Chapter 41: Katotohanan

1K 14 3
                                    

Sorry if my mga grammatical errors or typo error ^___^ I hope you do understand !

Btw: Please read the prolouge of my new story entitled My Brightest Star ^___^ ipopost ko na din ang chapter 1 nun mamaya :) ..

=================================================================

Chapter 41: Katotohanan.

[Alex POV]

Nandito kami sa isang room kung saan dinala si Keya. Hinihintay pa kasi namin yung taong sinasabi nila Tita na totoong Dad ni Keya. Higit 5 minuto ding umiyak si Tita, nilabas niya lahat ng emotions niya. Ramdam naming lahat yung lungkot niya at takot niya para kay Keya.

Habang hinihintay namin yung REAL DAD ni Keya dito sa labas ng kwarto ay kinwento na ni Tito kung paano nila nakita si Keya.

"Una naming nakita si Keya sa isang Park malapit sa simbahang pinupuntahan namin ng asawa ko. Malakas ang ulan noon, kaya naman sumilong muna kami sa isang kubo na nasa park. Habang hinihintay namin ang pagtila ng ulan ay may narinig kaming malakas ng iyak ng bata. Nung una binalewala lang namin dahil ang akala namin napadaan lang, pero napansin naming hindi tumitigil yung iyak ng bata. Mas lalo pa ngang lumakas yung iyak niya nung kumulog. Nag-alala yung asawa ko sa bata kaya naman hinanap namin kung saan yun nagmumula."

Huminga muna ng malalim si Tito bago nagpatuloy ulit.

"Nakita namin ang isang batang nakaupo sa ilalim ng isang puno, basang basa at umiiyak. Lumingon kami sa buong paligid pero kami lang yung tao sa park. Agad namang tumakbo yung asawa ko daladala yung payong namin. Ako tuloy yung nabasa sa ulan. Nilapitan namin si Keya, na patuloy pa din sa pag-iyak. Tinatanong namin siya kung nasaan yung magulang niya pero iyak lang siya ng iyak. Nagulat na lang yung asawa ko nung hinawakan niya si Keya sa ulo ay mainit ito. Mataas ang lagnat nung bata kaya naman mabilis naming dinala sa hospital si Keya. Sa tansya namin ay 2 years old pa lang si Keya that time. She's been hospitalized for 3 days. Kami na yung nagbabantay sa kanya sa hospital. Sa tatlong araw na nasa hospital siya kasama ang asawa ko, hinahanap ko naman yung magulang ng bata, pero wala eh. Wala akong nakuhang information tungkol sa magulang niya. Wala din naghahanap ng bata."

"Paano nangyari yun? Diba dapat, as a parent hinahanap nila ang anak nila?"singit ko. Nagtataka lang kasi ako kung bakit hindi hinanap si Keya.

"Wala kaming alam that time kung bakit, pero nung nakilala na namin ang Dad ni Keya, ay dun pa namin nalaman kung bakit...That day, Keya's mother had an accident. Kaya naman hindi niya nabalikan si Keya sa park."

"How about her Dad? Hindi ba din niya hinanap si Keya?"tanong ko ulit.

"He also searched for her, but unfortunately nasa Canada na kami with Keya. Makulit kasi yung asawa ko, gustong gusto talagang ampunin si Keya. And as her husband, hindi ko siya matanggihan. I told her, if I can't find her parents within 3 days we will adopt her. Hindi ko matanggihan ang asawa ko, dahil alam ko sa mga panahon yun ay nangungulila siya sa anak na babae namin. And she kept blaming herself bacause of that. Namatay ang bunsong anak namin dahil sa isang hit & run. Sinisisi niya yung sarili niya dahil kung binantayan lang niya si Keya, our real daughter ay hindi ito mawawala sa amin."

LIAR [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon