Chapter 49: DANGER!!

1K 15 3
                                    

Eto na po ang chapter 49 :)) Thanks a lot sa suporta !!

========================

Chapter 49: DANGER!!

[Keya's POV]

30 mins. na lang at uwian na nila.

Andito ako ngayon sa labas ng main gate. Hindi kasi pwedeng pumasok ang mga OUTSIDER.=___= Hindi rin ako pinayagan ni Dad. Ang strikto lang nuh? =___=

Naku naman!

Ayokong maghintay dito sa labas!

Kanina pa ako tinitignan ni Manong Guard! WAAAH!

Mabuti pang hahanap na lang ako ng lugar kung saan pwedeng pumuslit >:)

At alam ko kung saan! XD

Aakyat ako ng pader para makapasok at dun na lang ako sa green house maghihintay sa kanila.

Pero hindi ko inaasahan na ang pagpunta ko sa dating lugar na pinagtatakasan ko ay may gulong nag-aantay sa akin.

"Ano ba! Let go of me!!"

Pamiliar ang boses na yun!

Teka! Wag mong sabihing...

Mabilis akong tumakbo sa lugar na pinanggagalingan ng sigaw at hindi nga ako nagkakamali.

Si Summer.

"TSK! Sumama ka na!! Malaki pa ang atraso ng t@rant@do mong boyfriend sa amin!!"sigaw nung isang pangit.

Kasabay nun ay tinulak nila paloob ng van si Summer.

"Tulong!!! Ano ba!! TUL---mmhhhpff!"

Mabilis pa sa alas kwarto nang kunin nila si Summer. Sa sobrang bilis ay hindi ko nagawang pigilan sila.

Pero bago pa man sila makalayo ng tuluyan ay hindi ko inaasahang may dadaan sa harapan ko.

"Dens!!"

Mabilis akong sumakay sa likuran niya nang huminto siya sa harapan ko.

"O-oy! Anong ginagawa mo?!"

"Sundan mo ang van na yun!! Dali!!"

LIAR [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon