Kath's POV
Sigh. Another school year. :)
June 13.
It's been a year since my first boyfriend and I broke up. He left for London. Tss. Eto, nakapagmove on na yata ako. :D Dejokelang, on the process pa lang, but I'm getting there. Time heals daw diba? Sana nga. :)
First day of school ngayon, ang sarap ng feeling kasi makakasama ko nanaman ang barkada. And speaking of them, andun na raw sila sa school. Nagpalate ako kasi 10 am pa magsastart yung class dahil first day eh. 8:30 am pa naman, andito ako sa kotse, papunta na sa school. Ka-jamming ko iPod ko, np: Today My Life Begins ni Bruno Mars. Just perfect :)
DJ's POVNandito na ako sa bago kong papasukan. Ganda dito! Andito ako para hanapin si Batgirl. De, joke lang, andito ako para mag-aral syempre, pero malay natin dito ko siya matatagpuan diba? Haha.
Pagpasok ko, tinitignan ako ng ibang studyante, bago kasi ako dito. Pero infairness, hindi nila ako pinagkakaguluhan, di tulad ng dun sa dati kong pinasukan. Tsss --. Ayy teka, mali yata ako ng akala..
"Hey! Transferee ka? Anong name mo?" Sabi ng isang babae."Lika! Samahan ka namin maghanap sa room mo!" :D sabi naman ng kasama niya. Kainis naman tong mga 'to. tss ~_~
"Ah, Ako si Daniel. Thanks sa offer pero alam ko na san ako pupunta eh. Una na ako! Bye!" yan lang sagot ko tapos tumakbo na ako. Sa totoo lang hahanapin ko pa yung sinasabing tambayan ng pinsan ko at ng barkada niya. Sa park daw yun ng school ang tambayan nila.
Naglakad-lakad lang ako dito sa hallway, eto na siguro yung blue bldg na sinasabi ni pinsan, kaya lumabas na ako, at nakita ko na rin yung park. Maya-maya may narinig na akong sumigaw --
"DJ halika dito! Pakilala kita sa barkada." yan nga pala pinsan ko, si Diego Loyzada. Mabait pero nangunguna rin sa kalokohan minsan. Lumapit na ako sa kanila.."Eto si Julia, girlfriend ko. Yan si Neil, at si Kiray at EJ, lovebirds yan! Di mapaghihiwalay." Pakilala niya sa kanila. At yun, naghandshake kami at binati ko sila. Ang sarap nilang kasama, feeling ko tuloy matagal na kaming magkabarkada. Nagkwentuhan kami at nagbiruan. Oo, nagbibiruan na kami, ganyan na kami ka-close.
Habang nag-aasaran ang barkada, napatingin ako sa gate (front view ko kasi ang gate) may pumasok kasing magandang babae pero ang lungkot ng mukha niya. Pero maganda talaga, kaya nga ako napatingin eh. Haha!
Naglakad na siya papunta dito sa park, pero napahinto siya. May lalaking nag-abot sa kanya ng rose at sulat. Hindi na ako magtataka kung bakit may admirers siya. Tinanggap naman niya yun at lumapit na siya---- di.. dito--? dito sa tambayan? Oo, dito talaga. O______________O
"GUYS!! ^______^ " Sigaw niya. Hala! Bipolar dre? Kanina ang lungkot tapos ngayon wagas ang ngiti?Anyare?
Nag-apir siya sa lahat at napatingin siya sakin. Teka, ba’t may something sa titigan moment namin? Yung parang may connection sa’min?
"Eh may hindi pala kayo pinapakilala sakin!"sabi niya sa barkada.
"Si DJ pala yan Kath, pinsan ko at magiging kaklase at kabarkda natin." sabi ni Diego.