Chapter 42: ALIS!!

1K 13 1
                                    

Chapter 42: ALIS!!

[Third Person's POV]

Matapos ang paghihintay nila sa labas ng ER ay lumabas na ang doktor at hinarap silang lahat.

"Ligtas na ang pasyente.."ngiting sabi nito.

Nakahinga na ng maluwag sila pero maliban sa mag-asawa at sa kambal. Ligtas na nga si Keya sa kapahamakan pero sa paggising ni Keya ay hindi nila alam kung ano ng mangyayari. Kung papaano nila ito sasabihin kay Keya.

Nilipat na si Keya sa isang kwarto. Ang REAL DAD naman ni Keya na si James Periera (sorry mali ang spelling ng last name ni James sa isang chap. XD) nasa ibang kwarto din at nagpapahinga. Medyo nahihilo kasi ito.

Nasa loob ng kwarto ang foster parents ni Keya at binabantayan ito. Sila Alex naman ay nanatili sa labas. Kahit tulog pa si Keya ay wala pa ding lakas ng loob na pumasok si Alex. Kinakabahan kasi ito.

"Wala ba kayong balak na silipin sa loob si Keya?"tanong ni Summer

"Oo nga..Just one glance?"dagdag din ni Mint.

Umiling lang si Alex.

"I don't have the strenght to face her.."sagot nito.

"Sabihin na nating naduduwag kami, pero sa lagay niya ngayon. Alam kong kasalanan namin ito..kung bakit siya nasa ganyang kalagayan.."sabi ni Rex.

"Yeah right. Kasalanan niyong dalawa.."biglang singit ni Peter."But what you're doing right now is not the right thing."dagdag p nito.

"Tama si Peter. Pumasok na kayo sa loob at tingnan si Keya. Wala namang masama kung sisilipin niyo siya diba?"sabi ni Zero.

"As long as you know na mali kayo..sapat na yun.."dagdag din ni Elise.

"We all know na hindi niyo gusto ang mga nangyari, pero dapat niyong harapin kung anong man yung mangyayari..andito lang kami.."-Jess.

Natahimik ang dalawang kambal sa mga sinabi ng kanilang mga kaibigan.

Huminga muna sila ng malalim bago pumasok sa loob ng kwarto ni Keya. Si Rex ang bumukas ng pinto at sa likuran naman niya si Alex.

pagkabukas ng pinto ay nakita nila ang Mama ni Keya na nasa tabi ng hospital bed. Ang Tatay naman ay nasa may sofa. Pinapasok naman sila.

LIAR [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon