Chapter 9: Welcome Party (2)

1.3K 16 6
                                    

Chapter 9: Welcome Party (2)

[Keya POV]

Nagsimula na ang Welcome Party naming tatlo at si Summer ang nanguna sa lahat. Grabe din pala itong si Summer kung magplano ng Party sobrang saya siya na siguro ang Empress of Party!

Hindi ko din akalain na magkakasundo kaming lahat agad, si Kyle nakikipagtawanan sa mga boys, kami ni Elise nandito kasama ang iba pang girls, sila Summer, Mint at Jessie. Tama talaga ang sinabi ni Summer magkakasundo talaga yung dalawang bookish, aba akalain niyo ang dadaldal pala nila...hahaha

"So, anong whole name niyo?"taong ni Summer sa amin ni Elise, nandito kami ngayon sa sahig ng sala at nagkwekwentuhan ng kung ano ano.

"Keya Jestine Mae Santos"

"Elise Santiago"

"Ang haba naman ng name mo Keya..."gulat na sabi ni Summer

"Ewan ko ba kung bakit ganito yung name ko..si Mama kasi yan..hahaha"

"But you've got a nice name, you too Elise"sabi ni Jessie sa amin ni Elise

"Thank you..madami na din nakapagsabi niyan sa akin"

"Ikaw nga din Jessie"sabi naman ni Elise"Diba Jessie Alexien Yllana name mo?"

"Yup^__^"ang cute naman ni Jessie..

Ibang iba talaga sila sa akala ko..si Summer na kinaiinisan ko dahil napakafashionista ay masayang kasama, si Mint na isip bata ay sobrang cute at enjoy kasama hindi ka mauubusan ng topic dahil sa  kanya si Jessie na nawiweirduhan ako dati napakadaldal katulad ni Elise.. hahaha ang saya nilang kasama.

Lunch time na kaya naman kaming mga girls ay sinet na ang table pagkatapos ay tinawag na ni Summer ang mga boys.

"LET'S EAT!!!"masayang tawag ni Summer sa kanila

Nagmamadali sila Zero at Rex sa pag-upo kaya naman medyo nagkaroon pa ng tulakan.

"Hoy! magsiayos nga kayo kundi babatukan ko kayo!"sayaw ni Summer sa kanila

"HAHAHAHAHAHA!! bukol!HAHAHAHAHAHA" ibang klase din itong si Mint nuh? lakas ng topak sa ulo tawanan ba naman sila Zero dahil napagalitan..

Nagtawanan lang kami dahil dito kay Mint.

"SIYA KASI!"nagturuan pa ang dalawa..ang cute ni Rex!! mas lalong tumawa si Mint dahil nagtuturuan pa sila na parang bata.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

"Shut up Mint"sagot naman nitong si Zero na nairita na

"bleh..don't wanna"pang-asar ni Mint"Pikon! HAHAHAHA!"

"pikon pala ha?"biglang inagaw ni Zero ang teddy bear ni Mint kaya naman nagwala ni Mint.

LIAR [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon