Chapter 45: Friend

1K 13 1
                                    

Chapter 45: Friend

[Jess POV]

GHAD!! What's happening to the earth?

"AISH!! Pigilan niyo ako!! Pigilan niyo!!!"

"Calm down Mint."

"She's getting on my nerves!! Akala niya kung sino siya kung makapagbintang ah? Hindi lang siya ang nasaktan sa mga nangyari!! HINDI LANG SIYA!! DAMN IT!!"

Sabay sipa sa plastic na upuan sa harapan niya.

"Hays~ Nag-iba na talaga siya guys.."matamlay na sabi ni Summer.

"Hindi na siya tulad ng dati. Oo nga, dati na siyang may pagkaamazona, kaya nga nabansagan siyang gangster eh, pero iba na ngayon.."

Natahimik kami dahil sa mga sinabi ni Summer. Ramdam ko ang lungkot na nararamdaman niya dahil sa biglang pagbabago ni Keya. At hindi niya din aakalaing masasaktan siya ni Keya ng ganun. Talaga ngang nagbago siya.

Binasag naman ni Kyle ang katahimikan nung tumayo siya.

"Everything will be alright, ok?"sabay pat ng ulo ni summer."Sige, may pupuntahan muna ako."

Tiningnan lang namin si Kyle hanggang makaalis na siya sa loob ng green house.

Nakakadepress naman ang ganito.

Lumipas ang mga araw at linggo at sobrang depress kaming lahat. Especially Summer, mas depress pa siya ngayon kaysa noong mga nakaraang araw.

May mga napansin na din akong pagbabago sa mga kinikilos ng mga kasama ko.

Si Alex, pumapasok na pero tahimik lang siya. At parating nakatingin kay Keya. May mga araw ding, nilalapitan niya si Keya para makausap pero parati siyang nilalayuan. Ang masaklap pa minsan pinapahiya pa siya.

Si Rex din ganun. Gusto niya ding makausap si Keya para magkalinawan na. Kaming dalawa ang lumalapit sa kanya, pero ganun din ang kinalabasan, iniwasan lang niya kami.

Si Mint naman, medyo lumayo muna kay Keya baka kasi hindi siya makatiis at kung ano pa daw ang magawa niya kay Keya. Sinasamahan na lang siya ni Zero.

Si Summer naman, kasama namin ni Rex parati. Lately kasi hindi pumapasok si Kyle. Hindi nga namin alam kung bakit. Kapag tinatanong namin si Summer puro iling lang ang isasagot. Hindi na nga namin alam kung ano nang nangyari sa isang yun.

Si Elise din, depress. Parati nga yang umiiyak dahil miss na daw niya yung bestfriend niya. Si Peter lang din ang nakakapagkalma sa kanya. Kahit si Elise, hindi pinapansin ni Keya, pero si Elise lang yung hindi niya tinatarayan, iniiwasan lang siya ni Keya.

LIAR [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon