Okay lang po yun ate Zia. Nakakakilig nga po kayo e. Sige po, mauna na po kami. Baka naglelesson na si Ma'am. Eto po kasing si Vice Pres Joana e, inupdate kami sa endearment nyo kaya pumunta kami agad dito."

Relationtrip No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon