Chapter 26: Awake

1.1K 20 3
                                    

Thank you sa pag-add ng story ko sa RL mo ^__^

Sana magustuhan niyo yung UD ko ngayon :)

===================================================

Chapter 26: Awake

[Zero POV]

Lahat kami ay nasa labas ng ER ngayon at hinihintay ang paglabas ng Doctor mula sa loob.

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Nakatingin lang ako doon sa pinto ng ER, binabantayan kung lalabas na ba ang doctor.

Lahat kami dito hindi mapakali.

Nakaupo lang ako malapit sa door ng ER katabi ko si Jess. Si Rex naman nasa tabi ni Keya at pilit na pinapakalma. Kanina pa din hindi mapakali si Keya at mukhang galit na galit din.

Si Alex nakatayo at nakasandal lang sa pader at minsan ay tinitingnan ang relo niya. Si Summer naman kanina pa lakad ng lakad. Hindi mapakali.

"Ano ba Sum! Ako ang nahihilo sayo!"reklamo ni Kyle na ngayon ay napatayo na"Calm down!"

Hinawakan niya yung shoulder ni Sum.Humarap naman si Sum sa kanya.

"Sorry kung nahihilo ka!! pero masisisi mo ba ako kung nag-aalala ako para sa bestfriend ko?!! HA KYLE??!!"sigaw ni Sum na nagpagulat dito.

"Bestfriend ko yung nasa loob!!"sabay turo sa ER"Isa sa mga barkada natin ang nasa ER!!"

"Calm down Sum! Wag naman kayong mag-away!!"sabat ni Jess.

Niyakap na ni Kyle si Sum para pakalmahin.

"Sorry baby.."sabay himas sa buhok"..Everything will be ok..diba ikwekwento mo pa kay Mint ang love story nating dalawa?..magigising si Mint. OK?"tapos hinalikan niya si Sum sa noo.

D@MN IT!!

This is all my fault!

Bakit ba kasi ako pumunta pa?..

AHHHHHRRRGG!!

because of me, nasa kritical na kondisyon si Mint!

"I'm sorry guys..It's all my fault.."yuko kong sabi.

LIAR [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon