Trip 8

2 0 0
                                    

Zia Bianca's Point of View

Nagmamadali akong kumain ngayon dahil baka malate ako. Kasi naman, 'di ako nakatulog ng maayos kagabi. Ayan tuloy, bangag ako ngayon.

"Mama, mauna na po ako. Baka po kasi malate ako at maabutan ng traffic."

"Sige anak, ingat ka ha?"

"Opo Mama. Kayo din po. Pa, Zands, una na po ako." Paalam ko sakanila saka lumabas ng bahay.

Paglabas ko ng bahay, nagulat ako ng makita ko si Cameron na nakasandal sa kotse niya.

"What took you so long?" Inis na tanong niya.

"A-ah, ano, late na kasi akong nagising. Ba't ka nga pala nandito?"

"I'm fetching Tito and Tita." Sarcastic niyang sabi saka umirap.

"Ah ganon ba? Nandon pa sila sa loob. Sige, mauna na ako ha? Baka malate pa 'ko e. Byeee." Akmang lalakad na ako palayo ng hilahin niya yung braso ko.

"Psh. Stupid. Are you really my girlfriend?"

"Huh? Inaano ba kita? Totoo namang nandon pa sila Mama sa loob. Sinusundo mo sila diba?"

"Don't you know what sarcasm is?"

Napaisip ako sa sinabi niya.

"Ahhh. Hehe, sorry. Bangag ako ngayon e."

"Why? I told you not to think too much of me."

"Umagang umaga ang yabang mo. Psh, tara na nga. Malate pa tayo."

Binuksan ko yung pinto ng kotse niya saka sumakay sa shotgun seat. Sumakay naman siya sa driver's seat.

Tahimik lang kami sa byahe. Inaantok ako. Ayoko ng umidlip dito, mabibitin lang ako.

Pagdating sa school, dumiretso na kami sa room namin.

"Wow. Magkasama ang magjowa. Good morning bakla, good morning fafa Seth." Sabi ni Charlie pagkakita nya samin.

Nginitian ko lang siya. Wala talaga ako sa mood. Inaantok ako.

Dumating na si Ma'am at nagdiscuss. Wala akong maintindihan. Inaantok talaga ako.

"Mallows, are you on drugs?" Tanong sakin ng katabi ko.

"Huh? Pinagsasabi mo?"

"Your eyes are creepy. It's red."

"Inaantok ako Pillows, wag kang ano."

Natahimik naman siya pero maya maya lang, tinaas niya yung kamay niya.

"Yes Mr. Reyes? Any problem?" Tanong ni Ma'am. Oo nga, problema neto?

"Ma'am, can we go out? My girlfriend is sick." Sabi niya sabay tingin sakin. Tiningnan ko din siya ng nagtataka kaya tiningnan niya ako ng 'sumakay-ka-nalang' look.

"Masama ang pakiramdam mo Ms. Santos?" Tanong sakin ni Ma'am. Oh yes, alam ng teachers namin na mag on kami.

"A-ah, opo Ma'am. Nahihilo po ako." Sinakyan ko nalang si Cameron gaya nga ng sabi niya. Masunuring girlfriend ako. Naks.

"Okay, take her to the clinic Mr. Reyes. Ako na ang bahala sa excuse letter niyo para sa susunod niyong teacher."

Tumayo na si Cameron at inalalayan akong lumabas.

"Hoy. Anong palabas yun?" Tanong ko sakanya ng medyo makalayo na kami sa room.

"You said that you're sleepy so I'm taking you to the clinic so you're able to sleep."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Relationtrip No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon